bc

My Sweet Admirer

book_age12+
4.0K
FOLLOW
12.3K
READ
drama
sweet
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Isang beses ng nalinlang si Calixa ng dahil sa pag-ibig. At muntik pa niyang naibigay ang sarili sa lalaking iyon. Ayaw na niya iyong maulit pa. At iisa ang tingin niya sa lahat ng mga guwapong lalaki. Mga manloloko at manggagamit!

Pero sa pagsulpot ni Gilbert - isang binatang mayaman, napakaguwapo, mabuting tao at napaka-sweet - ay nagulo ang nananahimik na niyang buhay. Umepekto kaya ang mga da moves ni Gilbert sa kanya para muli siyang magtiwala sa mga kagaya nito? O paninindigan ang pagsasawalang bahala sa ka-sweetan ng binata...

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
NAKAPANGALUMBABA sa mesa si Cali habang nakatitig sa mga bulaklak na nasa harapan niya. A dozen of red roses. Kanina pa siya nakatitig sa mga iyon. Buhay na buhay ang mga bulaklak at tila kumikinang-kinang pa. Dapat ay ganoong ang pakiramdam niya sa mga sandaling iyon. At kung sa ibang pagkakataon, Marahil ay kinikilig na siya. Pero hindi. Galing ang mga iyon kay Gilbert Del Pierro. Ang makulit pero napakaguwapo niyang manliligaw. Napabuntong-hininga siya habang hindi malaman kung ano ang iisipin ng mga sandaling iyon. "Naku, malas 'yan girl. Huwag kang magmukmok. Nagluluto ka pa naman tapos nakatunganga ka diyan. Baka sumama ang lasa ng niluluto mo." Napakislot siya ng marinig ang tinig ni Carmen na biglang sumulpot sa likod niya. "Ang ganda ng mga bulaklak ano? Bakit hindi mo amuyin? Siguradong mabango ang mga 'yan. Kasing bango ni Papa Gilbert." May kilig sa tinig nito. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at tinungo ang harap ng kalan. Hindi pinansin ang mga sinasabi nito. "Kung ano ang binigyan ng mga ganyang bulaklak lalo na at galling sa isang kagaya ni Sir Gilbert, e siguradong buong araw akong nasa mood. Ano? Nagpagpasyahan mo na ba kung sasagutin mo siya?" patuksong tanong nito na tumabi pa sa kanya. "Hindi ano! Iniisip ko kung papaano niya ako titigilan sa pangungulit niya." sumimangot siya para magmukha siyang convincing. Iyon naman kasi talaga ang iniisip niya kanina pa habang nakatitig sa mga bulaklak. Tumirik ang mga mata ni Carmen. "Wala ka nang magagawa 'neng! Head over heels na sa iyo si Papa Gilbert kaya kung ako sa iyo sasagutin ko nalang siya. Bukod sa nuknukan ng guwapo ay sobrang bait pa, bonus nalang na mayaman siya. Huwag mo nang pakawalan ang isang ‘yun noh. Mamaya makuha ng iba. Sayang naman. Choosy ka pa!" litanya nito sa kanya saka ito lumabas ng kusina. Iiling-iling na ibinalik niya ang atensiyon sa niluluto. Pero natigil ang ginagawa niyang paghahalo ng pumasok sa isip niya ang masugid at makulit niyang manliligaw na si Gilbert Del Pierro. Totoo naman kasi ang lahat ng sinasabi nito. Oo at hindi pa niya masyadong kilala ang binata subalit kung hahayaan lang niya ang sariling kilalanin ito ay sigurado siyang isa itong mabuting tao. Mag-iisang linggo palang siya sa karinderya ng kanyang Auntie Mila sa bahaging iyon ng Pasig ng makilala siya ni Gilbert. Ayon sa naririnig niya ay ito ang Vice President for Business Development ng halos katabi nilang kumpanya – ang Universal Activation Inc.. Sa tabi ng warehouse ng kumpanya ay naroon ang kainan ng kanyang Auntie Mila. Hindi naman kalakihan ang kainan Subalit malaki ang kinikita dahil halos doon kumakain ang mga nagtatrabaho sa kalapit na mga establisyimento. Galing siya noon ng probinsiya at lumuwas siya ng Maynila upang magpalipas ng sakit at sama ng loob dulot ng kanyang dating kasintahan. Inalok siya ng kanyang Auntie na dito na manirahan. Dahil kapatid ito ng kanyang ina at talagang napakabait ay hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ang alok nito. Ang balak niya ay pansamantala lang siyang magsisilbi sa kainan nito at maghahanap ng magandang trabaho. Subalit hindi niya namalayan na nag-eenjoy na siya sa pagluluto at pagsisilbi sa mga costumers. Isa siyang miyembro ng DSWD sa kanilang munisipyo at magtatatlong tao na siya sa ganoong trabaho. Computer secretarial ang natapos niya pero mas pinili niyang magtrabaho bilang DSWD sa halip na mag-apply sa mga kumpanya. Hanggang sa lumipas ang isang linggo ay hindi na siya nakapaghanap pa ng trabaho. Isang araw ay sumulpot sa harap ng karinderya ang isang lalaking mala-adonis ang katawan at tindig. Hindi niya malilimutan na natulala siya sa kaguwapuhan nitong taglay. Ang lakas ng dating ng karisma nito. Para itong isang modelo na naligaw sa karinderya nila. Nagpakilala itong si Gilbert. Magiliw itong magsalita at tila gustong maging kaibiga ang lahat. Magalang din at talaga namang hindi mo pwedeng isnabin. Nang una siya nitong kausapin ay parang nalulon niya ang sariling dila. Hindi siya makapagsalita at makasagot ng diretso. Madalas ay wala siyang pakialam kung ano ang itsura niya sa harap ng mga costumers nila. Pero nang ang binata na ang kausap niya ay parang bigla siyang nailang. Parang bigla siyang nahiya dahil ng unang beses siyang kinausap ng binata ay pawis-pawis na siya at amoy usok pa dahil sa inihaw niyang isda sa harap ng kainan. Parang nakakahiyang lumapit dito at tumabi dahil sa itsura nitong tila ang bango-bango. Sa ikalawang pagpunta doon ng binata ay nakarinig na siya ng tuksuhan sa mga kasamahan dahil siya ang madalas at gustong kausapin ng binata. Pero sa pagkakataong iyon ay nahamig na niya ang sarili kahit papaano. Hindi na siya masyadong napapatanga sa harap nito kahit pa iyon ang gusting mangyari ng katawan niya. Kahit papaano ay nakakasagot na siya ng maayos kapag kinakausap nito. Naisip kasi niya na dapat ay hindi naman siya ganoong umasta sa harap ng binata. Hindi siya dapat natutulala at nagkakabulol-bulol sa pagsasalita. Attracted Marahil ang katawan niya dito pero hindi pwede. Hindi niya hahayaan ang sarili na ma-attract o magkagusto sa kagaya nito. Masyado pang sariwa ang sakit na dulot ng dati niyang kasintahan. Hindi pa siya handang magkagusto sa iba. Pagkatapos ng pangalawang pagpunta doon ni Gilbert ay hindi na siya tinantanan ng mga kasama na tuksuhin. Naamoy yata ng mga ito ang nais ipahiwatig ng binata. Ayaw naman niyang patulan ang mga ito dahil wala namang sinabing si Gilbert. Hindi siya assuming at lalong hindi siya feeling. Simula niyon ay palagi na itong sumusulpot sa kainan at madalas ay siya ang unang hinanap. Sa una ay bumibili ito ng tinda nila. Hindi niya sigurado kung saan nito dinadala ang mga binibili o kinakain ba nito. Pero madalas ay marami itong binibiling putahe. Hindi din siya manhid para hindi mapansin ang mga pagppa-cute nito sa na totoo lang ay kinakaaliw niya – pero kinatatakutan din niya. Hindi lingid sa kanya kung paano at kung anong paraan siya kausapin nito. Pero iyon nga, hindi siya assuming at hindi feeling. Kaya hangga’t wala itong sinasabi ay deadma lang lagi siya sa mga pannukso ng kaibigan. Minsan ay naitanong din niya sa sarili kung Sakali man na magtapat sa kanya ang binata. Ano ang gagawin niya. Hindi pa man niya nasasagot ang sariling tanong ay kumakambiyo na agad ang isang panig ng isip niya. Hindi niya dapat i-entertain ang binata o kahit anumang gawin nito sa mga susunod na araw – kung may gagawin man ito. At hindi niya dapat iniisip ang mga ganoong bagay dahil sa una palang naman ay wala itong mapapala sa kanya. Hindi sa estado ng puso niya ngayon. Hanggang isang araw ay magpahayag ito ng damdamin sa kanya. Ayon dito ay hindi daw ito naniniwala sa love at first sight pero ng makita daw siya nito ay nag-iba ang takbo ng hangin. Aaminin niyang humanga siya sa binata pero itinaboy niya ang damdaming iyon. Pinili niyang huwag itong pansinin at palagi na’y sinusungitan niya ito. Pinanindigan niya ang pag-iwas dito at pang-iisnob kahit pa iba ang ibinubulong ng isang bahagi ng kanyang isip. Nang magtapat ang binata sa kanya ng pag-ibig nito ay napuno ng tilian ang buong kainan. Kahit may mga pagpaparamdam na sa kanya ang binata bago ito magtapat ay nagulat pa din siya. Hindi niya tuloy alam ang gagawin. Mag-iisang buwan na simula ng magpahayag ito ng damdamin sa kanya. At sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay walang puknat ang pagpapadala nito ng mga pulang rosas para sa kanya. Hindi siya manhid para hindi maintindihan ang ibig sabihin niyon. Alam niyang nagsisimula na itong manligaw sa kanya. Pero matigas ang puso niya. Hindi niya ito pinansin. Kaya lang ay hindi yata uso dito ang salitang pagsuko. Dahil sa ilang beses niyang pagtataboy dito ay palagi pa rin itong sumusulpot sa harap niya ng nakangiti at may dalang kung ano-ano sa tuwing bibisita ito sa karinderya. Kahit sungitan niya ito at hindi ito nadadala. Sa totoo lang ay hindi na niya alam kung papaano ito iiwasan. Ilang beses na niyang sinabit dito na tigilan na siya at ibang babae nalang ang paglaanan nito ng pansin. Pero hanggang sa mga sandaling iyon ay patuloy pa din ang panliligaw nito sa kanya. Kung gugustuhin naman talaga nito ay pwede na siya nitong tigilan at manligaw nalang sa ibang babaeng mas nararapat dito. Malayo ang agwat ng estado nila sa buhay. Isa lamang simpleng babae na galing sa probinsya at simple lamang din ang kanyang pagkatao. Hindi siya sosyal. Habang si Gilbert ay mataas. Papangarapin ng kahit sinong babae. Ang babaeng nararapat para dito ay dapat lamang na kagaya nito. Kung tutuusin ay maswerte siya dahil siya ang nagustuhan ng binata sa kabila ng magkaiba nilang estado. Dapat ay matuwa pa siya at magtatatalon sa kilig dahil isang kagaya nito ang nagkagusto sa kanya at nagpapahayag ng pa-ibig. Totoo ang sinabi ni Carmen, ubod ito ng gwapo at hindi maikakailang mabait. Mayaman din ito at kung hindi siya nagkakamali ay hindi lang ang posisyon nito sa UA Inc ang trabaho nito. Pero nagkataong siya ay siya. Hindi niya matatanggap si Gilbert dahil may rason siya. Isang personal na rason. Bigla siyang natigilan. Bakit ba niya iniisip ang lalaking iyon? Wala siyang balak pansinin ang panliligaw nito at ang lahat ng ibinibigay nito ay ipinapasauli niya. Minsan naman ay ibinibigay niya iyon sa tatlong kasama niya. Ikiniling niya ang ulo upang alisin ang gwapong mukha ni Gilbert sa kanyang isipan. Ipinagpatuloy niya ang paghahalo sa adobo na kung hindi pa niya napansin ay natuyuan na ng sabaw.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.2K
bc

Taz Ezra Westaria

read
107.0K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.4K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.4K
bc

Billionaire's Twins

read
263.5K
bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
425.0K
bc

OSCAR

read
226.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook