bc

Accidentally Married to a Playboy (Playboy Series #2)

book_age16+
165
FOLLOW
2.2K
READ
contract marriage
HE
playboy
badboy
heir/heiress
tragedy
bxg
scary
loser
enimies to lovers
brutal
like
intro-logo
Blurb

Isang malaking bangungot ang pagdating ng isang marriage contract kay Luis na babago sa kanyang buhay. Matatali siya sa babaeng kinaiinisan niya ng sobra at kailanman hindi niya hiniling na maging asawa. At para makuha ang inaasam nitong mana, nakiusap siya sa babae na magkunwari silang masayang mag-asawa. Kasabay ng pagpapanggap nila ay kanila ring inaasikaso ang pagsasawalang bisa ng kanilang kasal. Pero sa kasamaang palad, unti-unting mahuhulog ang loob nila sa isa't isa. Alin kaya ang matutuloy, ang kanila kayang annulment o ang pag-iibigan nilang dalawa.

chap-preview
Free preview
Prologue
Breath in.... Breath out.... Breath in.... Breath out.... Hindi mabilang na buntong-hininga ang nagawa ko matapos buksan ang bagong dating na papel sa akin na ngayon ay hawak-hawak ko na nagiging dahilan para manginig ang kamay ko sa kaba. Titig na titig ako sa kapirasong papel na hawak ko na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto ko itong punitin pero naubusan ako ng lakas. Hindi maalis ang tingin ko sa dalawang salita na alam kong makakapagpabago sa buhay ko. Sinusubukan kong iproseso ng maayos kung tama ba ang pagkakabasa ko sa dalawang salita na malalaki na nakasulat sa pinakaitaas ng papel. Marunong naman ako magbasa pero bakit nabobo ako bigla sa papel na ito? Bakit biglang hindi gumana ang utak ko? Sa isang iglap, hindi ko akalain na biglang magbabago ang buhay ko. Isang gabi na puno ng saya pero nabahiran nito ang nananahimik kong buhay ng kaba at pangamba. Paano ko haharapin ito? Hindi ako naging handa sa bagay na ito. Wala pa ito sa plano ko pero dumating ito sa panahong hindi ko naman inaasahan. Bumaba ang tingin ko at napunta sa pangalan na nasulat sa baba. Shit! Halos malaglag ang mata ko sa gulat nang makita kung ano ang pangalan na nakasulat roon. Pakiramdam ko, magugunaw ang mundo ko pagkabasa sa pangalan niya. Luis Adrian Arevalo No way! Paano ako ikinasal sa lalaking ito? Paano ko makakayang maging asawa ang pinakadakilang playboy na kilala ko? "Gising! Hana, nananaginip ka lang! Gumising ka!" Pinagsasampal ko pa ang pisngi ko para sana magising sa bangungot na ito pero nararamdaman ko na buhay ang diwa ko. Kinurot ko pa ng malakas ang braso ko pero ganoon pa rin ang pakiramdam ko. Pakshet! "Letche! Hana, legal na marriage contract 'to." Napahilot ako sa aking sentido nang masuri ko na legal ang papel na hawak ko. May pirma ng Mayor sa baba, may pirma rin ako at ni Luis na nagpapatunay na pumayag kaming dalawa. Ano 'tong katangahan ko? Paano ako pumayag na pakasalan ang lalaking kinamumuhian ko? Sa lahat ng maaari kong mapakasalan nong gabi na yon, bakit siya pa? How can I forget the night that I am accidentally married to a playboy?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

WHAT IF IT'S ME

read
66.5K
bc

Rewrite The Stars

read
94.9K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
235.5K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.2K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook