bc

Ex-Marine

book_age18+
558
FOLLOW
1.5K
READ
like
intro-logo
Blurb

Franko Angelo Villaneza - Bilang panganay sa limang magkakapatid isinakripisyo niya ang pinakamamahal na propesyon upang mabigyan kasiyahan ang ama. Nagbitiw siya sa trabaho bilang isang high ranking Marine officer.... Nagpanggap bilang magsasaka at ginamit ang kanyang skills.... Pinangasiwaan ang mga negosyo ng pamilya, ang Villaneza group of company..

.

.

Briella Yamileth Samaniego - Ulila, matapang, palaban at handang sumugal alang-alang sa kinabukas at buhay ng nag-iisang taong kaagapay niya sa buhay. Ang kanyang Lola. Pero uhaw sa pagmamahal.....

.

.

.

.

Pinagtagpo ang isang Ex-Marine at isang inakusanghan anak ng rebeldeng tulisan...... Kung paano halina at basahin ang buong kwento nila Franz at Yamileth....

chap-preview
Free preview
Chapter - 1
"Manong dyan nalang po sa tabi." Utos ko sa tricycle driver at inabut ang bayad ko. "Amang sukli mo." Usal niya ng tumalikod na ako sa kanya. "Sa inyo na po yan, malayo itong pinaghatidad n'yo sa akin." Saad ko nalang dahil naka ilang beses din kaming umikot para mahanap itong bahay. Muli kung hinarap at pinagmasdan ang lumang bahay sa tapat ko. Napabuntong hininga ako dahil sa nakikita sa harap ko. Nagpalinga-linga pa ako dahil naninibago ako sa lugar. Lumang-luma na ang bahay na dati ay maayus pa, sira na rin maging ang kisame nito na mukhang pinamahayan na ng mga ibon, malapit narin mabaklas ang ilang pirasong tablang dingding nito. Ilang taon na ba ang lumipas ng huli ako mapunta dito. Halos hindi ko na nga matandaan ang daan. Ang matibay na kawayang bakod nuon, ngayo'y wala na at hindi na nakuhang ayusin. Mas yumabong at lumaki na rin ang mga punong kahoy, marami na ring naghahabaang ligaw na damo sa paligid. Malamig at presko ang ihip ng hangin dahil sa mga sanga ng mga punong kahoy na halos magpatong-patong na sa dami. Naliliman narin buong paligid nito sa kapal ng mga dahon sa bawat sanga. Nagkalat narin ang mga tuyong dahon sa lupa. Kunti nalang aahasin na ang lugar na ito. Lumakad na ako patungo sa bahay ng taong pakay ko. Napangiti ako ng makita ang isang matandang nagwawalis ng tuyong mga dahon. Ang dating itim na itim nitong buhok ngayon mapuputi na. Kulubot na rin ang balat nito tanda ng pinaglipas na mga taon. Maging yata pandinig humina na dahil hindi man lang niya nilingon ang gawi ko kahit kumakaloskos ang tunog ng natatapakan kung tuyong mga dahon. "Lola Caring." Tawag ko dito para kunin ang pansin niya. Kunot noo lang niya akong pinagmasdan at pinaliit pa niya ang mga mata kaya natawa ako at inabot ang isang kamay niya para magmano. Teenager pa yata ako nuon huli kaming magkita. "Franz ikaw na ba yan? Bakit andito ka? Sinong kasama mo? Alam ba ng Mommy mong nagpunta ka dito? Akala ko ba ayaw mo dito? Ayaw ninyong tumapak dito." Sunod sunod na bulalas niyang tanong sa akin. Siya lang ang nakakakilala sa tunay kung pagkatao pag andito ako sa hacienda ni Lola Lorena. Ang hacienda Khan. Hindi rin ako nagpupunta sa mansyon kung saan nakatira si lola, simula ng pinalayas niya kami. Wala rin kaalam-alam ang mga tao sa tunay na nangyari sa pagitan nila Mommy at Lola Lorena. Ilang taon palang ako nuon at limot na ng mga tao dito ang wangis ko. Kaya wala ng makakakilala at nakakaalam na apo ako ng may ari ng hacienda. Mga lihim namin at tanging si Lola Caring lang nakakaalam at hanggang ngayon si Mommy parin ang alam ng karamihan sa tauhan ng hacienda na tunay at nag-iisang anak ni Donya Lorena sa ibang katauhan. "Lola Caring kumusta na po kayo dito?" Bati ko ulit sa kanya. "La pwede po bang pansamantalang manirahan dito sa inyo? Meron lang po akong importanteng gagawin." Aniko. At sinabi sa kanya ang pakay ko. "Huwag po ninyong mababangit kahit kaninong ang tungkol sa pagkatao ko. Gusto kung makilala nila ako bilang isang simpleng tao, ang inyong apo. Isang magsasaka para malaman ko kung sino ang gumagawa ng kalokohan dito. Pagbabayarin ko kung sino man sila." Mahabang wika ko. Pinaghirap palaguin ito nila Mommy at Tito Dwayne nuon. Ngayon iba ang nakikinabang. "Kumain ka na ba? Iinitin ko lang ang ulam. Buti na lang at marami akung nilutong ulam." Saad niya at pumasok na sa kusina kaya sumunod na lang ako sa kanya. "Mag-iingat ka sa mga binabalak mo anak. Alam kung magaling ka at sanay sa bakbakan pero hindi mo pa rin kilala mga kalaban mo, mga traydor sila. Nag-aalala din ako sa lola Lorena mo, matanda na rin siyang katulad ko pero matigas pa rin ang loob niya. Katulad din ng Mommy mo. Nagpapatigas sila kaya kayong mag-aama naiipit sa pagitan nila. Buti at mabait ang Daddy mo." Litanya pa niya. "Mabait lang po si Daddy kay Mommy dahil maraming siyang kasalanan nagawa kay Mommy at sa amin ni Wyatt. Alam kung may alam din kayo duon ayaw lang n'yong sabihin sa akin." Pangangatwiran ko. Hindi ko man alam ang puno't dulo ng samaan ng loob nila pero saksi ako, kung paano nagsakripesyo si Mommy para sa amin ng mga kapatid ko. At kung paano saktan at laitin ni Lola Lorena si Mommy noon. Dahilan para lumayo ang loob naming magkakapatid sa kanya pero hindi ko parin nalilimutan ang kabutihan loob niya sa akin nuong bata pa ako. Mabait at mapagmahal na Lola siya sa akin nuon pero biglang nagbago ng dumating si Daddy. "Upo na at kumain ka na." Utos niya sa akin. "Kumusta naman ang mga kapatid mo? Matagal ko na silang hindi nakikita. Nami-missed ko na rin ang Mommy mo." Aniya at naupo siya sa tapat ko. "Ayos naman po sila. Si Wyatt lang nakakaalam na andito ako." Aniko. "Si Mommy naman hanggang ngayon siya parin nagma-manage ng airline. Alam naman 'yong buhat ng kinuha ni Mommy yon hindi na pinakialaman ni Daddy. Si Ivan nasa training na po, Si Ace kaka-promote lang niya, Captain na siya ngayon. Ewan ko sa bunso namin masyado yatang na spoiled." Mahabang wika ko sa pagitan ng mga subo ko. "Hayaan niyo na at nag-iisang babae. Mabait naman bata yon mana sa Mommy n'yo." Saad pa niya na maging yata siya kampi parin sa bunso namin. Na walang alam gawin kung hindi manapak ng lalaking nagkakagusto sa kanya. Mukhang naimpluwensihan ni Ace at Ivan. "La anung pwede kung trabaho dito? Ipasok n'yo ako kahit ano." saad ko sa kanya. Pero pinakatitigan lang niya ako. "Bakit hindi ka na ba babalik sa pagiging sundalo?" Tanong pa niyang nanlalaki ang mga mata. "Pagsasaka lang pwedeng trabaho dito, baka hindi mo kayanin. Hindi ka naman sanay sa hirap." aniya. "La magkaiba po sundalo at marine." Aniko kong pagtatama. "Lahat po ng trabaho kaya ko, napag-aaralan naman yan. Bata palang ako katuwang na ako ni Mommy sa trabaho, baka nakakalimutan n'yo nagpalayan kami noon. Kaya may alam din ako sa bukid marunong din akung mag-classified ng palay. May sakahing bukid din si Mommy." Mahabang saad ko. "Magpo-focus po muna ako sa mga business namin dahil wala yata akung aasahan sa mga kapatid ko. May edad na rin sila Daddy at Mommy kailangan naman nilang mag enjoy na sa buhay nila. Uunahin ko itong hacienda dahil nakikita kung unti-unti na naman itong nalulugi, sayang ang paghihirap nila Mommy dito kung pababagsakin lang ng mga taong ganid sa salapi. Kaya kailangang isakrepisyo ko ang pagiging military ko, bilang panganay sa aming magkakapatid." Saad ko. Tulad din ng ginawa ni Lolo Frank nagsakripisyo siya para sa pamilya. Alang-alang kay Mommy. "Sige ihahanap kita ng pwedeng mong maging trabaho bukas kakausapin ko ang namamahala. Magpahinga ka na muna, gamitin mo na lang yung kwarto sa taas. Ikaw na bahala at hindi na ako gaanong umaakyat sa hagdanan." usal niya. Isang simple two storey house tinitirhan ni Lola Caring, kahoy ang halos lahat ng materyales na ginamit manipis na semento ang pinaka-flooring na pinatungan ng linoleum na may mga punit na sa kalumaan. Bata pa lang ako ganito na ito wala rin nabago, mas lalo lang naging luma. May dalawang kwarto sa taas at isa sa baba malapit sa kusina. Ayus na ito, malinis kahit luma ang mga kasangkapan. Sanay naman ako sa jungle. Malungkot na naging buhay ni Lola Caring dito buhat ng pumanaw si Lolo Doming. Nagkasakit ito ng tuberculosis, marahil sa kasipagan nito kaya napabayaan na ang sarili, lihim na sinuportahan at pinagamot ito ni Mommy. Pero sadyang maiksi lang talaga ang buhay ng tao dahil makaraan ang ilang taon tinamaan daw ito ng kidlat sa gitna ng kabukiran. Wala ng buhay ito ng makita ng mga kasama, maitim at sunog daw ang ibang parte ng katawan nito. "Sige na hijo magpahinga kana at malayo pa pinanggalingan mo." Saad niya, kaya napabalik ako sa kasalukuyan. Ni hindi ko nakita kahit sa huling sandali si Lolo Doming. "Sige po Lola, magpapahinga lang ako ng konti. Mag iikot ako sa labas mamaya." Usal ko at tinungo na ang hagdan paakyat. "Bago ka ba dito Kuya?" Tanong ng binatilyo sa aking. Dahil kanina pa nila ako pinagmamasdan. Suot ko ang lumang damit ni Lolo Doming. "Oo, kagabi lang ako dumating, galing din ako sa karatig probinsya, sakahan din naging trabaho ko duon. Wala na kasing kasama si lola Caring kaya nagpasya na akung dumito na lang at samahan siya."Paliwanag ko sa kanilang may kasinungalingan. Kailangan kung gawin ito. "Apo ka pala ni Nana Caring" Singit din ng isang babaeng kanina pa niya ako tinitingnan. "Oo, Franz, pangalan ko." Pagpapakilala ko sa kanila. "Ako naman si Avita, siya si Sally, Aurora, Lolit, Zonaya at si Panchita." Pagpapakilala niya sa sarili niya at sa mga babae pang kasamahan niya. Pero na focus ang tingin ko kay Panchita. Nginitian niya ako ng pagkatamis-tamis, may biloy din siya sa magkabilang pisngi na lalong nagpaganda sa mukhan niya. Balingkinitan ang katawan niya. May katangusan ang maliit niyang ilong na bumagay sa maninipis niya mga labi. "May apo palang gwapo si Aling Caring." komento naman ng isang Ginang. "Halina kayo kailangan na nating magpitas ng mangga. Sumama ka na sa amin kuwan." Anyaya naman ng isang may edad ng lalaki sa amin kaya sumunod rin ako sa kanina. Sumabay naman sa akin sila Avita at Panchita. Maraming puno ng mangga ang hitik sa bunga karamihan sa kanila magugulang na at pwede ng pitasin. Tinawag ako ng isang lalaki at tinuruan ako kung anung dapat kung gawin kaya bawat sabihin niya tinatandaan ko. "Huwag na huwag kang tutongtong sa malilit sa sanga baka mabali at ikahulog mo. Sa laki mong tao malamang na mabingat ka. Sungkitin mo ng buslo pag medyo malayo at hindi mo abot. Kailangang walang mahubulog dahil bibitak at hindi na mapapakinabangan yun." Mahabang wika pa niya. Paano kaya kung sabihin ko sa kanyang sanay akung umakyat sa matatas na puno, at magkanlong sa mayayabong na maliit na sanga. Piping bulong ko habang nakatingal sa punong aakyatin ko. Hindi naman kataas ito nakahilig ang malaking katawan ng puno marami nga lang sangang nakapatayo. Inayus ko na ang naka sukbit na sako sa aking bewang at inangat na ang aking paa upang simulang ang aking bagong trabaho, ang aking misyon. Mahuli ko lang talaga kung sino ang sumasabutahi ng hacienda may paglalagyan sila sa akin. Hindi porque matanda na si Lola Lorena lolokohin na nila, andito pa ako, at sa akin nakapangalan ang buong hacienda. "Franz ingat ka!" Sigaw ni Avita kaya nilingon ko siya at nginitian. Kailangan kung maging friendly sa kanila. Kikilalanin ko sila isa-isa. Hapon na ng matapos kami ilang puno rin ng mangga ang naakyat ko. Mas marami ang naakyat ng isang lalaking Isaac ang pangalan, dahil sanay siyang mamitas ng mga bunga, meron din siyang mga nalalag pero mas marami yata ang sa akin. Hindi ko rin kasi maiwasan may mga malaglag, kaya nanghihinayang din ako dahil marami-rami din ng naipon, malalaki at mapipintog ang mga bunga medyo yellowish na ang laman na parang kay sarap kainin. "Ganyan talaga pag-first timer, pumapalpak. Kaya huwag kang magmagaling, hindi nakukuha yan sa gandang lalaki." mataray niyang usal, namulot din siya ng ilang pirasong bunga ng manggang may bitak, inilagay niya sa isang maliit na plastic container. "Yeah, next time i'll be good." tugon ko at hindi na pinansin ang katarayan niya. Wala naman siyang ginagawa mula kanina nakaupo lang siya sa may nakausling sanga na tila ayaw mainitan. "Pasensiyagan mo na yan si Panchita ganyan talaga yan palibhasa tatay niya ngayon ang namamahala dito sa manggahan at tubohan maging sa mga cacao sa kanila pinagkatiwala ni Donya Lorena." Bulong ni Avita sa akin. kaya napatango na lang ako. "Kumusta ang unang araw mo sa manggahan? Hindi ka ba nahirapan.?" Usisa sa aking ni Lola Caring pagpasok ko palang ng bahay. "Oh, eto, mag miryenda ka muna." Aniya at inabutan ako ng kakanin at kapeng umuusok. Ito ang na-missed ko dito ang simpleng buhay, tahimik at malayo sa magulong lungsod. "Thank you po La." pasalamat ko at naupo sa kahoy na bangko. "Ayus naman po kaya lang hindi ko pa sanay mamitas ng mangga. Maraming nahulog." pagkukuwento ko sa kanya. "Huwag kang mag-alala masasanay ka rin." pagbibigay lakas niya ng loob sa akin. "Galing ako kanina sa masyon, mukhang nanghihina na talaga ang Lola mo, madalas na lang siyang nasa loob ng kwarto niya. Alam mo naman naoperahan siya sa puso nuon, baka bumabalik na naman ang dati niyang sakit." Litanya pa niya. Pero wala naman akung magagawa duon, may private nurse naman nag-aalaga sa kanya. Matanda na rin siya. Hindi sa nananalangin ako dahil duon din naman ang punta nating lahat. Pagdumating ang dapit hapon ng atin buhay. Babalik tayo sa alabok na pinagmulan natin. Hiram lang natin ang buhay natin kaya pagbinawi na ito sa atin wala na tayung magagawa kahit gaano ka pa kayaman mawawalan din ng silbi ang pera mo. "Baka po pagnakita ako nuon lalong lumala ang kondisyon niya." aniko. Dahil ayaw na ayaw nuon kay Mommy at sa aming magkakapatid, kaya ni isa sa mga kapatid ko ayaw pumunta dito. Natatakot ang mga ito sa kanya. Matalas ang kanyang dila na kahit ano sinasabi. "Pagpasensiyahan na n'yo siya, matanda na ang lola niyo at wala ng magagawa yon. Hindi na niya kayang manakit ngayon. Kahit balibaliktarin mo pa ang mundo lola n'yo parin siya. At alam ko kung gaano kamahal ng Daddy n'yo ang lola n'yo. Nuon tuwang-tuwa ang lola mo ng maisilang ka, lagi ka niyang ipinagmamalaki kahit kanino. Ikaw ang apple of the eyes niya. Hindi ko lang maintindihan kung bakit nabaliktad ang lahat. At magin kayong magkakapatid nadamay sa hindi pagkakaunawaan nila." Mahabang wika niyang humihingal. "Lola gusto kung libutin ang buong hacienda para makita ko kung alin-alin ang mga pinagkakakitaan dito. Anung-anong produkto ang malaki ang ani. Maging cacao gusto kung malaman kung saan niya ini-exports ito, kung kaninong kompanya sila naka kontrata. At maging ang tubuhan." Litanya ko. Gustong kung isa-isahin lahat ng kabuhayan dito. "Napansin ko rin kahapon parang konti na lang ang mga baka. Wala na rin kambingan." dagdag ko pa. Dahil pasimple kung iniikot ang mga alagang mga hayop kahapon bago ako umuwi. "Ang balita nagkakasakit daw kaya nitong mga nagdaan araw ilang din daw ang nangamatay. Nuon una ang mga kambing ang nangamamatay, halos maubus daw dahil sa peste ayun sa taga pag-alaga." Paliwanag niya, pero hindi ako naniniwala sa mga sinabi niya dahil hindi ganuon kadali malipol ang mga hayop dahil mukhang pili lang ang sinasabing namamatay. Mukhang gusto talaga nilang pabagsakin ang hacienda. At hindi sa sakit namatay ang mga hayop. Talaga lang may nagbebenta ng palihim sa mga ito. May kasabwat na tao sa loob ng mansyon ang naguutos sa mga ito. Ang huli kung balita libo ang bilang ng mga kambing dahil ginagamit ang gatas nito at ginagawang keso. Ngayon mukhang maluwag na ang kural ng mga ito at ilang nalang ang mga gumagala sa damuhan. Ganuon din ang mga baka. Kaya bago pa tuluyang maubus ito kailangan kumilos na ako. Mula sa kinatutong-tungan kung burol tanaw ko ang mga hayupan. Mapapayat na ang mga baka, tuyo narin ang damuhan. Ilang nalang ang inahin. May ilang guya na nakasunod sa kanilang ina. Ang dating daan-daan na bilang ng mga hayop ngayon iilan nalang. . . . . . . ......................................................... ... please follow my account and ... add my stories in your library. ... ..........."Lady Lhee".......... .........thanksguys.... loveu...lrs...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Luna Warrior's Revenge

read
1.0K
bc

The Luna He Rejected

read
101.9K
bc

Falling For My Mysterious Wife

read
1.0K
bc

Future Alpha Nix? (Book 3 -Azure Moon Series)

read
15.4K
bc

Revenge On The Rejected Alpha

read
13.7K
bc

The Alpha Assassin

read
47.2K
bc

Spoiled by Her Second Chance

read
34.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook