bc

Eternal Love (COMPLETED)

book_age12+
32
FOLLOW
1K
READ
HE
neighbor
drama
mystery
campus
like
intro-logo
Blurb

Chichay and Joaquin are childhood sweethearts. Pero umalis si Chichay, at nangakong babalik.

Oo, bumalik siya, pero madami palang hindi alam si Joaquin sa kanya.

May boyfriend na pala siya.

Dumating rin naman ang araw na, na-realize ni Chichay na si Joaquin pala ang mahal niya. Pero kung kailan niya narealize ito, yun ang panahon na may girlfriend na si Joaquin.

Magkakatuluyan pa kaya sila?

May pag-asa pa kayang maging sila kung lihim ang pagmamahal nila sa isa’t-isa?

Will they still have an Eternal Love?

chap-preview
Free preview
EPISODE 1: CANADA
PROLOGUE. Eternal Love...      yan ang tawag sa pagmamahalang meron kami. Dahil ang pagmamahalan namin ay walang katapusan. He likes Her It’s obvious She likes Him It’s late when she realized it Everyone knows All the people around them knows it Except them They’re not sure of their feelings and when they found out that the one had a relationship they're very hurt Then he came into the picture And steal her heart Join them while they’re finding to whom they’ll spend the rest of their lives and to whom they’ll have the… ETERNAL LOVE.  ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- EPISODE 1: CANADA UNANG YUGTO Bata palang sila Chichay at Joaquin, matalik na magkaibigan na sila. BFSB. Best Friends Since Birth. Pinagbubuntis palang kasi sila magkaibigan na ang mga magulang nila. Kaya pati sila, naging magkaibigan narin. Simula Kinder hanggang Grade 6 magkaklase sila. Lagi silang masaya. At lagi nilang sinasabi: CHICHAY & JOAQUIN: ANG TUNAY NA MAGKAIBIGAN,HINDI NAG-IIWANAN,MAPASAYA MAN O MALUNGKOT,WALANG IWANAN. Pagkatapos ng ilang buwan nila sa ika-anim na baitang, nakapagtapos na sila ng kanilang elementarya. Pinagpaplanuhan na nila kung saan sila magha-high school. Pinagpaplanuhan na nila kung anong paaralan ang pipiliin nila. Pero isang araw, nakapili na sila Chichay at Joaquin ng paaralang page-enrollan sana nila. Sa kaparehong araw, kinausap ni Mama Betchay, mama ni Chichay, ang anak niya. BETCHAY: Anak, tumawag ang daddy mo dito. CHICHAY: Bakit po mama? Ano pong sabi ni papa? BETCHAY: Sabi niya ayos na daw ang passport natin papuntang Canada. Nabigla si Chichay sa narinig niya. Tinanong niya ang mama niya. CHICHAY: Mama pupunta po ba tayo ng Canada para magbakasyon? BETCHAY: Hindi anak. CHICHAY: Eh ano pong gagawin natin doon? Paano po ako makakapag-aral? Malapit na po ang pasukan. Tsaka pwede po ba sumama sila Joaquin? BETCHAY: Anak, unang-una, hindi tayo magbabakasyon doon. Doon na tayo titira. Pangalawa, na-enroll ka na ng daddy mo sa isang high school doon. At pangatlo, walang passport si Joaquin para sumama sa atin. Kung magpapagawa pa siya ng passport, aabutin pa ng isa hanggang dalawang buwan bago maayos ang passport niya. Wala na tayong oras nun. CHICHAY: Mama, marami naman po tayong oras eh. Kahit isa hanggang dalawang buwan pa po ang abutin basta makasama lang po si Joaquin sa atin. Handa po akong maghintay. Hindi ko po kayang iwan si Joaquin dito ng may sama ng loob sa akin. Hindi ko po kayang sabihin sa kanya na aalis po ako at iiwan ko siya. Nangako po kami sa isa't-isa na kahit ano pa pong pagsubok ang dumaan wala po kaming iwanan. Mama sana maintindihan niyo po ako. At biglang umalis si Chichay. Hindi nalang siya hinabol ng mama niya dahil alam niyang hindi niya ito mapapapayag ng basta-basta kung hindi sang-ayon si Joaquin sa kanilang pag-alis. Naisip ni Mama Betchay na pumunta kila Mama Juliana, ang mama ni Joaquin, para kausapin ito at makiusap na siya na ang bahalang magsabi kay Joaquin. Pinuntahan niya ito sa kanilang bahay. BETCHAY: Juliana, Mars pwede ba tayo mag-usap? JULIANA: O sige. Ano ba 'yon? BETCHAY: Mars, ikaw nang bahalang magsabi kay Joaquin ha. JULIANA: Ano ba 'yon? Parang ang lungkot mo Mars. BETCHAY: Mars, tumawag na kasi ang papa ni Chichay. Ayos na daw ang passport namin papuntang Canada. Aalis na kami ni Chichay sa susunod na buwan. Hindi namin kayang sabihin kay Joaquin ang totoo dahil natatakot kaming masaktan siya at baka hindi niya pansinin si Chichay. Magtatanim siya ng galit sa amin. At ayokong mangyari yun lalong-lalo na kay Chichay. Kaya Mars, nagmamakaawa ako sa'yo ikaw nang magsabi kay Joaquin alang-alang nalang kay Chichay. Nabigla si Mama Juliana sa nalaman. Hindi siya makasagot. Maging siya'y ayaw niyang masaktan ang anak niya. JULIANA: Paano ba 'yan Mars? Kung kayo ngang tita at bestfriend niya natatakot na masaktan siya, ako pa kayang mama niya. Kung kayo ayaw niyo siyang masaktan, mas lalo naman ako noh. Masakit para sa mga katulad nating ina Mars na makitang nasasaktan ang anak natin. Sana Mars maintindihan mo ako. BETCHAY: Bakit? Bakit hindi mo kayang sabihin kay Joaquin ang totoo? Bakit hindi mo kayang sabihin sa anak mo ang totoo? Pwedeng madamay ka sa mga taong kamumuhian niya, pero hindi matagal dahil ikaw rin naman ang pwede niyang pagsabihan at sa'yo niya masasabi ang lahat ng sama ng loob niya. Hindi ba? JULIANA: Tama ka nga Mars. Pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Joaquin. Hindi ko alam saan ako mag-uumpisa. BETCHAY: Bakit naman? Basta sabihin mo sa kanya na aalis kami tapos, tapos na. Nanay ka naman niya kaya siguro ayos lang kahit ganun mo lang sabihin. JULIANA: Mars, hindi ganun kadali yun. Tsaka isa pa, may naaalala akong sinabi niya sa akin. JOAQUIN: Mama, pangako mo sa akin na kapag sinabi ni Tita Betchay na aalis sila ni Chichay, mangako po kayo sa akin Mama na pipigilan niyo sila. Please Mama. Please. JULIANA: Nangako ako sa kanya Mars. Hindi ko naman kasi inaasahan na aalis rin pala kayo. Hindi ko inaasahan na iiwan niyo kami. Ang akala ko matagal tayong magkakasama at magkakahiwalay lang tayo kapag may sari-sariling buhay na ang mga anak natin. Kaya Mars, nagmamakaawa ako sa inyo, huwag na kayong umalis. Nagmamakaawa ako sa'yo Mars. BETCHAY: Sorry Mars. Pero hindi pwedeng hindi kami umalis. Sabik na sabik na kaming makita ulit ang papa ni Chichay. Sabik na sabik narin ang papa ni Chichay na makita kami ulit lalong-lalo na si Chichay. Sabik na sabik na siyang makita ulit si Chichay. Ang tagal rin kasi nilang nagkahiwalay eh. Ayaw ko nang sirain pa ang kaligayahan niya. Kaya Mars sana ikaw, maintindihan mo ako. JULIANA: Iwan mo nalang kaya si Chichay sa amin. Kahit papaano walang magiging sama ng loob sa atin si Joaquin. Si Chichay lang naman ang magiging dahilan ng tampuhan natin kay Joaquin eh. BETCHAY: Eh kasi Mars..... JULIANA: Bakit? May problema ba doon sa sinabi ko? Ano? BETCHAY: Si Chichay, siya talaga ang gustong makita ng daddy niya eh. Masayang-masaya ang daddy niya dahil makikita na niya ulit ang anak niya. Makikita na niya ulit si Chichay, kaya patawad Mars, pero hindi pwedeng iwan dito si Chichay. JULIANA: Sige na Mars. Gawan mo nalang nang paraan. Sabihin mo nalang Mars ayaw sumama ni Chichay. Sige na Mars, parang awa mo na. Alang-alang kay Joaquin. BETCHAY: Teka nga lang Mars, bakit ba ayaw na ayaw mo kaming umalis ni Chichay? Si Joaquin naman ang magagalit, pero ikaw itong makulit. Pairitang nasabi ni Mama Betchay kay Mama Juliana dahil sa pagpupumilit nitong wag nalang silang umalis. JULIANA: Kasi Mars..... BETCHAY: Ano? JULIANA: Ang totoo niyan Mars, nagtangka si Joaquin na kapag hindi ako tumupad sa pangako ko sa kanya… BETCHAY: Anong tatangkain niyang gawin? JULIANA: Ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya, lalayasan niya daw ako at sisiguraduhing hindi na magpapakita. Pero sa tingin ko nagbibiro lang 'yon. 'Di niya gagawin 'yon. Magkukulong lang 'yon sa kwarto niya kapag umalis kayo. Nagulat si Mama Betchay at hindi na alam ang gagawin. BETCHAY: Oh,yun naman pala eh. Siguradong nagbibiro lang 'yon. Hindi niya pa alam ang mga sinasabi niya. JULIANA: Pero Mars, nung sinabi niya sa akin yun, ayaw kong maniwala sa kanya at gusto kong isipin na binibiro niya lang ako. Pero nung sinabi niya sa akin yun makikita mo sa mukha niyang may pagka seryoso siya. Pero sana nga. Sana nga nagbibiro lang siya. BETCHAY: Wag kang mag-alala. Nagbibiro lang 'yon. Kailangan nating isipin ngayon kung paano natin masasabi kay Joaquin ang pag-alis namin. Kailangan na nating lakasan ang loob natin. JULIANA: O sige ganito nalang. Umuwi ka muna at doon ka na mag-isip. Kapag may naisip ka na, na posibleng magawa natin puntahan mo nalang ako kaagad dito. Kapag ako naman ang may naisip,pupuntahan nalang kita. Ok ba 'yon Mars? BETCHAY: Ok. At umuwi na si Mama Betchay upang mag-isip. Nagsimula na siyang mag-isip dahil ayaw niyang patagalin at paabutin pa na hindi makapag-usap ng maayos sila Chichay at Joaquin. Pagkatapos ng ilang minuto, biglang may tumawag sa telepono nila Mama Betchay. Oh, si Papa Chito, ang papa ni Chichay ang tumatawag. Kinakabahan na si Mama Betchay. Pero nilakasan na niya ang loob niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
243.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
68.8K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
42.9K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
38.7K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.4K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
92.4K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
48.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook