Kabanata 1 (Sad Prince)
M A R C O M O N T E F A L C O
"It's sleeping time!" magiliw na pahayag ko sabay bukas ng pinto sa kuwarto ni Lovie.
Naabutan ko siyang naglalaro sa ibabaw ng kama. She immediately put all her toys inside the box and pushed it down to her bed.
"Done, Daddy!" tugon niya sa akin.
Masigla niya akong sinalubong at niyakap.
"Very good!" I complimented.
Lovie was a sweet and lovable kid. Kahit na lumaki
siya na walang mommy ay mabait at masunurin pa rin na bata.
Hindi pa muna namin sinabi sa kanya ang lahat, like
all about the real relationship between her and her true mother, masiyadong
komplikado at bata pa si Lovanah. Besides, if we will really think of it, she
was Mutya's daughter, or supposed to be Maria when we got married. Ang
importante naman ay okay na kami. We are all happy and contented. Masaya na
sina Rhem at ang bagong Maria. In fact, they are waiting for their own baby boy
to come.
Para sa akin ay wala na ang asawa ko at masaya na
ako kasama ang aking pinakamamahal na anak.
Ako, I already have Lovanah. She's enough for me.
"Daddy!" Nakangisi niyang inabot ang isang
story book sa akin.
I knew it!
Magbabasa na naman kami ng fairytale story na palagi
niyang pinapaulit na ipabasa sa akin.
Tila ba walang kapaguran niyang pinapakinggan ito at
kahit na alam na niya ang ending ng malungkot na prinsipe at ang babae sa
kuwento ay nagagalak at nasasabik pa rin siya.
My daughter is so sweet, so innocent. Kaya nga
nasasaktan ako tuwing nagtatanong siya sa mommy niya.
"Alright. Go, hop into your bed."
Agad namang tumalima ang bata at nahiga sa sariling
kama. I put the blanket on the top of her chest and sat beside her.
"And now, let's pray first..."
She put her two palms together and closed her eyes.
I gently stroked her black, straight hair and carefully listened to her prayer.
"Papa Jesus, thank you for this wonderful
night. Thank you for Daddy, Tita-Mommy, Tito-Dada, and Nanay Esther, " she
recited.
She unfailingly said this prayer every night. Sa
palagay ko nga ay nabibingi na ang Diyos sa palaging dasal ni Lovie at nakatutuwa
lang na wala siyang ibang hinihingi kundi ang magpasalamat.
Napangiti ako. Pero parang hindi pa siya tapos dahil
hindi pa nag-a-amen. Baka may bago na naman siyang hihingin.
Toys, maybe.
Bihira lang siyang humingi ng laruan sa akin. Minsan
nga ay ako na an bumibili kaya masayang-masaya si Lovie minsan. She appreciated
small things and I was so lucky that God gave me wonderful and sweet daughter
like her.
"And also, thank you po for my future and new
mommy. Amen!"
New Mommy? Where did she get that?
Napatitig ako sa kaniya. Nanlulumo ang puso kong
marinig ito galing sa bibig ni Lovie. Alam kong sabik na sabik ang anak ko sa
pagmamahal ng isang ina. But how? Hindi naman ako kukuha lang ng kung sino para
maging nanay ng anak ko.
Mahal naman ni Maria si Lovie pero iba talaga kung
nakakasama ang nanay mo.
The Maria I met before was the ideal woman for me.
She was perfect in all her imperfections. And if I will get married again, I
want to choose the best, and let's say, the perfect woman ~ a perfect mother
and perfect housewife.
Hindi iyon para sa akin. Para iyon sa anak ko. Gusto
ko siyang maging masaya.
Pasimple kong pinahid ang mga luha. I was really
emotional pagdating kay Lovie. Mahal na mahal ko ang anak ko and she already
hooked my weakness, especially my heart.
"Okay, let's read." Pilit kong pinapasigla
ang boses. She must not see me crying. No one must see me crying. I am fine. Am
I?
I shook my head at the idea. Okay ako! Okay na okay
ako...
"The Sad Prince.. " Iyon ang titulo ng
libro.
"There was a girl who had been wandering along
the dusty road for many years...
Her dress was as yellow to outshine the sun and was
embroidered around the hem with cuffs in cherry-red flowers. Long and burnished
was her brown hair, twined and tangled through a small red dress..."
Lovie sat and looked at me. Napatigil ako sa
pagbabasa para tingnan din siya. "Daddy, the girl is beautiful, isn't
she?"
Nginitian ko lang siya at pinahigang muli. I eyed
back to the book and continued reading.
"Despite her traveling, the girl was not
worried. One morning, she turned a corner and came across a ruined town. The
ruins were inhabited with an abundance of life. But there were no
people..."
Pasimple kong tiningnan ang bata at nakita kong
humihikab na. She slowly closed her eyes and I thought she was really sleeping,
that's why I slowly closed the book until I heard her mumble.
"C-Continue, Daddy," she said in a very sleepy voice.
Gising pa pala!
I smiled and opened the book again. Pinakli ko pa
ito at saka muling nagbasa.
"The girl went inside the castle of that ruined
town. She saw a man sitting in a chair beside a deep-set window. A slim golden
crown straddled his head. The man with a sad face and sad eyes is a
Prince..."
I stopped when I heard her sweet snore.
Papakiramdaman ko muna siya bago ako hinay-hinay na tatayo.
Madaling makatulog si Lovie pero ang bilis niyang
magising lalo na kung may gagalaw.
But I didn't have my move yet when Lovie quickly
hugged me at my waist. Wala akong nagawa kaya bumalik ako sa pagkakasandal sa
higaan at hinayaan na lamang siya.
My sweet little princess.
I caress her hair and stared at the beautiful face of
my precious daughter. I enjoyed the moment looking at her. She grew up so fast.
And years later, may dalaga na ako.
She really looks like you, hon... sabi ko sa sarili.
Nawala man ang pinakamamahal kong asawa, may isang
tao naman ang humalili sa kanya.
I leaned my head on the headboard of the bed and
took the book I just read.
The Sad Prince....
Ako ba ang tinutukoy sa istorya? Am I really that sad?
Binuklat ko ang pahina kung saan ako nahinto and
continued to read it.
Mabuti pa nga ang mga bida sa kuwento ay may
magandang happy ending sila. Sa totoong buhay ay may masasabi ko namang happy
pero hindi ganoon ang magiging ending ko. Masaya ako sa piling ni Lovie, ayos
na sa akin iyon.
You will never know what will happen. You will never
know who will come. And definitely, Lovie was the best person who came into my
life.
Napahikab ako at nakaramdam na ng antok.
Not just a couple of minutes, I instantly fell
asleep...
Sleep sad prince...