bc

The Secret Affairs

book_age18+
3.1K
FOLLOW
14.5K
READ
drama
tragedy
twisted
sweet
heavy
serious
like
intro-logo
Blurb

Si Aya ay nakulong sa isang kasalanang hindi niya naman ginawa. Kaya’t ng lumaya siya ay sinabi niya sa sariling paghihigantihan niya ang taong naging dahilan ng pagkakakulong niya. Mukhang umaayon sa kanya ang pagkakataon dahil nakilala niya ang isang taong maaring makatulong sa kanya. Nakakilala siya ng apat na M – matandang mayamang madaling mamamatay. Nang alukin siya nito ng kasal ay pumayag siya.

Pero hindi iyon kadali. Dahil biglang sumulpot mula sa karagatan ang nag-iisang anak nito – si Elijah. Ginulo nito ang plano niya. Habang inaakit niya ang taong dahilan ng pagkakakulong niya ay inaakit naman siya ni Elijah. Nababaliw na siya. Dahil kahit alam niyang bawal at ama nito ang asawa niya ay nagpa-akit siya sa binata. Nahulog ang loob niya rito at nagkaroon sila ng isang relasyon na ipinagbabawal… nababaliw na siya… dahil pinatulan niya ang anak ng kanyang asawa… at hindi na niya kayang umahon pa.

chap-preview
Free preview
Prologue
MALIWANAG at maaliwalas ang paligid. Papataas palang ang sikat ng araw at magaan pa sa pakiramdam ang presko ng hangin. Bagamat nasa isang bahagi ng kamaynilaan ang lugar ay mapuno roon kaya kahit papaano ay nasasala ang maduming usok ng hangin mula sa mga tambutso ng sasakyan. Pahuni-huni si Aya habang nagba-bike sa gilid ng daan. Maaliwalas din ang kanyang mukha at diretsong nakatingin sa unahan. Naghihintay na sa kanya ang kasintahang si Christian sa kanilang tagpuan at hindi na siya makapaghintay na muli itong makita. Nang may humintong van na kulay puti sa unahan niya. Lalapagsan sana niya iyon at babalewalan nang biglang bumukas ang pinto niyon. Hindi alam ni Aya kung para saan ang kabang bumangon sa kanyang dibdib. Lalo na nang sunod-sunod na maglabasan ang ilang kalalakihan mula sa loob. Sa hinuha niya ay lagpas ang mga ito sa lima. Nakaputing t-shirt ang mga ito. Ang mas lalo pang nagpakaba sa kanya ay ang takip sa mukha ng mga ito – na parang stockings na basta nalang isinuot sa mukha upang hindi makilala ang mga lalaki. Umawang ang kanyang bibig at sumalsal ang t***k ng kanyang puso. Umilaw ang salitang danger sa kanyang ulo kahit wala siyang ideya kung ano ang nangyayari. Awtomatiko ang paghinto ng pagpedal niya at nakiramdam. Pumihit siya at akmang babalik na sa pinanggalingan ng mabilis na kumilos ang mga lalaki. Bago pa siya makaporma ay napaligiran na siya ng mga ito. “S-Sino kayo?” nanlalaki ang mga matang tanong niya sa mga ito. Malakas na malakas na rin ang t***k ng kanyang puso. Agad niyang inilibot ang tingin sa paligid at naghanap ng maaring hingan ng saklolo. Pero nang mga sandaling iyon ay wala siyang kasabay na nagdaraan sa lugar na iyon. Napakamalas niya dahil mukhang walang tutulong sa kanya. Ang tanging magagawa niya ang sumigaw. “Sumama ka sa amin.” Anang isang lalaking mukhang lider ng grupo. Ito rin ang pinakamatangkad pero payat. May stockings din sa mukha nito. Lalo siyang nahintakutan. “A-Ano? Bakit sasama ako sa inyo? Sino ba kayo?” sa mga ito naman niya inilibot ang tingin. Lalong lumapit sa kanya ang lider at hinawakan siya sa isang braso. “Basta sumama ka nalang sa amin kung ayaw mong masaktan. At huwag mong tatangkain sumigaw dahil walang tutulong sa iyo rito.” Mababa at may pananakot na sabi pa nito. Pero hindi siya nakinig. Nagsimula siyang pumalag. “T-teka! B-Bitiwan niyo ako! Tulong! Tulungan niyo ako! Mga kidnappers!” sigaw niya. Isa pang lalaki ang humawak sa kanya at pinigilan siya sa pagpalag. “Huwag ka ng pumalag Miss. Wala kang magagawa. Walang makakarinig sa iyo. Mapapagod ka lang.” Sa halip ay mas lalo siyang nagwala. Kesehedong mamaos siya sa kakasigaw basta makahingi lang siya ng tulong. “Wala akong pakialam! Bitiwan niyo ako! Tulong! Tulungan niyo ako!!!” “Huwag ka ng pumalag sabi.” Isang lalaki ang bigla siyang pinangko at pinasan sa balikat nito. Mas lalo pa siyang sumigaw. Nagpapalag siya hanggang sa maisakay siya sa loob ng van. Malakas na malakas na ang kabog ng kanyang dibdib. Kung ano-ano na rin ang naiisip niya. Mamamatay na ba siya? papatayin ba siya ng mga ito? Aalisin ba ang mga laman-loob niya at ilalagay ang dugo niya sa ginagawang kalsada? Takot na takot na talaga siya. Humihingal na siya ng makaupo. “Sino ba kayo? Bakit kinikidap niyo ako? Pakawalan niyo ako! Wala kayong mapapala sa akin! Wala akong dugo! Maliit ang mga laman-loob ko! Please… pakawalan niyo na ako…” mangiyak-ngiyak na niyang pakiusap. Tumulo ang luha sa kanyang pisngi. “Gusto ko pang mabuhay. Madami pa akong kailangang gawin. Please… maawa po kayo sa akin. Bata pa ako. Pakawalan niyo na ako…” umatungal siya ng iyak. Nagkatinginan ang mga kidnappers niya. “Pasensiya ka na Miss. Napag-utusan lang kami.” Ang lider ang nagsalita. Ito rin ang katabi niya sa kanan niya at may isang lalaki pa sa kaliwa naman niya. “Anong napag-utusan? S-Sinong nag-utos sa inyo?” umiiyak niyang tanong. Walang sumagot sa mga ito. Nagwala nanaman siya. “Pakawalan niyo ako. Mga hayop kayo!” sinubukan niyang kumawala at lumabas ng pinto pero mabilis siyang napigilan. Nagpapalag siya at tinadyak-tadyakan ang mga lalaki pero walang pakialam ang mga ito kahit nasasaktan na sa mga ginagawa niya. Hanggang sa magreklamo ang lider. Natadyakan pala niya ito at hindi sinasadyang tumalsik sa labas ng van. Mukhang masama ang tingin nito sa kanya base sa tono nito ng magsalita. “Ano ba ‘yan! Hawakan niyong mabuti ‘yang babaeng ‘yan. Patay tayo kay boss kapag nakawala iyan. Tsaka huwag niyong sasaktan. Bilin niyang huwag niyong hahawakan ang katawan niya. Kundi malalagot tayo sa kanya.” Humihingal pero pumapalag pa rin na inirapan niya ang lalaki. Ibinalik siya nito sa puwesto niya. “Papaano namin siya mapipigilan kung hindi namin hahawakan ang katawan niya? Aba eh ang lakas namang sumipa ng babaeng ito. Parang kabayo!” hindi napipigilang reklamo ng isa pang lalaki. Sa tono nito ay parang gusto na siyang saktan. “Sa kamay niyo lang hawakan. Heto. Talian niyo.” Inihagis ng isang lalaki mula sa harapan ang tali. “Tapos busalan niyo ang bibig para hindi magsisigaw. Pero siguraduhin niyong hindi masasaktan ha.” Hindi na niya masyadong pinansin ang pinagsasabi ng mga ito. Nanlisik pang lalo ang mga mata niya at nagpapalag nanaman siya. “Pakawalan niyo ako! Mga hayop kayo! Isusuplong ko kayo sa pulis! Pakawalan niyo ako sabiii!!!” halos mapatid na ang litid niya sa kakasigaw pero mukhang wala ng darating na tulong sa kanya. “Ayaw manahimik eh.” “Puwede ba Miss. Tumahimik ka na.” naiirita nang sabi sa kanya ng lider. “Mapapaaga ang kamatayan mo kung mag-iingay ka pa. Naiintindihan mo?” Nang itutok nito sa kanya ang baril ay awtomatiko ang pagtigil niya sa pagpalag. Nalulon din niya ang mga salitang isisigaw. Nanlaki ang kanyang mga mata at pinagpawisan siya ng malapit. Nanginginig na tumango siya. Parang ngumisi pa ang lalaki. “Mabilis ka naman palang kausap. Ngayon, matulog ka muna… paggising mo, siguradong nasa paraiso ka na.” Pagkatapos niyon ay may ipinaamoy sa kanya. Hindi na niya alam ang mga sumunod na nangyari dahil nagdilim na ang kanyang paningin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook