Cia's Replica

Cia's Replica

book_age16+
109
FOLLOW
1K
READ
HE
opposites attract
curse
arrogant
lighthearted
vampire
another world
like
intro-logo
Blurb

Hapdi ng pusong ipinasan, pag-aalay ng sakripisyo, at hindi inaasahang pagtataksil ang magbubukas ng pintuan sa isang kakaibang mundo para kay Nancy Wayne. Isang kasunduang itinakda ng kapalaran ang magdadala sa kanya sa masalimuot na kuwento kasama si William Damien, kilala bilang Master Will, na nagtataglay ng lihim na kayamanang makakapagpabago sa lahat. Sa pagitan ng dilim at lihim na sumusubok sa kanilang pagmamahalan, makakaya ba ni Nancy na hanapin ang lihim na bumabalot sa kanyang pagkakakilanlan, o siya nga ba ang pangako ng nakaraan na magdadala ng pag-asa at liwanag sa kanilang naliligaw na mundo? Siya nga ba ang Cia’s Replica?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Nancy Wayne
Mga mata nila'y kumikislap at abot taingang ligaya. Hindi man nila napapansin na wala ako sa tabi nila. Napailing na lamang ako at sinarado ang bintana. Kaylambot ng aking higaan pero hindi matanggal ang kirot ng aking puso. Tuwang tuwa ang aking ate at kuya kasama ang aming mga magulang. Masaya silang nakatanaw sa langit habang nakatingin sa mga nag-gagandahang paputok na kanilang binili. Araw ngayon ng pasko pero sakin ay biyernes santo. Itinakda na nila sa kalanderyo ang araw ng aking kasal na hindi ko man lang alam kung sino ang lalaking aking pakakasalan. Tanging ang sagot lamang nila sakin mayaman siya at gaganda ang aming buhay. Ano pa bang nais nila sa tinatamasa nila ngayon? May magandang bahay kami, hindi man malaki pero ito ay may malawak na mga kwarto. Lahat ng luho nila ay nasusunod sa perang natatanggap nila buwan-buwan, na iniwan sakin ng aking lola at ni hindi nga ako makita sa dami ng kanilang materyal na bagay. Tumayo ako at humarap sa salamin. Magmula ako ay ipinanganak sinasabihan na nila ako ang malas sa kanilang buhay. May malaking marka ako sa aking balikat ngunit hindi naman ito nakikita ng lahat. Para sa aking pamilya dala ko ay sumpa ngunit sa aking lola ako ay biyaya. Napaluha ako ng maalala ang mga huling habilin niya sa akin, " Aking apo, huwag kang malulungkot. Darating ang taong magbibigay kulay sa iyong buhay sa iyong kaarawan makikilala mo ang taong magpapaligaya sa iyo." Sa mga sandaling iyon hindi ko man alam ang nais niyang ipabatid sa akin, ako na lamang ay tumango at niyakap siyang mahigpit. Kaysakit makita ang pagkawala niya. Ang tanging kakamping mayroon ako ngunit ngayon ako na lamang ay nagiisa at ang pinakamasakit ako ay ipapakasal sa hindi ko man lang kilala. "Nancy!" sigaw ng aking ina mula sa baba. "Bababa na po," sagot ko at nagmadaling bumaba ng hagdan. "Ano po iyon inay?" Nagmadaling siyang lumapit sa akin at hinila ang aking buhok habang papunta siya sa kusina. "Anong sinabi ko sa iyo? Linisin mo ang kusina at magluto ka!" sigaw niya na magkasalubong pa ang mga kilay. Tumango na lamang ako at nagsimulang mgluto. "Ayan kasi inuuna mo pa ang imahinasyon mo bago ka gumalaw," singhal ng aking ate Daphney na nag-aayos pa ng buhok. Hindi na lamang ako kumibo at nagpatuloy sa pagluluto. Sa makalipas na sandali natapos ko rin ang mga pinaluto nila sa akin. Lahat ng paborito nila ay pinaghirapan kong lutuin ngunit ni isang salita ng "salamat" ay hindi namutawi sa kanilang mga labi. Ngumiti na lamang ako ng mapait habang pinagmamasdan sila na masayang kumain. Biglang may malakas na busina sa labas, isa-isa silang nagsitayuan at nagmasid sa pinto. "Daphney ayusin mo si Nancy. Bilis!" Sigaw ng aking ina habang palabas ng pinto. Umiling ako sa aking ate at akmang tatakbo ng mahila ako ni kuya Daniel. "Ayoko maikasal sa hindi ko kakilala, bitawan mo ko kuya!" Pagmamakaawa ko. "Tumigil ka dyan! Pasalamat ka may nagkagusto pa sa iyo." Saad ng aking kuya Daniel. Walang akong nagawa kung hindi pumayag sa ayos na gagawin sa akin ng aking ate. Ginupit niya ang mahabang kong buhok at pinaiksi niya itong hanggang taas ng balikat ko. Tumatawa siyang nakatingin sa akin , "Siguradong kapag nakita nang lalaking iyon ang marka mo sa balikat hindi ka na niya papakasalan! Haha," malakas na tawa ang pinakawalan ng aking ate. "Napakasama mo!" Hindi ko mapigilang mapasigaw sa kanya. "Anong sinabi mo?" Mataas ang kilay niyang tanong. Akmang sasabunutan niya ako ng may tumikhim sa likuran niya. "Mukha tama nga si Young master Will." Saad ng isang lalaki may mahabang buhok at salamin ngunit nakakaakit ang mga mata niya para bang hinihikayat ka nito na lumapit sa kanya. "Sino ka naman?" Sigaw ni ate Daphney. "Daphney tumigil ka dyan. Pasensiya ka na ginoong—-" "Lucas. Ako si Lucas kanang kamay ni Master Will. Nandito ako upang sunduin si Nancy," diretsong niyang sinabi. "Ngunit hindi ba magpapakita sa amin ang lalaking mapapangasawa ng aking anak?" Usisa ng aking ina. Tumingin lamang ng matalim si Lucas sa kanya. "Pangit sigurado yun kaya ayaw magpakita," bulong ni ate Daphney kay kuya Daniel at sabay pa silang tumawa. Ilang sandali pumalakpak lamang si Lucas at may mga lalaking nakaitim na pumasok sa aming bahay na may dalang dalawang maleta. "Ayan ang pinag-usapan niyo ni Master Will," Namilog ang aking mga mata ng buksan ito ng aking ama. Maraming salapi ang laman ng mga ito. "Wala na kaming oras. Kukunin na namin si Nancy!" Matigas na sabi ni Lucas at hinila ako palabas. "Inay, itay, maawa po kayo. Ayaw ko pong sumama sa kanila," umiiyak kong sabi sa aking magulang. Ngunit hindi man nila ako binigyan ng pansin at malapad ang kanilang ngiti sa mga salapi. Patuloy lamang ang mga luha ko na dumaloy sa akin pisngi hanggang sinakay na nila ako sa mahabang kotse. Kahit gaano pa kayaman ang sinasabi nilang Master. Hindi ako magiging masaya sa piling niya. Saad ko sa aking sarili at tahimik na humihikbi. "Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Lucas. "Nilalayo niyo ako sa aking pamilya!" Sigaw ko sa kanya. Umiling lamang siya at tumingin ng matalim sa akin, "Hindi ka nila tinuturing na anak, Nancy. Ang tingin nila sa iyo ay basura. Dapat matuwa ka dahil malalayo ka na sa kanila," "Ano bang alam mo?" Sigaw ko sa kanya. Napayuko ako dahil sa hiya. "Alam ko ang lahat Nancy pero ngayon, kailangan mo munang matulog at hindi mo maaaring makita ang daan sa Renera." Pagkasambit ni Lucas ng mga salitang iyon naramdaman ko ang pagkahilo hanggang mapahiga ako sa upuan ng sasakyan. Ngunit bago ako tuluyan mawalan ng malay narinig ko ang awit sa kakaibang lengwahe na hindi ko maintindihan at ang malamig na boses, "Siya na ba si Nancy Wayne? Ang babaeng nakatakdang maging kabiyak ko at magbibigay lakas sa akin tuwing kabilugan ng buwan," Lakas tuwing kabilugan ng buwan? Anong ibig niyang sabihin? Gusto ko man magsalita ngunit hindi ko magawa at tuluyan na akong nilamon ng dilim na hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Pighati na may halong ligaya. Anong naghihintay sa akin sa piling ng isang estranghero? Bumigat na ang mga talukap ng aking mga mata. Pumikit na ako ng tuluyan at nawalan ng ulirat. Anong naghihintay sa akin sa tinatawag nilang Renera?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
98.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
156.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
157.9K
bc

Ang Kanyang Tatlong Alpha

read
6.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
90.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
20.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook