bc

Game of Lust (Kanto Boys Series)

book_age18+
2.0K
FOLLOW
12.9K
READ
dominant
bxg
small town
enimies to lovers
love at the first sight
athlete
like
intro-logo
Blurb

Hindi naging madali ang buhay may asawa ni Gelo. Kaya naman ay napilitan siyang iwan ang kanyang mag-ina sa probinsya at siya ay pumunta sa Luzon upang maghanap ng trabaho. Naging maganda ang takbo ng buhay niya kahit na halos wala nang natitira sa sweldo niya dahil pinapadala niya iyon kaagad sa kanyang mag-ina.

Pero nagbago ang lahat noong makillala niya si Ingrid mula sa isang bar. Sa isang iglap ay dumepende sa kanya ang dalaga. Magawa pa kayang patunayan ni Gelo ang kanyang kagustuhan magkaroon ng buong pamilya? Hanggang kailan siya iiwas sa tuksong nagbibigay naman sa kanya ng kaligayahan?

*Kanto Boys Series*

chap-preview
Free preview
Prologue
“Tangina, ‘tol. Wala akong pera ha. Kapag ako makasira rito ikaw ibabayad ko,” banta ko sa katrabaho kong si George. Noong isang araw pa niya ako pilipilit na pumunta sa bar. Sabi ko naman kasi wala akong pera kaya palagi akong tumanggi. Ngayon, na pilit niya ako kasi sabi niya ay libre naman niya. Pero nagtataka talaga ako sa taong ‘to kung saan niya nakukuha ang pera niya. Lalo na ngayon, halata naman na pang mayaman ang bar na ‘to. Hitsura pa lang ng mga taong na pasok sa loob ay nakakahiya nang tumabi. Hindi bagay ang lukot kong t-shirt na may naka-print na slapshock at kupas kong pantalon. Mabuti nga at medyo natatakpan iyon ng itim na varsity jacket na nabili ko lang sa bangketa. Kahit papaano ay hindi nakakahiya ang hitsura ko. Pinahiram na nga lang niya ang ng rubber shoes. Gutom na kasi ang sapatos ko at nagtsi-tsinelas na lang ako papasok sa trabaho. Pwede naman kasi kapag nasa factory kami ay nakatsinelas lang talaga kami, pero kailangan ng itim na medyas. Hindi ko nga alam kung bakit ako ang pinipilit niya. “Ako ngang bahala sa ‘yo. Masyado kang kabado eh,” nakangisi pang sabi ni George. Napailing na lang ako habang kumakamot sa ulo. “Bahala ka na.” Ganito talaga si George. Tawag nga naming sa kanya ay si Santa Clause kasi halos lahat ay palaging nililibre. Hindi na naman ako nagtataka kasi nga wala pa raw siya pamilya. Kaso minsan ay napapaisip ako kasi sobra-sobra na ang gastos niya. Kung magtapon ng pera ay walang pakundangan. Kagaya ngayon, sigurado ako na hindi lang sampung libo ang magagastos sa bar na ‘to. Kulang pa ang sweldo ko sa isang singkensenas. Inakbayan na ako ni George at hinila papasok ng bar. May arkong malaki sa itaas ng salamin na pinto na may nakasulat na LiquidDoze na umiilaw. Sinalubong agad kami ng dalawang lalake na nakasuot ng itim na t-shirt at pantalon. Bahagya akong napalunok nang makita ko ang naghihimutok na mga laman sa kanilang mga braso. Salubong ang mga kilay nila habang nakatitig sa amin. Tiningnan kami ng isa na kumikintab ang ulo mula ulo hanggang paa. “Bawal kayo rito, sir,” ani ng bouncer, partikular na nakatingin sa akin. Hindi na ako nagtataka. Kita naman sa aming dalawa ni George kung sino ang walang pera at mayroon. Simpleng polo-shirt lang na asul ang suot niya na may tatak ng maliit na buwaya sa kaliwang dibdib. Binagayan niya iyon ng short na parang pang sundalo pero kulay brown. Tapos ay sneakers lang siya na brown din ang kulay. Mukha na nga niya akong bodyguard na gusgusin. Maliit na lalake lang kasi si George at halos isa’t kalahating dangkal ang tangkad ko sa kanya. “Sir. Discrimination ‘yan. May pangbayad kami,” maangas na sabi ni George. Akala mo naman ay kakayanin niya ang lakas ng dalawang lalakeng nasa harapan naming. Nagkatinginan ang dalawa. Tumikhim ang isa na semi-kalbo at matangos ang ilong. “Exclusive ho kasi ang bar na ‘to para–” “Excuse me?” Sabay-sabay kaming napalingon sa likuran naming noong may magsalitang babae. “Can you do it faster? Let them through so I could go inside!” maarteng sabi nito habang nakataas pa ang isang kilay. Matatalas ang mga tingin na binibigay nito sa mga lalakeng nasa harapan namin, “Kasi ma’am–” “Fvck!” Biglang umabante ang babae at hinarap ang mga lalake. Nasagi pa nga niya ang balikat ko eh. Agad na ngamoy prutas ang unahan namin noong dumaan siya. “Uulitin ko pa ba ang sinabi ko? Or you want me to tell my father to shut this fvcking place!” sigaw nito. Napangiwi ako at hinawakan sa braso si George. “Halika na nga, ‘tol. Magkakagulo pa ata rito eh. Wala tayong pambayad!” bulong ko sa kanya. Siniko lang niya ako. “Hintay ka lang. Papapasukin tayo niyan.” “Sige po, ma’am.” Tumingin sa amin ang isang lalake na masama ang mga tingin sa amin. “Pasok na.” “Good,” ani ng babae at bahagyang hinawi ang dalawang lalake. Dumaan siya sa gitna ng mga ito na para bang isang prinsesa. Napailing na lang ako. Ganito ata siguro ang mga mayayaman. Hinila na ako ni George papasok sa loob ng bar. Masama pa rin ang mga tingin sa amin ng mga bouncer. Akala mo naman ay nanakawan namin ang mga tao rito. Hindi naman ako natatakot sa kanila dahil alam kong kaya ko silang labanan. Ayaw ko lang ng gulo kasi wala pa akong isang taon dito. Dayo lang ako. Agad na bumungad sa amin ang malakas na tugtog na nagmumula sa iba’t ibang parte ng lugar. Madilim din ang paligid at halos hindi ko na nga makita ang dinadaanan naming. Kung bakit ba kasi kulay violet ang paligid. Ito ata ang tinatawag nilang UV light, nakikita ko ‘to sa mga palabas eh. “Whoa!” sigaw ni George nang sumalo na kami sa mga tao. Napangiwi ako habang pinaniningkit ang mga mata. Napakadilim naman dito. Kung hindi lang talaga mapilit itong si George ay hindi ako sasama sa kanya. Hindi naman ako pala punta sa mga ganitong lugar kahit noong nasa probinsya pa ako. Hindi naman ganito kagulo kapag may pa-disco sa amin tuwing may pista. Dahil sa aking angking katangkaran, halos lumagpas na ako sa mga taong sumasayaw sa gitna. Ewan ko ba rito kay George, pwede naman kaming sa gilid dumaan. Umakyat pa talaga kami rito sa mga taong parang sinapian na dahil sa kakasayaw. Parang isang entablado kasi ang sinasayawan ng mga tao at medyo nakaangat sa mismong sahig ng building. Napapailing pa ako sa tuwing na papatingin ako sa mga kababaihang aming na dadaanan. Halos lumuwa na kasi ang mga dibdib ng mga ito at makita na ang mga kuyukot dahil sa iksi ng mga damit. Ni minsan ay hindi ko pa nakitang nagsuot ng ganito si Sofia. “Hi, pogi! Inom tayo!” Natigilan ako nang biglang may humawak sa braso ko. Pagtingin ko ay mayroong nakangisi sa aking babae na may hanggang baywang ang haba ng buhok. Napanganga ako nang bigla itong gumiling sa harapan ko. Humawak pa ito sa dibdib ko at hinaplos iyon pababa sa aking tiyan. Bago pa bumaba ang kamay niya sa kung saan man ‘yon pupunta, hinawakan ko na ang braso niya at umiling. “Arte!” narinig kong sigaw nito noong tumalikod na ako. Hindi ko na lamang pinansin at hinanap na si George. Kahit kalian talaga ay hindi ko gugustuhin ang babaeng ganoon. Halos makita ko na ang kaluluwa. Tsk! Mabuti na lang at hindi ganoon si Sofia. “Aba, mukhang makakahanap ka agad ng chikabebe ngayong gabi ah?” puna agad sa akin ni George. Nakaupo na kami sa isang harap ng pabilog na lamesa. Nakapwesto kami sa may ilalim ng hagdan papunta sa ikalawang palapag. Nasa dulong parte kami at kitang-kita mula sa pwesto naming ang kabuuan ng dance floor. Doon ko lang na pansin ang counter sa may kaliwang parte ng building. Nakahilera sa dingding ang mga iba’t ibang klase ng mga alak. Wow! Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganoon. Ano kaya ang lasa no’n? Mukhang mamahalin din. Napailing ako sa aking isipan. Isang bote nga ng redhorse ang pinanghihinayangan ko pa. Mas gugustuhin ko na lang ipadala iyon sa anak ko para may ipambili sila siya ng softdrinks. “G4go! Kung saan-saan mo ako dinadala. Mamaya ay malaman ‘to ni Sofia, ikaw ang ipapabugbog ko r’on!” pasigaw kong sabi. Masyado kasing malakas ang tugtog kaya kailangan ko pang laksan ang boses ko para lang marinig niya. Nangasim ang mukha ni George. “Sus! Kalimutan mo muna siya! Magsaya muna tayo!” Napabuntonghininga na lang ako at umiling-iling. Agad na may lumapit sa aming waiter. Hindi ko iyon pinansin at si George ang kumausap sa kanya. Wala rin naman akong pang-order, sabit lang ako rito. Saktong pamasahe ko nga lang ang dala ko eh. Matapos makausap ni George ang waiter ay umalis din ito kaagad. Bumalik ito na may dala nang isang bucket na puno ng mga alak. Umuusok din iyon dahil sa may laman din palang yelo ang bucket. Ang galing. Nag-umpisa na kaming mag-inom ni George. Panay ang pagbalik-balik niya sa dance floor at nakikipagsayaw sa mga tao roon. Samantalang ako naman ay tahimik na umiinom habang nagmamasid sa paligid. Hindi ko maiwasang mamangha sa kanila kahit na napapangiwi ako. Halata kasi sa mga pustura nila na galing sila sa alta-syudad. Pero napapangiwi ako sa istilo ng pananamit nila. Mayroon ngang mga babae na panay ang lapit sa akin habang nakaupo lang ako sa pwesto namin. Oo, masasabi ko naman na may hitsura ako. Kahit na maitim ang kulay ng balat ko ay matangos naman ang ilong ko. Sabi nga sa probinsya, kahit sa trabaho naming ay nawawalang kapatid daw ako ni Richard Gomez. Malaki raw kasi ang pagkakahawig ko sa kanya noong bata-bata pa iyon. Lagyan lang daw ako ng nunal sa dulo ng kaliwang kilay ko ay mapagkakamalan na akong artista. Hindi naman ako na tanggi kasi nakita ko noon sa tv na malaki nga ang pagkahawig ko sa kanya. Mas malaki lang ang katawan ko. Pero wala na naman sa akin iyon. May pamilya na ako at hindi ko na kailangan pa ng babae. Noon ko lang na isip, malapit na mag tatlong taon si Jay-jay. “What the hell?!” Napatingin ako sa may kanan ko nang may marinig akong pamilyar na boses. Iyong babae kanina. Kahit madilim ay na aninag ko pa rin ang maganda niyang mukha. May kaharap itong isa pang babae na masama rin ang tingin sa kanya. Hindi ko na ibinaba ang tingin ko sa katawan niya dahil na nakita ko na agad ang litaw na litaw niyang balikat. Oo na! Na pansin ko rin ‘yong pisngi ng dibdib niyo. Sino bang hindi makakapansin kung halos lumuwa na iyon? Tapos ay medyo nakaharap pa siya sa akin. Ang ganda-ganda tapos kung manamit ay – umiling ako. Hindi ko na dapat isipin ‘yon. “Excuse me? Are you saying anything?” maangas nitong tanong. Bahagya itong gumewang kaya alam ko nang lasing ito. Umiwas ako ng tingin at hindi na lang sila pinansin. Malapit kasi kami sa banyo na pinanggalingan nila kaya naririnig ko ang usapan nila kahit malakas ang tugtog. “Tsk! You just bump me! Care to say sorry?” maangas din na sabi ng babaeng tumulong sa amin kanina. Doon ko lang na pansin ang kabuuan niya. Nakasuot ito ng maiksing palda na parang sa estyudante ang hitsura, pero plain lamang iyon na kulay itim. Naka-tuck-in doon ang hapit na sandong puti. Mayroon ding malaking sinturon na kulay itim na pangbabae sa may tiyan nito. Mukhang paborito niya ang itim dahil maging ang boots nito ay ganoon din ang kulay. “Duh? H’wag ka kasi humarang-harang para hindi ka mabubunggo!” “Cassy!” Mayroong sumulpot na isa pang babae sa likod ng babaeng nakabestida. Hindi kagaya sa dalawang nagtatalo ay nakasuot naman ito ng short na kagaya sa pantalon ang tela. Hindi ko alam ang tawag doon. Pero maiksi rin ang short niya na binagayan niya ng itim na t-shirt. Kapuna-puna ang relos nito na kulay ginto. Bahagyang tumaas ang kilay ko. Totoo kaya iyon? “What is happening here?” nag-aalalang tanong nito. Hindi ko na sana papansinin ang tatlong babae. Kaso hindi ko alam kung bakit parang may nag-uudyok sa akin na pakinggan sila. “Teka lang, Laureen!” ani ng babaeng ang pangalan daw ay Cassy. “This b*tch is getting on my nerves!” Kitang-kita ko ang pagnga-nga ng babaeng tumulong sa amin kanina. “Did you just call me a b!tch?” hindi makapaniwalang tanong nito. Humakbang pa ito papalapit kay Cassy. “Yes. You’re a b!tch.” “You–” Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong inaangat na nito ang kanang kamay. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilis kong kinuha ang jacket ko at lumakad papalapit sa babae para pigilan ito sa balak niyang gawin. Alam ko iyon dahil sa training namin ay isa iyon sa tinuro ng coach ko noon. Na malaman kung aatakihin na kami ng katapat namin. Hindi ko naman kakayanin kung magkakagulo rito tapos wala akong gagawin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook