bc

THE PLAYBOY'S BODYGUARD

book_age18+
104
FOLLOW
1K
READ
possessive
playboy
kickass heroine
brave
dare to love and hate
lighthearted
office/work place
enimies to lovers
actor
bodyguard
like
intro-logo
Blurb

Kate hates playboy since young dahil sa nasaksihan niya kung paano nasira ang buhay ng dalawang babaeng malapit sa kanyang puso. Ipinangako niya sa kanyang sarili na never siyang magkakagusto sa isang playboy. But fate makes a jokes on her. Siya kasi ang napiling maging bodyguard ng sikat na artistang si Clayn Ibannez na sikat din sa pagiging playboy. Mapangatawanan kaya niya ang ipinangako niyang hindi siya magkakagusto sa isang playboy gayong nagpapakita ng interes sa kanya ang guwapong artista? Kaya kayang tunawin ni Clayn ang malamig at matigas na puso ni Kate? At si Kate na kaya ang babaeng magpapatino sa malikot na puso ni Clayn?

chap-preview
Free preview
Chapter 1.1
Kate's Pov Halos mahilo-hilo na ako sa iba't ibang kulay ng bombilyang sumasayaw sa loob ng bar na kinaroroonan namin ngayon. Nasa loob kasi kami ng isang disco bar at kasama ko ang dalawa kong kaibigang babae na ka-trabaho ko rin. Katulad ko ay mga pulis din sila. Member kami ng "Female Police Force" na binuo ng mismong presidente ng Pilipinas. Kami ang nagpo-protekta sa mga VIP o espesyal na tao sa bansa at pati na rin kapag may mga mahahalagang tao na bumibisita sa Pilipinas na mula pa sa ibang bansa. Kapag may mga misyon na kailangang babae ang gumawa ay kami rin ang ipinapadala para gawin ang misyon. May mga bagay kasi na tanging mga babae lamang ang makakagawa at hindi kayang gawin ng mga lalaking pulis. Binigyan kami ng three-days-off ng aming superior matapos ang matagumpay na pagprotekta namin sa ambassador ng Chile na bumisita sa Pilipinas sa kabila ng banta ng mga terorista sa buhay ng ambassador. Ligtas na nakabalik sa Chile ang ambassador matapos ang dalawang araw na pakikipagpulong nito sa presidente ng Pilipinas. At dahil natuwa sa amin ang aming superior kaya binigyan kami ng malaking bonus at tatlong araw na day off. Kaya okay lamang na magpuyat kami ngayon dahil wala naman kaming trabaho kinabukasan. Hindi ako pumapasok sa ganitong klaseng lugar ngunit hindi ko natanggihan si Diane nang makiusap siya sa akin na samahan ko sila ni Faith na gumimik. Broken-hearted kasi ang huli dahil ipinagpalit ito ng nobyo nito sa isang babaeng matanda na ngunit milyonarya naman. Nang malaman ko ang ginawa ng boyfriend ni Faith ay lalo lamang nadagdagan ang galit na nararamdaman ko sa mga lalaking playboy at unfaithful. Wala akong pakialam kahit na ang tingin ng marami sa akin ay man-hater. Pero ang totoo ay hate ko lang naman ang mga lalaking playboy at unfaithful. Mga lalaking hindi makuntento sa iisang babae at nakukuha pang maghanap ng iba kahit may obligasyon na sila. May pinagmumulan ang aking pagiging hater ng mga playboy. Ten years old pa lamang kasi ako noon nang makita ko naglaslas ng kanyang pulso ang aking ina dahil sa babaero kong ama. Mabuti na lamang at nailigtas pa ng mga doktor ang buhay ng mommy ko kaya hindi siya tuluyang nawala sa amin ng ate ko. Nang tuluyan kaming iwan ni Daddy at ipinagpalit sa ibang babae ay nahirapang makabangon si Mommy. Pero sa ngayon ay okay na siya. Nasa ibang bansa na siya kasama ang German niyang asawa na tunay na nagmamahal sa kanya. Hindi lang naman dahil kay Mommy kaya ako nagkaroon ng malaking galit sa mga playboy. Dahil ang nakatatandang kapatid ko na si Karen ay nagpakamatay din dahil sa babaero niyang boyfriend. Ngunit hindi siya katulad ni Mommy na masuwerteng nailigtas ng mga doktor ang buhay dahil binawian siya ng buhay. Nawala sa amin ang ate ko noong kinse anyos ako at malaking dagok iyon sa akin. Sobrang close na close kasi ako sa kanya kaya halos hindi ko matanggap na wala na siya. Iniwan niya kami ni Mommy dahil lamang sa walang kuwentang lalaki. At magmula noon ay ipinangako ko sa aking sarili na hindi ako tutulad sa kanilang dalawa. Hindi ako magkakagusto at magmamahal sa isang playboy. Marami ang nagtangkang manligaw sa akin ngunit lahat sila ay binasted ko. Maliban sa nakikita kong hindi naman talaga sila seryoso sa akin ay wala rin akong gusto sa kanila. Hindi ko naman sinasabing hindi ako magkakagusto sa isang lalaki ngunit hindi pa lang siguro dumarating ang lalaking magpapatibok sa aking puso. At sisiguraduhin ko na hindi sa isang playboy titibok ang aking puso. "Kate! Nakatulala ka yata diyan? Nakakita ka ba ng lalaking guwapo?" malakas ang boses na kausap sa akin ni Diane nang makita niyang tila natutulala ako. "As if naman may lalaking makakapukaw ng aking interes," nakaismid kong sagot sa kanya sa malakas na boses. Kailangan kasi naming lakasan ang aming tinig kapag magsasalita kami dahil hindi kami magkakarinigan sa lakas ba naman ng tugtog sa loob ng bar. Pakiramdam ko nga ay lalabas na ang mga tutuli ko lakas ng kanilang sound system. "Sa inyong dalawa ni Faith ay mas interesado akong makita ka na magkaroon ng boyfriend. Curious kasi ako kung anong klaseng lalaki ang makakatunaw sa yelo na nakabalot diyan sa puso mo," pasigaw na sabi ni Diane. Nagpalingon-lingon ito pagkatapos ay biglang napangiti. "Maraming guwapo sa paligid, Kate. Baka may matipuhan ka sa kanila." "May boyfriend naman si Faith. Iyon nga lanag ay ipinagpalit siya sa ibang babae. At saka huwag ako ang pagdiskitahan mo, Diane. Ang babaeng iyan ang intindihin mo dahil siguradong gagapang na iyan mamaya palabas ng bar," inginuso ko si Faith na bahagyang nakayuko ang ulo sa mesa na halatadong sobrang dami na ng nainom na beer. Napangiwi si Diane nang makita ang hitsura ng kaibigan namin pagkatapos ay nilapitan nito si Faith at ginising. Hindi naman sinasadyang napadako ang tingin ko sa isang lalaking nakaupo tatlong mesa ang pagitan mula sa amin. Napapalibutan ito ng maraming babae at tila enjoy na enjoy ito sa atensiyon ng mga babaeng kaharap. Hindi ko maiwasan ang mapailing. Tiyak na maraming babae na itong pinaasa at pinaluha lalo pa at guwapo ang mukha nito. Guwapo ito sa salitang guwapo. Pero walang epekto sa akin ang kaguwapuhan niya dahil halatado namang isa siyang playboy. Naramdaman yata ng lalaki na nakatingin ako sa kanya kaya biglang umangat ang kanyang tingin at nagtama ang aming mga paningin. Ngumiti siya sa akin at itinaas ang isang bote ng beer na para bang nakikipag-cheer sa akin. Hindi pa ito nakuntento at bigla na lamang akong kinindatan. Isang matalim na irap ang iginanti ko sa kanya pagkatapos ay inalis ko na ang aking paningin sa kanya kaya hindi ko na alam kung ano ang reaksiyon niya sa ginawa kong pag-irap sa kanya. Akala niya ay madadala niya ako sa matamis niyang ngiti at pagkindat. Pasalamat nga siya at malayo siya sa akin dahil kung nagkataong nasa harapan ko lamang siya nang kinindatan niya ako ay makakatikim siya sa akin ng sundot sa mata. "Ang mabuti pa ay ihatid na natin si Faith sa bahay nila. Tutal ay hindi na naman niya kayang uminom pa," suggestion ni Diane mayamaya. "Sige. Hintayin mo ako at babayaran ko lamang itong nainom natin." Tumayo ako sa aking kinauupuan at naglakad palapit sa counter at binayaran ang aming nainom na beer. Pabalik na sana ako sa mesa namin matapos kong tanggapin ang sukli ngunit nagulat ako nang bigla na lamang may umakbay sa aking balikat. Nang tingnan ko kung sino ang pangahas na taong umakbay sa akin ay natuklasan kong ang bastos na playboy na kumindat sa akin kanina ang siya palang umakbay sa akin. Naisip kong naghahanap yata siya ng sakit sa katawan dahil talagang lumapit pa siya sa akin para makatikim ng sakit sa katawan mula sa akin. "Hi, Miss Pretty. Nag-iisa ka lang yata. Wala ka bang kasama? Gusto mo bang samahan kita ngayong gabi?" namumungay ang mga matang tanong niya sa akin habang nakadisplay sa mga labi ang mapang-akit na ngiti. Kung naibang babae lamang ako ay tiyak na kinilig na. Ngunit iba ako. Dahil hindi uubra sa akin ang pagpapa-cute at pagpapa-pogi na ginagawa niya. Sa halip na sagutin ko agad ang kanyang tanong ay mariing hinawakan ko ang kanyang kamay na nakaakbay sa akin at binaliti papunta sa likuran niya. Napasigaw ito dahil sa sakit. Ngunit dahil sa sobrang lakas ng ingay ng sound system kaya nilamon lamang ng tugtog ang malakas nitong boses. "So, gusto mo pa bang samahan ako ngayong gabi?" nakataas ang kilay na tanong ko naman sa kanya. "Damn you, Lady!" galit na singhal niya sa akin. "Bitiwan mo ako ngayon din!" malakas ang boses na utos niya sa akin. "Sa susunod na umakbay ka sa isang babae ay siguraduhin mo munang gusto niya na inaakbayan mo siya, okay?" nakairap na sabi ko sa kanya pagkatapos ay patulak na binitiwan ko ang kamay niya at walang paalam na naglakad ako pabalik sa mesa namin. Hindi ko na nilingon ang lalaki na alam kong nagpupuyos na ngayon ang dibdib sa galit dahil sa ginawa ko sa kanya. "Serves him right," mahinang bulong ko bago ko tinulungan si Diane na akayin si Faith palabas ng disco bar. Akala ko ay ito na ang una at huling pagkikita namin ng lalaking iyon ngunit hindi pala. Dahil may ibang balak pala ang tadhana para sa aming dalawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

EASY MONEY

read
174.1K
bc

Dangerous Spy

read
297.8K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.3K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.5K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.8K
bc

YOU'RE MINE

read
893.4K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook