bc

The One Side

book_age16+
2
FOLLOW
1K
READ
bold
small town
like
intro-logo
Blurb

Inah Madrigal has always been in love with the third year college ball captain of basketball team and snobbish student Reese Revamonte since day one. She knows everything about him. Hobbies, favorite places to go, favorite brand of clothes, name it. That’s why when stars aligned and Reese confessed to her, she was the happiest. But that is also the time when destiny decided to play with them, both.

chap-preview
Free preview
Prologue
“James Daniel bilisan mo!” medyo inis kong sabi habang tumatakbo papalapit sa gate. Huminto ako at lumingon sa direksyon niya. He looked at me with disbelief on his face. “Sana sinigaw mo pa ang buong pangalan ko ‘no?” sarkastiko niyang sabi. Mahina akong tumawa. Ayaw na ayaw niya kasi tinatawag siya sa buong pangalan niya. Mas maganda daw pakinggan ang ‘Jannelle’. Nawala ang atensyon ko sa kaniya nang marinig ang sigawan sa hindi kalayuan sa akin. Nanggagaling iyon sa loob ng gym. Excitement burns in my chest and lingers down my stomach. I can't wait to see him. “Dalian mo kasi,” sabi ko na lang at binalik ang tingin sa entrance ng gym. Nadismaya ako nang makita ang dami nang taong nandoon, gustong gustong pumasok kahit nakasarado na ang gatte. Nauna na akong lumakad papunta sa harap ng gate, nakisiksik sa mga tao na nandoon. Hindi inaalintana ang mga reklamo sa likod. Nang makarating sa harap hinawakan ko gamit ang dalawang palad ko ang gate na para bang preso at tiningnan ang mga tao sa loob. Hindi pa nagsisimula ang laro, pero marami nang tao doon, siguro ay dahil sa mga players na nag w-warm up sa basketball court. Hinanap ng mata ko ang isang particular na tao. Naputol lamang iyon nang may humarap doon. Nang itaas ko ang paningin ko, nakita ko ang isang malaki ang katawan na security guard na natabang nakatingin sa akin. Mukhang hindi nasisiyahan sa ginagawa ko. “Teh,” rinig kong sabi ni Jannelle sa akin. Hindi ko iyon pinansin at umayos na lang ng tayo. “Kuya hindi na po ba kayo nagpapapasok?” tanong ko sa guard na nasa loob ng gym at nakatingin lang sa akin ng walang ekspresyon. Umiling siya bilang pagsagot. Ano ba ito, hindi man lang ako kausapin ng maayos. “Sige na kuya, ‘yong boyfriend ko kasi maglalaro ngayon, gusto ko siya isupport,” sabi ko. Trying so hard to persuade him. Hindi naman kasi sana kami mal-late kung mabilis kumilos itong si Jannelle, tsaka traffic kaya habang papunta kamii dito, may nasiraan ng truck sa gitna ng daan, what a great timing. “Edi dapat inagahan niyo,” masungit niyang sabi. Napasimangot ako sa sagot niya. Nilabas ko ang cellphone ko at tinignan ang oras. Five minutes na lang magsisimula na ang laban, at nandito pa rin kami sa labas, trying to get in. Nabuhayan ako ng loob nang makita ang tatlong babaeng nakasuot ng CBA shirt ang naglalakad papalapit sa gate, mukhang lalabas na sila. Tama nga ang hinala ko nang buksan ng guard ang gate. Ibig sabihin pwedeng pumasok ang tatlong estudyante dahil may lumabas. Pagkalabas na pagkalabas ng mga babae sa gate, nakipag unahan kaagad kami ni Jannelle na makapasok sa loob. Naunang makapasok sa akin si Janelle, mayroon kasing humawak sa balikat ko at pinigilan akong makapasok. Tinignan ko iyon ng masama at marahas na tinanggal ang braso niya sa balikat ko, akmang maglalakad na ako papasok nang maramdaman ko ang braso sa tyan ko na humaharang sa akin. Pag angat ko ng tingin, nakita ko ang guard na nakatingin sa akin at hinaharangan akong pumasok. “Tama na,” sambit niya. My lips parted. What the hell? Hindi pa nga ako nakakapasok. Tumagos ang tingin ko sa kaniya at nakita si Jannelle sa loob with pity face habang hinihintay ako. Napatingin din ako sa court nang tumunog ang malakas na buzz, hudyat na magsisimula na ang game. It was an adrenaline rush, kaya lumuhod ako at gumapang saan ilalim ng braso niya para makapasok doon. I just can’t miss this game. I heard him gasp. Lumingon siya sa akin at sinubukang habulin ako, ngunit mabilis kaming tumakbo ni Jannelle sa loob at humalo sa mga tao. Sabay naming hinabol ang hininga namin nang makarating kami sa gilid ng mga bench, sigurado hindi na kami makikita dito. Nang magkatinginan kami, sabay kaming tumawa. Kahit gusto kong mag focus sa game, kailangan muna naming maghanap ng mauupuan. Nang makita namin umalis ang dalawang babae sa pinakababa ng bench ay walang pagdadalawang isip na kaming pumunta doon at umupo. Nasa right side kami ng bench. Nanlaki ang mata ko nang makita ang kulay at college na nakalagay sa likod nang mga players na nakaupo sa harap ko. They are wearing a color white jersey that has a big COS in front. It’s his college! Kaagad kong tinuon ang atensyon ko sa basketball game na nagaganap ngayon. It's a game between College of Computer Studies, my course, versus College of Science, which is his course. Huminto ang mga mata ko sa paghahanap at napako sa isang lalaki. He is slowly walking towards their bench, in front of us, while beads of sweat are dripping from his forehead down to his cheek. Basa rin ang mid length na buhok niya na bahagyang tumatama sa kaniyang makapal na kilay and his almond shape eyes. Mula sa pwesto ko, kita ko rin ang makapal niyang pilik mata, lalo na nang sinubukan niyang punasan ang pawis niya using the back of his palm. Kinuha niya ang tumbler niya, na sa tingin ko ay ang thumber, at uminom doon. My lips parted when I saw how high and pointed his nose was. My gaze went down to his pinkish and naturally shaped lips. Ang gwapo talaga. I suddenly wished I was that tumbler. Para mahalikan niya rin ako. I shook my head. Nawala rin siya sa paningin ko sa kaniya dahil may mga matatangkad na lalaking nagpunta sa likod niya. “Ang pogi ni Reese,” kinikilig na sabi ni Jannelle sa tabi ko. Tinignan ko siya ng masama. “Boyfriend ko ‘yan,” sabi ko. Tinaas niya ang kilay niya then he rolled his eyes on me. “Boyfriend ka diyan, hindi ka nga kilala,” pang aasar niya. Mahina akong tumawa pero binalik din ang dating itsura. “Huwag mo ngang sinisira ang araw ko James Daniel,” pabalik na pang aasar ko sa kaniya. It’s true though. I lied to the guard. Reese Revamonte is not my boyfriend. I am just one of his many many fangirls in this school. “Go C O S!” I shouted on top of my lungs. I am cheering for his team. “Anteh hindi ka na nahiya, what if may makakita sa ‘yo? Nakasuot ka pa naman din ng CCS shirt,” bulong ni Jannelle sa tabi ko. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang sa pag c-cheer. Bakit ba. Eh gusto ko nga siyang i cheer, gusto ko siyang i support lalo na at alam kong basketball ang isa sa mga sport na gustong gusto niya at nakita ko rin kung paano siya nag practice for this championship game ‘no. “Revamonte I love you!” sigaw ko, sinasabayan ang mga sigaw sa paligid. Nakita kong napatingin sa akin ang ibang estudyante sa tabi ko but i just don’t care at all. Natapos ang game at nanalo sila. Just like what I expected. And he is the MVP. Reese Revamonte is the MVP, my baby is the MVP. Pagkatapos nilang magpapicture ay unti unti na rin nagsilabasan ang mga tao, para makapasok naman ang iba, may susunod pa kasi na game. Kinuha ko ang sulat sa bag ko at tumayo. “Saan ka pupunta?” tanong ni Jannelle. “Ibibigay ko lang sa kaniya ‘to,” sabi ko at pinakita ang sulat. I made this last night. I know he is probably tired of my letters, but I still want to give him this. Kahit hindi niya ako kausapin at tanggapin lang ito. Ewan ko ba. “Inah Ylena Madrigal!” rinig kong sigaw ni Jannelle. Hindi ko pinansin ang tawag niya tumakbo papalapit na papalabas na players. Nang makalapit ay kaagada kong humarang sa harap niya. Napahinto siya pati na rin ang dalawang lalaki sa magkabilang gilid niya na kaagad ko ring nakilala. Mikael Castro and Evan Sandoval, two of his close friends. I suddenly got intimidated when he lifted his gaze on my face. Gustong bumagsak ng mga binti ko sa mga tingin na iyon. His dark black eyes are piercing through my soul. May puting tuwalya sa balikat niya at basa pa rin ang buhok. Wala siyang ekpresyon habang nakatingin sa akin at mukhang gusto nang umuwi. Bahala na. Tinaas ko ang sulat sa kamay ko at nilahad sa kaniya. His gaze slowly went down to the letter. Sobrang tahimik. Pakiramdaman ko tuloy, lahat ng tao ay nanonood sa amin. Please tanggapin mo. Please tanggapin mo Please tanggapin mo. Tinawag ko na lahat ng santo sa kagustuhan kong tanggapin niya iyon. Ito na yata ang pang thrity letter na binigay ko sa kaniya, like I’m not even kidding, at sa lahat ng mga sulat na binigay ko, wala siyang tinanggap kahit isa. Bumalik ulit ang tingin niya sa akin. Sa paraan ng pag tingin niya sa akin, mukhang alam ko na ang ibig niyang sabihin. Ayaw niyang tanggapin. Usually hindi niya ako pinapansin, o kaya naman ay kukuhanin niya pagkatapos ay lulukutin at itatapon sa basurahan sa harap ko. I hate him for that but I still like him. Tumagal ang titig niya sa akin. Fuck. Embarrassment spread on my chest. This is so humiliating. I wanna scream, gusto ko ring sabunutan ang sarili ko, at the same time gusto kong lumubog sa lupa to save my face. My thoughts were interrupted when I saw him lift his arm and take the letter in my hand. Pagkatapos ay nilampasan ako without saying anything. Naestatwa ako. Hindi ako gumalaw o lumingon man lang. Did he just take the letter I gave him?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

WHAT IF IT'S ME

read
67.0K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

Rewrite The Stars

read
95.3K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
240.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook