bc

Hello My Long Lost Love (Free & Completed)

book_age16+
1.8K
FOLLOW
4.5K
READ
HE
sweet
bold
small town
like
intro-logo
Blurb

THIS STORY IS FREE 'TIL THE END!

Apologies po sa mga typo error, grammar error atbpa. Unedited po ito pero sana ay magustuhan niyo pa rin po. Maraming salamat po ?

Happy reading!

hello hello hello hello

chap-preview
Free preview
Chapter 1
MALAKAS na tilian ang pumuno sa loob ng flower shop na iyon. Kasunod niyon ay sabay na niyakap ni Alex kasama ni Toni at Audrey ang kaibigan nilang si Andie. Muli ay napuno ng malakas na tilian ang loob ng opisina ng 4 Une Fleur - ang flower shop na naitatag nilang magkakaibigan ilang taon na din ang nakakaraan. Kumpleto silang apat na matalik na magkakaibigan sa araw na iyon kung saan naroon sila sa unang naging branch ng flower shop at kinalalagyan ng kanilang main office. Masaya silang nagkukwentuhan ng i-anunsiyo ni Andie na ikakasal na ito at si Joshua. Kaya naman masayang-masaya silang tatlo para sa kanilang kaibigan. "Mabuti naman at sa altar din ang hantong ninyong dalawa. Siguro naman wala nang hahadlang pa sa kasalang iyan ha." masayang komento ni Audrey na kilig na kilig. "Tama ka diyan sis. Dapat matuloy na 'yang kasalan na iyan ha." nameywang namang wika ni Toni. Maluwang ang ngiting nagsalita si Andie. "Wala ng urungan ito girls. This is it na talaga!" Hindi din niya napigilang magkomento habang nakangiti din ng maluwang. "Wala ng urungan talaga. Biro niyo ano, ang dami nilang pinagdaanan. Nariyan si Toni..." sumulyap siya kay Toni na nagtaas ng kilay. "Girls, that is past. Alam niyong I'm over about Joshua..." hindi nito napigilang sabihin. Natawa si Andie. "Huwag kang mag-aalala, Toni. Hindi ko naiisip na hahadlang ka sa kasalan namin." Humagikhik pa ito. "Mabuti naman. Hindi ako ang dapat mong pagselosan." saka nito sinundan ng bumungisngis ang hagikhik ni Andie. Bumungisngis din siya at si Audrey. "Kaya nga ang sinasabi ko, kahit na anong delubyong dumaan sa inyong dalawa e hahantong pa rin pala kayo sa hahrap ng altar. Wala talagang nakakaalam kung anong mangyayari." Sumegunda ang lahat ng kanyang mga kaibigan habang nagtatanguan. Nang may maalala si Audrey. "E teka, may nabanggit ka dating lalaking pinagselosan ni Joshua noong nasa Laguna pa kayo. Sino ba 'yun?" "Ah si Ivan..." lalong lumuwang ang ngiti ni Andie. Nanariwa dito ang pagseselos ng kasintahan nito. "Ivan?" kung kanina ay buhay na buhay ang katawan niya sa balita ng kaibigan ngayon ay tila nagising ang lahat ng himaymay ng ugat niya sa buong katawan. Masyado siyang sensitive sa pangalang binabanggit nito. Napaparanoid siya kapag naririnig niya ang pangalang 'Ivan"'. "Oo. Si Ivan. Siya ang buddy-buddy ni Joshua noong college days sila." ikinuwento nito ang buong detalye kung paano nasali sa eksena ng dalawa si Ivan. Magkaibigan pala sila Joshua at Ivan since college at nagkahiwalay lamang dahil sa isang babae. Inakala ni Joshua na inagaw ni Ivan ang babaeng gusto ni Joshua pero hindi iyon ang intensiyon ni Ivan. It was all misunderstanding. Lalong nagalit si Joshua kay Ivan ng makilala ni Ivan si Andie nang magbakasyon ang dalawa sa resort sa Laguna. Inakala ni Joshua na nagtatangka nanaman si Ivan na agawin nito si Andie sa binata kaya lalong nagalit si Joshua kay Ivan. Pero sa huli ay nagkaayos din ang dalawa dahil na din kay Andie. At ngayong ikakasal na si Andie at Joshua ay si Ivan ang magiging best man ng groom. Tulala silang tatlo ng matapos magkuwento si Andie sa kanila. "And the rest is history..." Pumalakpak si Audrey pagkatapos ng salitang iyon ni Andie. "Hooray!" pumalatak naman si Toni. "Ano palang surname ng Ivan na 'yan?" wala sa loob na tanong niya. Napatingin sa kanya si Andie. "Salvador. Ivan Salvador ang pangalan niya. Bakit?" Nahulog siya sa sofang kinauupuan. "Alex!" sigaw ng tatlo sa kanya. TULALA pa rin si Alex hanggang sa makauwi siya sa kanilang bahay. Hindi na naalis ang kabang nararamdaman niya mula pa kanina ng banggitin ni Andie sa harap nila ang buong pangalan na magsisilbing best man ni Joshua sa kasal ng dalawa. Nang magtanong ang mga ito kung bakit ganoon nalang ang naging reaksiyon niya ay sinabi niya ang dahilan. Ivan Salvador. Her long lost love. O mas tamang sabihing her long time dream guy na gusto niyang makasama at pakasalan. Bakit? Iyon ang naglalaro ngayon sa utak niya habang nakahiga siya sa kanyang kama at nakatitig sa kisame. Ilang beses na ba niyang binabalik-balikan sa kanyang diwa ang mga eksenang iyon at hanggang ngayon ay malinaw pa rin kung bakit sila nagkakilala ni Ivan Salvador.....

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook