bc

Hello, Miss Bodyguard

book_age18+
8.5K
FOLLOW
53.8K
READ
opposites attract
playboy
kickass heroine
CEO
police
comedy
sweet
city
enimies to lovers
bodyguard
like
intro-logo
Blurb

Ganoon na lamang ang pagtutol ni Aleya nang ma-assigned siyang bodyguard ng binatang playboy na anak ng isang makapangyarihang pulitiko sa bansa. She hates playboy at minalas pang mapunta sa kanya ang trabahong ito. Na-challenge naman si Enrique dahil ngayon pa lamang siya nakakita ng babaeng hindi nag-swoon sa angkin niyang kakisigan kaya nangako siya na makukuha niya ang napakaganda at nakapaka-sexy niyang bodyguard samantalang ipinangako naman ni Aleya sa kanyang sarili na hinding-hindi siya mahuhulog sa bitag ng playboy na binata. Pilit niyang pinairal ang pagiging professional niya sa trabaho, ngunit kaya nga ba niyang paglabanan ang ginagawang panunukso sa kanya ng playboy niyang binabantayan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1.1
Aleya's Pov "Ano? Magiging bodyguard ako ng playboy na si Enrique Villareal? No way!" malakas na pagtutol ang namutawi sa aking mga labi nang marinig ko ang sinabi sa akin ni Ninong Zandro. Ipinatawag niya ako sa opisina niya dahil may importanteng mission daw siyang ibibigay sa akin kaya dali-dali naman akong nagpunta sa opisina niya para malaman na ang mission na tinutukoy ni Ninong ay ang pagiging bodyguard ni Enrique Villareal. Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Enrique Villareal na anak ng isang makapangyarihan at matinong pulitiko na si Senador Erman Villareal? Si Enrique ay ang black sheep at panganay na anak ng senador sa isang kilalang beauty queen. Hindi lamang ito kilala bilang anak ng pulitikong ama kundi kilala rin ito bilang easy-go-lucky at playboy. Para lamang itong nagbibihis ng damit kung magpalit ng nobya. Ngunit nakapagtataka na walang babaeng naghahabol dito at nagsasabing nabuntis nito o babaeng ayaw makipagkalas dito. Siguro ay tinatapalan nito ng salapi ang mga nagiging nobya nito. Hate ko ang mga lalaking katulad ni Enrique na walang ginawa kundi ang makipaglaro sa mga babae. Ginagawa lamang nitong libangan ang mga kalahi ko na nababaliw naman sa kanya. Si Enrique ang panganay na anak ngunit umaakto ito na parang bunso. Sa halip na tumulong sa ama nito sa pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo ay puro pambababae at pagpapasarap lamang sa buhay ang ginagawa nito. Napaka-iresponsable. Hindi ko alam kung bakit pinagkakaguluhan pa rin ito ng mga babae samantalang walang direksiyon ang buhay nito. Ano ba ang nakakaakit sa kanya maliban sa guwapong mukha? Ah, oo nga pala. Makapal nga pala ang wallet niya. Kasing-kapal ng mukha niya. "C'mon, Aleya. This is work. Huwag mong isama sa trabaho ang iyong personal feelings, okay?" sermon sa akin ni Ninong Zandro, ang Police Director ng aming siyudad. Matalik na kaibigan siya ng daddy ko na isang retired general at sa kanya ako ipinagbilin ni Daddy bago sila nag-migrate sa ibang bansa kasama si Mommy at ang nakababata kong kapatid na si Aika. "Ninong, hindi ko isinasama ang aking personal feelings sa trabaho ko. Ayoko lang talaga na maging bodyguard ni Enri—" "Lieutenant Aleya Magdiwang, nasa loob ka ng opisina ko so address me properly!" malakas ang boses na wika ni Ninong. Galit na siya kaya bigla akong tumahimik. Pangalawang ama ang turing ko kay Ninong at nirerespeto ko siya kaya hindi na ako nakipagtalo pa. "Alam ko na dahil playboy si Enrique kaya ayaw mo na maging bodyguard niya. Dahil nagkaroon ka ng hindi magandang karanasan sa playboy mong ex-boyfriend, hindi ba?" Tama si Ninong. Dahil katulad ng ex-boyfriend kong si Castor si Enrique na sobrang playboy kaya ayoko na maging bodyguard niya. Ngunit kung hindi ko tatanggapin ang trabahong ito ay hindi lamang magagalit sa akin si Ninong kundi mapapatunayan din ni Ninong na tama ang sinabi niya na dinadala ko sa trabaho ang aking personal feelings. Lalabas na wala akong professionalism kapag tinanggihan ko ang trabaho na ito. Nakakainis. Kasalanan ito ni Castor. Hindi sana ako naging bitter ngayon kung hindi niya ako niloko. Castor Santiago is my ex-boyfriend. Naging boyfriend ko siya ng isang taon. Sa una ay okay ang aming relasyon ngunit nang naglaon ay doon na lumabas ang tunay niyang ugali. Hindi lang ito babaero kundi basagulero pa. Lagi itong napapaaway sa mga club o party na pinupuntahan nito. At hindi lang ilang beses ko siyang nahuli na may kalampungan na ibang babae na palagi naman niyang sinasagot ng "wala iyon" "fling" at "pampalipas oras" lamang daw niya ang mga babaeng iyon. Sa mga babaeng iyon daw nito napupunan ang kakulangan ko bilang girlfriend nito. At ang tinutukoy niyang kakulangan ko bilang girlfriend ay iyong hindi ko pagpayag na makipagtalik sa kanya. Simpleng halik at yakap lamang ang pinapayagan ko na gawin namin ni Castor noon at kapag nararamdaman ko na gusto niyang mas humigit pa sa ginagawa namin ang gusto niyang mangyari ay agad ko na siyang sinasaway. Iyon daw ang dahilan nito kung bakit nito nagawang mambabae sa kabila ng pagkakaroon nito ng nobya. Hindi ko matanggap ang dahilan niyang ito dahil para sa akin kung totoong mahal ng isang lalaki ang nobya nito ay kaya nitong maghintay hanggang sa ready na ang babae na kusang ibigay niya ang kanyang sarili. Hindi maghahanap ng sarap sa piling ng ibang babae. At hindi lang isa kundi higit pa sa isang babae. Si Enrique Villareal kaya? Ganoon din ba ang reason kung bakit ito naging palikero o hindi lang talaga ito makuntento sa iisang babae? "Sorry po, Sir," nakayukong paumanhin ko kay Ninong. Wala akong choice kundi tanggapin ang trabahong ito. "So, tinatanggap mo na ang trabahong ito?" paninigurong tanong sa akin ni Ninong na may bahagyang ngiti sa mga labi. "Yes, Sir!" malakas ang boses na sagot ko. Ipopokus ko na lamang ang aking isip sa aking trabaho bilang bodyguard ni Enrique at hindi ko na lamang papansinin kung marami akong makita na mga babae nito. Wala akong pakialam sa personal niyang buhay. Ito ang dapat kong itatak sa aking isip kapag naging bodyguard na niya ako. "Good!" nasisiyahang wika ni Ninong. May kinuha itong folder sa gilid ng mesa at pagkatapos ay ibinigay sa akin. "Iyan ang details ni Enrique. Pag-aralan mo ng mabuti. At uunahan na kita, Aleya. Hindi madali ang pagbabantay sa kanya dahil lahat ng mga nagiging bodyguard niya ay natatakasan niya kaya dapat alisto ka palagi. Habaan mo rin ang pasensiya mo dahil tiyak na mababa ang magiging tingin niya sa'yo dahil isa kang babae." "Yes, Sir," mariin kong sagot. Hindi lang pala babaero ang Enrique na ito kundi sakit din pala sa ulo ng mga nagiging bodyguard niya. Kapag masyado niyang pinasakit ang ulo ko ay makakatikim siya ng mabigat at malakas kong kamao. Pagkatapos kong tanggapin ang folder na naglalaman ng details ni Enrique ay agad na akong lumabas sa opisina ni Ninong at sumakay sa aking kotse. Saglit na binuksan ko ang folder at tiningnan ang full body picture ni Enrique na nasa loob ng folder. Napaismid ako nang makita ang maganda niyang pagkakangiti. Aminado ako na may killer smile ito na nakakaakit sa mga kababaihan. Guwapo ito sa salitang guwapo. Sa totoo lang ay mas guwapo pa ito kaysa sa ibang mga local actors sa bansa. Ngunit ang kaguwapuhan niyang taglay ay walang epekto sa akin. Inis lamang ang tanging nararamdaman ko sa kanya. Naiiling na basta ko na lamang initsa sa katabing upuan ang folder at pagkatapos ay pinaandar ko na ang aking kotse't minaniobra palayo sa police station. Bumagal ang patakbo ko sa aking kotse hanggang sa tuluyang kong ihininto dahil may mga tumatawid na kabataan sa tawiran. Hindi pa nakakatatlong segundo na nakahinto ang kotse ko nang magulat ako dahil bigla na lamang may bumundol sa likurang bumper ng aking kotse. "Damn it!" malakas akong napamura at naihampas ko ang dalawa kong kamay sa manibela nang makita ko ang isang pulang kotse sa likuran ng aking kotse. Mukhang hindi yata marunong mag-drive ang driver ng pulang kotse dahil nakahinto na nga ako ay bumangga pa siya sa akin. Mayamaya ay tumaas ang kilay ko nang makita kong lumabas ang isang maganda at sexy na babae mula sa driver's seat at sa katapat na pintuan naman ay lumabas ang taong hindi ko inaasahang makikita ko ng maaga. "Hindi pa nga ako nagtatrabaho sa kanya ay minamalas na agad ako. Ano pa kaya kung bodyguard na niya ako?" himutok ko bago ako lumabas sa kotse ko para harapin ang babaeng dumadakdak. "Ikaw ang driver ng kotseng ito na bigla na lamang huminto sa harapan ko?" nakapamaywang na tanong sa akin ng babae habang nandidilat ang mga mata. Nakaka-intimidate ang katarayan nito at kung naibang babae lamang ang kaharap nito ay tiyak na magso-sorry kahit na ito ang may kasalanan. "Bakit? May nakikita ka bang ibang tao na lumabas sa kotse maliban sa akin?" palaban kong sagot sa babae pagkatapos ay inalis ko ang suot kong sunglasses. Narinig ko ang mahinang pagsipol ni Enrique Villareal na siyang kasama ng babaeng mataray. Tinapunan ko ng masamang tingin ang lalaki at inirapan ito. Sa halip na ma-offend sa ginawa kong pag-irap ay isang nakakalokong ngisi lamang ang iginanti niya sa akin kasabay ng pagkindat. Hindi lang pala babaero ang unggoy na ito kundi bastos pa. "Aba't may gana ka pang mamilosopo matapos mong banggain ang aking kotse?" galit na sita sa akin ng babae. Tila mas lalo itong naging mataray nang makita ang ginawa ng kasama nito na malamang ay boyfriend nito. Hula ko ay bagong girlfriend ni Enrique ang babaeng ito na kung makaasta ay anak ng presidente ng bansa. "Excuse me? Kanino bang kotse ang nasa likuran at iyong nasa unahan?" nakataas ang kilay na tanong ko sa babae. "Bigla ka kasing huminto sa harapan ko kaya nabangga ko ang kotse mo kaya nagasgasan ang mamahalin kong kotse! Bayaran mo ako ngayundin kung hindi ay tatawag ako ng pulis!" singhal niya sa akin na may halong pagbabanta ang tono. Gusto ng uminit ng aking ulo ngunit nagpakatimpi-timpi ako. "Natural na hihinto ako dahil may mga batang tumatawid sa tamang tawiran. Alangan namang sagasaan ko sila? At hindi mo ba alam na dapat ay isang metro o higit pa ang layo ng distansiya ng bumper mo sa kotseng nasa harapan mo maliban na lamang kung bumper to bumper ang mga sasakyan dahil sa traffic?" inis na sabi ko sa babae. Wala sa loob na napatingin ako kay Enrique na tila naa-amused sa nakikitang pagbabangayan ng dalawang babae sa harapan nito. Feeling yata nito ay pinag-aagawan namin siya. Neknek niya! Napasimangot ako sabay irap nang kindatan niya akong muli. Hmp! Babaero talaga ang laking ito, nanggigigil na sabi ko sa isip ko. "Wala akong pakialam sa sinasabi mo at wala kang karapatan na parangalan ako! Bayaran mo ang damage ng kotse ko kung ayaw mong tumawag ako ng pulis!" muling banta niya sa akin. Iniisip yata niya na matatakot ako kapag sinabi niya iyon. "What a coincidence! I'm a police officer kaya hindi mo na kailangan pang tumawag ng pulis. I'm Lieutenant Aleya Magdiwang. Patingin nga ng lisensiya mo, Miss," sabi ko sa kanya matapos kong ipakita sa kanya ang aking ID. Gusto ko ng mapangisi nang makita ko na biglang namutla ang babae at napaatras hanggang sa napasandig sa dibdib ni Enrique. Hula ko ay wala itong driver's license at baka nga hindi ito ang may-ari ng kotse kundi ang magulang nito at itinakas lamang nito iyon para ma maipagmayabang kay Enrique. "Honey, help me." Ipinulupot nito ang mga braso sa leeg ng binata at nakikiusap ang mukhang tiningnan nito si Enrique na bigla namang tumaas ang kilay. Ewan kung dahil sa pabebe na pagsasalita ng girlfriend nito o dahil sa nalamang pulis ako. Inalis ni Enrique ang tila sawang mga braso ng babae na nakapulupot sa leeg nito at lumapit sa akin. Hindi ko inaasahan ang gagawin niya kaya hindi ako nakapalag nang bigla niya akong hinapit sa baywang at hinila palapit sa katawan niya. "Baka naman puwede nating pag-usapan ito, Pretty Officer?" nanghihibo ang boses na bulong niya sa gilid ng aking tainga. Napakislot ako at biglang nanayo ang mga balahibo ko sa batok nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa likuran ng aking tainga. Babaero at bastos talaga ang lalaking ito. Akala niya ay madadala niya ako sa pang-aakit niya. Bago pa niya mahulaan kung ano ang gagawin ko ay bigla kong inapakan ng malakas ang isa niyang paa at pagkatapos ay malakas na tinuhod ko ang pagitan ng kanyang mga hita. Ngunit sinigurado ko na ang lakas at bahagi ng kanyang hinaharap na tatamaan ng aking tuhod ay hindi sasapat para mabaog siya. Gusto ko lamang siyang bigyan ng leksiyon na hindi lahat ng mga babae ay nadadala sa pang-aakit na ginagawa niya. "Damn you, Lady!" namumula ang mukha sa galit na sigaw ni Enrique habang nakayuko at hawak ng magkabilang palad ang tinamaang p*********i. "Ano? Babayaran mo ba ako sa damage ng kotse ko plus physical harassment na ginawa sa akin ng boyfriend mo o dadalhin ko kayong dalawa sa presinto para doon na tayo mag-ayos?" banta ko sa babae na lalong namutla nang makita ang ginawa ko sa boyfriend nito at sa pagbanggit ko sa salitang "presinto". "B-bayaran k-ko na," tarantang pumasok sa aloob ng kotse ang babae at paglabas ay may dala na itong limanlibong piso. "Ito ang bayad. Siguro naman ay sapat na iyan," mataray pa rin ang boses na sabi niya sa akin. Hindi ko na lamang pinansin ang pagtataray niya't tinanggap ko na lamang ang perang ibinibigay niya. Kasya na ito pambayad sa talyer para maayos ang pagkakayupi at mapalitan ang pinturang nagasgas sa kotse ko. "Mag-iingat ka sa susunod, Miss. Hindi lahat ng taong mabubundol mo ang kotse ay mabait katulad ko at kayang magpasensiya sa inyo," nang-iinis na sabi ko sa babae pagkatapos ay naglakad na ako pabalik sa aking kotse. "Hindi pa tayo tapos, Lady! Magkikita pa tayo," inis na banta sa akin ni Enrique na medyo nabawasan na ang iniindang sakit sa pagitan ng mga hita ngunit nananatiling nakayuko pa rin. "See you tomorrow," nang-iinis na sagot ko naman sa kanya pagkatapos ay sinaluduhan ko pa siya bago ako tuluyang pumasok sa loob ng aking kotse. See you tomorrow. Dahil bukas ay mag-uumpisa na akong magtrabaho bilang bodyguard mo. And good luck to me.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.0K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.6K
bc

EASY MONEY

read
173.9K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.3K
bc

Dangerous Spy

read
297.1K
bc

YOU'RE MINE

read
892.9K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
195.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook