bc

Wonder Kids

book_age16+
417
FOLLOW
1.7K
READ
zombie
no-couple
apocalypse
like
intro-logo
Blurb

An entry for Stary Writing Academy 2 - Adventure Novels

This story is written in the Tagalog Language.

Three children wake up in an apocalypse and strive to survive it while their parents are away. With the help of a few survivors, they made a journey to meet their parents for everyone’s safety.

*****

As the scientist tries to find the cure to Covid-19, they develop a vaccine for the virus. But because of the growing demand from the people, they give it out without even making some initial test. Everything was going smoothly when some people had side effects after taking the vaccine. They have symptoms like the Covid-19, and on the 7th day after the symptoms come out, they died. The government silently taking care of the bodies, but after the 3rd day of being dead, the bodies come back to life, but not a human being anymore. They become flesh-human-eating creatures. They started hunting the living, and in one bite, you will become one of them.

One country that is hit by the z’s in the Philippines started in Baguio, where the vaccine is first introduced. The government immediately stops giving the vaccine from other provinces, but it’s too late. The z’s taking over places in Luzon.

Elli, age ten, together with her siblings and others survivors, tries to survive the apocalypse. e

(c) Ameiry Savar

Started: 02-14

chap-preview
Free preview
Chapter 1: The Siblings
Chapter 1: The Siblings “Elli! Wake up!” Inalog ni Amanda ang panganay niyang anak na si Elli. Kasalukuyan pa itong natutulog at nakadapa sa higaan nito. Agad namang na alimpungatan si Elli. “Mom? Why?” Naninigkit ang mga matang tiningnan ni Elli ang kanyang ina na agad namang nawala sa kanyang paningin dahil lumabas ito ng kanyang silid. At pagkabalik nito ay kasama na nito ang kanyang dalawa pang kapatid. Si El at Tj. “What’s wrong mom?” tanong niya muli at tumayo na sa kanyang hinihigaan.  “I’ll be back in a minute. Alisin mo ang mga gamit mo sa closet mo, Elli,” utos lamang nito at muling lumabas ng kanyang silid. Nalilito man ay sinunod ito ni Elli. Humihikab na nilapitan niya ang walk-in closet niya. Binuksan niya iyon at tinanggal ang mga karton na nasa ilalim. Maging ang mga nakahanger niyang mga hoddie at bestida ay kanyang tinanggal. Lalong lumuwag ang hitsura ng kanyang walk-in closet. Malaki iyon at kasya silang magkakapatid doon. Sa tuwing naglalaro nga ng tagu-taguan ang kanyang mga kapatid ay roon sila nagtatago.  Maliit lamang ang kanyang silid. Sa gilid ng pinto niya ay andoon ang maliit na shelf niya kung saan nakalagay ang mga collection na mga toy figures collectibles, iba’t iba ang mga klase n’yon. Nasa gitnang parte naman ang kanyang higaan na may solar system na mga bedsheet at punda, maging ang kanyang kumot ay ganoon. Sa kanang parte ng kanyang higaan ay may isang maliit na lamesa kung saan nakalagay ang lampshade niya. Sa kabila naman ay ang mahabang study table niya. Mayroon siyang mini library roon na puno ng libro at mga bala ng mga paborito niyang laro. Sa tabi ng kanyang study table ay nakapwesto ang salamin na bintana na tanaw ang buong block nila dahil nasa ikalawang palapag ng kanilang bahay ang kanyang silid. “Ate? What is wrong?” tanong ni El na inaantok pa. Magkatabi sila ni Tj na nakapikit pa ang mga mata. Dahil sa sobrang antok na nararamdaman ni Tj ay humiga na ito sa kama. Walong taong gulang pa lamang si El. Ang kanilang bunso na si Tj ay kakatungtong pa lamang sa apat na taong gulang. “Hindi ko alam, El. H’wag muna kayong maingay,” tugon niya rito. Idinilat ni Tj ang kanyang mga mata pagkatapos ay kinusot-kusot iyon saka nilibot ang paningin sa paligid. Nang mapagtanto niyang nasa silid siya ng kanyang ate ay pilit niyang ginising ang kanyang sarili. Lumingon siya sa bintanang salamin na nasa may likuran niya. Unti-unti siyang lumapit doon and he was about to peek at the window when Amanda pulls him. “Don’t you dare open that window!” nanlalaki ang mga mata na sabi ni Amanda. Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang braso ng paslit. Napangiwi naman si Tj. Dahil sa biglaang ginawa ng kanyang ina ay nakaramdam siya ng takot. Nag-umpisa siyang humikbi. Napaawang ang bibig ni Elli sa kanyang nasaksihan. Kitang kita niya ang hilakbot sa mukha ng kanyang ina. “Mom! Stop it! You’re hurting him!” Tinigil ni Elli ang kanyang ginagawa at nilapitan ang dalawa. Agad niyang kinuha si Tj saka inalo ito. “Ano po ba ang nangyayari?” Bumuntong hininga si Amanda at napahilamos na lamang. Kinalma niya muna ang kanyang sarili saka muling hinarap ang kanyang mga anak. “I-I’m sorry,” bumuntong hininga siya. “Go, we don’t have time. H’wag na h’wag kayong lalabas dito.” Iginiya ni Amanda ang mga anak papasok sa closet. “Mommy.” Tumigil sa paglalakad si Elli. “Ano po ba ang nangyayari? You’re scaring us!” Hinarap niya ang kanyang ina. Ngayon lamang niya napansin ang itsura nito. Hindi pa ito nakakabihis ng damit nitong pantrabaho, gulo-gulo ang buhok nito at mababakas sa mukha ang matinding takot. “I-Is that a blood, mom?” Nanlaki ang mga mata ni Elli nang mapagtanto niya ang mantsang nasa kulay kremang slacks nito. “N-No. Come on, we don’t have time for this, Elli.” Muling huminga ng malalim si Amand at hinawakan sa balikat ang anak. Sampung taong gulang pa lamang ito ngunit hanggang dibdib na niya ito. “From now on, while mom and dad are not here. You will take care of your two brothers’, okay?” “Ha?” Lalong nakaramdam ng pagkalito si Elli. “Why? Saan kayo pupunta ni Dad? Nasaan po ba siya?” “Basta, wait for us anak. I will just get your father from the police station then we will come back, okay?” Her husband is a policeman and stationed in the city. Kanina pa niya ito kinokontak ngunit hindi niya ito matawagan kaya ganoon na lamang ang kanyang pag-aalala. Elli looks at her mother’s eyes before nodding. Ang daming tanong ang pumapasok sa kanyang isipan ngunit hindi niya magawang itanong. “Listen.” Tiningnan ni Amanda ang tatlo niyang mga anak. “You three will not go out from this closet, okay? No matter what you hear, or you see. You will not. You must not go out unless it’s us or a real person.” Lalong nangunot ang noo ni Elli. “R-Real person?” nagtataka niyang tanong. Nakaramdam na siya ng kaba dahil sa tono ng boses nito. Magkahalong pangamba at pananakot ang pagkakasabi nito. Nag-aalalang tumango si Amanda. Umupo siya para makapantay niya ang dalawa niyang anak na mataman lamang na nakatingin sa kanya. “Hey, El and Tj. Remember, behave, okay? You will listen to your ate. Don’t make any noises while you’re inside. Always listen to your ate okay?” bilin niya sa mga ito. Ngumiti ng matamis si Tj. Niyakap niya ang kanyang ina ng mahigpit. “Yes, mom! I will, basta don’t forget my monster truck!” Ang mga ngiti ang nagpapakita na wala itong kamalay-malay sa nangyayari sa mundo. Parang dinurog ang puso ni Amanda dahil doon. Hindi naniya napigilan pa ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Ngunit bago pa man iyon makita ng kanyang mga anak ay mabilis niya iyong pinunasan. “H-Hindi po ba ko pwedeng sumama, mommy? I’m scared,” malungkot na sabi ni El habang nakatungo.   Kinuha rin ito ni Amanda at niyakap ng mahigpit. Tinapik-tapik niya ang likod ng dalawa habang pinipigilan ang mga luha. “No, El.” Gumaralgal ang kanyang boses. “You will be safer here.” Sandali niya pang niyakap ang kanyang mga anak na bago kumalas sa mga ito. Iginiya na niya ang mga ito papasok sa closet. Pagkatapos ay inilapag niya sa gilid ang hiking bag ng kanyang asawa. “M-Mom. At least tell me what is going on,” pakiusap ni Elli. Maging siya ay nakararamdam na ng pag-aalala dahil sa ikinikilos ng kanyang ina. Bumuntong hininga lang si Aman. Tinitigan niya ng puno ng pag-aalala ang kanyang panganay. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin sa mga ito nang hingi ito natatakot. Pinilit niyang ngumiti. “Before I forgot…” ani Amanda. “Wait for me here.” Muli siyang lumabas ng silid. Ilang sandali siyang nawala sa silid at noong makabalik siya ay mayroon na siyang dalang handgun at isang box ng bala nito. Nanlaki ang mga mata ni Elli nang makita ang dala ng ina. “M-Mom?” nalilitong tanong ni Elli at pinagpalit-palit ang tingin sa baril at sa kanyang ina. Labag man sa loob ay pilit na ngumiti si Amanda habang inaabot ang baril kay Elli. “I know, Elli. I knew that he is teaching you,” paliwanag niya. Hindi niya gustong humahawak ng baril ang kanyang anak dahil delikado iyon para sa kanya. Ngunit kagaya ng daddy nito, nakahiligan din nito ang paggamit ng baril. Kaya naman ay palihim itong nag-e-ensayo. “You… you what?” hindi makapaniwalang tanong ni Elli sa ina. Ni sa hinagap ay hindi niya inakala na aabutan siya nito ng baril. “Hindi mo naman nakalimutan ang mga turo sa ‘yo ng daddy, ‘di ba?” “Of course, I don’t!” Napalitan ng excitement ang kanyang pag-aalala. Agad niyang kinuha ang baril na nasa kamay ng kanyang ina. Matagal na niyang hinihiling na magkaroon ng baril ngunit ayaw siya nitong bilhan. Bukod sa bawal pa raw siya magkaroon ay ayaw lang talaga nito na matuto siya. “Wow, Ate Elli! Is that real?” manghang tanong ni El. Namimilog pa ang mga mata nito habang nakatunghay sa baril na hawak ni Elli. “Now, don’t forget what I told you okay? I must go. I don’t have time anymore,” paalam ni Amanda. Muling bumalik ang tensyon sa kanyang hitsura. Unti-unting nawala ang mga ngiti ni Elli. “Something wrong is happening right?” malungkot na tanong ni Elli. “Just listen to me. Don’t go out in this closet unless you see us as a real person and if you see a real human being. Don’t make any noise and don’t let them bite you if ever they get through here.” “W-Who? Real person?” Biglang binundol ng kaba si Elli. Lalo siyang nalito dahil sa mga tinuran nito. “I’ll be back.” Hindi na nakasagot pa si Elli dahil kinuna na ni Amanda ang mga damit niyang naka-hanger at ipinasok muli sa closet. Kaya naman ay napaupo na silang tatlo sa sahig ng closet. Nang matapos agawin iyon ni Amanda ay inabutan niya ang kanyang mga anak ng kumot at unan. Inayos niya muna ang pagkakahiga ng dalawa niyang anak pagkatapos ay hinalikan niya ang mga ito sa noo. “Take care of your brother’s, okay?” bilin ni Amanda kay Elli noong matapat na siya rito. Niyakap niya ito ng mahigpit at ginawaran ng mariin na halik sa ulo. Gumanti naman ng mahigpit na yakap si Elli. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay ayaw niyang paalisin ang ina. “Take care too, mom. Please come back soon.” Kumalas na si Amanda sa pagkakayakap kay Elli. Sandali niya pa munang pinagmasdan ang mga anak saka tumayo at isinara ang pinto ng closet. Pagkatapos ay narinig na lamang ng tatlong magkakapatid ang mga yabag nito papalayo. “Ate, what will happen to us?” tanong ni El habang nakatingin sa laylayin ng mga damit ni Elli. “I’m scared ate,” segunda naman ni Tj. Bumuntong hininga si Elli. Sa kanyang murang edad ay hindi niya rin alam kung ano ang kanyang mararamdaman dahil sa kanilang sitwasyon ngayon. Pakiramdam niya ay mayroong hindi magandang pangyayari ang magaganap sa kanila. Magkaganoon pa man ay hindi niya dapat ito ipakita sa kanyang mga kapatid. “Ssshh… everything will be alright, okay? Just remember what mommy says,” sabi niya at inayos ang pagkakakumot sa dalawa. Kasya pa naman siya sa mga tabi nito ngunit mas pinili niyang maupo dahil na sa pag-iisip kung ano ang nangyayari. “Hindi ko na isama ang toy car ko, Ate,” reklamo ni Tj. “I will take it later. Now sleep,” utos niya sa mga ito. Bahagya niyang tinapik-tapik ang tagiliran ni Tj upang makatulog ulit ito. Sa kanyang hinuha ay hatinggabi pa lamang. Wala pang dalawang oras ang kanyang itinulog dahil sa kanyang binabasa kagabi sa internet. Bigla siyang natigilan noong ma-aalala niya iyon. ‘Hindi kaya?’ Napamaang si Elli nang maisip niya ang dahilan ng kanyang pagkapuyat. Habang nagi-iscroll kasi siya sa newsfeed sa isa niyang social media ay may nabasa siyang article. Kasalukuyan daw’ng may nagaganap na pag-atake sa iba’t ibang bansa. And the attacker? Zombies. Magkahalong excitement at takot ang naramdaman ni Elli nang mabasa niya iyon. Matagal na siyang fan ng mga ito at kahit na sampung taon pa lamang siya ay marami na siyang napanood na mga movies at series na tungkol doon. Marami na rin siyang mga video games na nalaro na ang genre ay zombies’ din. ‘Pero imposible,’ aniya sa kanyang isipan. Imposibleng magkaroon ng zombies dahil lahat sila ay sa palabas at laro niya lang nakikita. Dahil ang mga zombies ay mga taong namatay na at muling nabuhay, wala pang nangyayaring ganoon. At isa pa, kahit mabuhay muli ang mga ito ay hindi na ito mga tao. Kaya imposibleng magkaroon ng zombie sa panahong ito. Nang masiguro niyang tulog na ang kanyang mga kapatid ay dahan-dahan siyang lumabas mula sa closet. Hawak niya ang handgun na ibinigay ng kanyang ina. Katahimikan, ‘yan ang namamayani sa kapaligiran. Kahit noong hinawi niya ang kurtinang tumatabing sa bintana niya ay ganoon din. Nagbibigay iyon ng matinding kilabot kay Elli. Idagdag pa ang malamig na klima dahil sa madaling araw pa lamang. Madilim pa ang paligid nang sumilip siya sa labas. Walang ibang nakita si Elli kundi ang mga madidilim na bahay ng kanyang mga kapitbahay at ang mga kotseng nasa tapat ng mga bahay nito. Hindi uso sa kanilang tinitirahan ang mga gate dahil sila ay nakatira sa isang exclusive subdivision. Bumuntong hininga siya. “I hope you get back soon with dad, mom,” nag-aalalang sabi niya. Nang makaramdam na siya muli ng matinding antok ay nagdesisyon na siyang bumalik sa loob ng closet. Ngunit hindi pa man siya nakaaatras ay mayroon siyang nakitang gumagalas sad ulo ng kanilang block. Nasa bandang gitna ang kanilang bahay kaya medyo malayo sa kanyang paningin ang kanyang tinitingnan. Noong mapagtanto na niya ang kanyang pinagmamasdan ay napakunot ang kanyang noo. Isang pulang kotse. Para bang wala sa huwisyo ang nagpapatakbo ng pulang kotseng umaandar. Mabilis at pagewan-gewang kasi iyon at wala sa direksyon ang pag-andar. Nababangga nito ang mga nakaparadang mga sasakyan sa kanilang block. Dahil sa ingay na nililikha n’yon ay unti-unti nang nagsibukas ang mga ilaw ng kanyang kapit-bahay. Napasapo sa bibig si Elli nang malakas na bumangga ang pulang kotse sa isang minivan na nakaparada sa tapat ng kapitbahay nila. Ikatlong bahay lamang ang layo n’yon mula sa kanila kaya kitang kita niya ang malakas pagbangga niyon. Dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga ay tumilapon sa may pinto ng bahay ang minivan. Unti-unti nang naglabasan ang mga kapitbahay niya upang makiusyoso. Yung iba ay nakasilip lamang sa bintana nila at yung iba naman ay lumabas sa may pinto nila. Ang iba naman ay lumapit sa kotseng bumangga. Ang pamilya naman ng may-ari ng bahay na nabangga gulat pang sumilip mula sa kanilang taas. Mabilis na bumaba ang padre de pamilya nila at sinipat ang nangyari. Sinilip nito ang kalagayan ng nagmamaneho ng pulang kotse. Ngunit bigla itong napaupo nang mayroong dumamba rito. Huling narinig ni Elli ay ang malakas na sigaw ng lalaki.     © 02-22  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

IN BETWEEN (SPG)

read
269.0K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
315.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

NINONG II

read
619.1K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
455.0K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.2K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook