The Model
Kabanata 1
"IKAW TALAGA ang may-ari nito, kuya
Esteban?" Naibulalas ni oman. "Wow.
Meron ka nang beach resort. Ang ganda
rito. Ang dagat, very inviting! Ang sarap
maligo!" Bulalas nito na nameywang.
"Mawiwili ako rito."
"Hindi ko lang ito beach resort. Atin ito.
Kahit na sino sa ating pamilya,
puwedeng gumamit nito, Oman."
kasama niyang tumungo roon ang foster
brother at maging si Diko. "Hindi pa ito
nakikita nina Ate Lena at kuya Andrew."
"Pero alam nila?"
"Oo. Si kuya Andrew nga nag-verify ng
land title at nag-ayos ng bilihan. Pero
bago ko binili, tiningnan muna namin ni
Gene itong lugar."
"Ang laki nito, kuya."
"Gagawin natin itong bahay. Sisirain
iyang luma." Itinuro niya ang tinutukoy.
"Iilan lang kasi ang Màà-accommodate
niyan. Marami tayo."
"paghahanda ba ito sa pag-aasaqa mo,
kuya?"
Napangiti siya sa tanong na iyon ni
Oman. "Ang totoo niyan, kung ako
ikakasal, gusto ko ay beach wedding. At
plano ko, dito gaganapin. Kaya kailangan
magpagawa nang malaking bahay para
kasya ang mga bisita."
"Kailan ka ba magpapakasal?"
"Oras na makita ko na ang magiging
asawa ko.
" Hindi mo pa nakikita."
" Hindi pa."
" Wala ka ring nobya, di ba? "
" Wala. "
" Magkakaroon ka kaya ng nobya? "
" Oo naman. "Nakita niya si Diko na
naghubad. Tumutok lamang ang
paningin noya rito. Inihagis ang damit sa
buhangin at patakbong lumusong sa
dagat." Hayon at naligo na si Diko.
Sasamahan mo na. "
Tinalikuran siya ni Oman. Minabuti
naman niyang maglakad-lakad.
Maraming puno roon. Sari-sari. Pero
natigilan siya nang may makita. Isang
babae ang nasa itaas ng puno ng
bayabas! Pilit na may inaabot na isang
hinog na bunga.
Hindi siya nito pinansin. Pero sino naman
ito? Ano ang ginagawa nito sa kanyang
property? Trespassing ang babae!
Naka-short ito at blusa. Ang kakatuwa
pa, ang igsi ng suot nitong shorts na
naghahantad sa makinis at maputi
nitong mga binti.pero lihim siyang
kinabahan para rito dahil manipis ang
sangang kinatatayuan ng babae. May
kataasan pa naman ang kinaroroonan
nito. Oras na mabali iyon, iindahin talaga
nito ang sakit! Posible ring mabalian ng
buto.
"Miss..."
"Ay!"
Mabilis ang naging kilos ni Estiban.
Pumuwesto siya kung saan
nakalambitin ang babae para saluhin ito.
Iyon lamang ang magagawa niya para sa
babae nang sa gayon ay hindi ito
masaktan. Nakita niya ang takot na
bumalatay sa mukha nito.
"Sino ka?"
"I am your knight in shining armor."
"Ano?"
"Bumitaw ka na riyan, Miss." Sambit niya
sa babae. "Sasaluhin kita." Dumako ang
kanyang mga kamay sa paa nito. "Sige
na. Kaysa naman pahirapan mo ang
iyong sarili. Bumitaw ka na riyan para
hindi ka mahirapan!"
"Sino ka nga?"
"Miss, nasa alanganing sitwasyon ka na,
pero gusto mo pa ring malaman ang
aking pangalan?" Hindi niya maiwasang
maasar sa babae.
"Nagmamagandang - loob na nga ako
rito. Ano, bibitaw ka ba riyan o hindi!"
"Sagutin mo na lang ang tanong ko!"
"Bumitaw ka na lang diyan!"
"Ayoko!"
Naasar na siya eito. "Ganun? Ikaw ang
bahala. Sige, maglambitin ka riyan
hangga't gusto mo.
Ako'y nagmamagandang loob lang.
Ayokong masaktan ka pa. Pero ganyang
nagmamatigas ka, problema mo na
iyan!"
"Sino ka nga!"
"Bumitaw ka riyan at magpapakilala ako
sa iyo"
"Ano ang ginagawa mo rito?
"Ano?"
"Bapakasimple ng tanong ko, a!"
Nagunot na talaga ang kanyang noo sa
inaasta nito. Tama bang tanungin siya
ng ganoon? Nakalimutan yata nito kung
sino sa kanilang dalawa ang trespassing
sa naturang lugar! Hindi diya sigurado
kung nasa tamang pag-iisip ang babae!
" Ikaw sino ka? "
" Ano?"
Sa asar niya, dumistansiya na siya rito.
Ano ngayon kung masaktan ito? Hindi na
niya problema iyon. Sinubukan na
niyang magpakaginoo rito, pero
nagmamatigas ito. Hindi naman siya
ang mapapagod sa paglalambitin sa
sanga na iyon ng bayabas!
" Hoy!"
"Bakit"
"Pagod na ako."
"Ano ngayon?"
"Akala ko ba ay sasaluhin mo ako?"
"Ayaw mo naman, di ba?"
"Sinabi ko bang ayaw ko?"
"Hindi ko maalala."
"Saluhin mo ako ha?"
"Nagbago na ang isip ko."
"Ano?"
"Mabait ako kanina. Pero ngayon, hindi
na."