bc

Owned By A Ruthless Mafia Boss

book_age18+
3.3K
FOLLOW
21.6K
READ
dark
one-night stand
HE
powerful
mafia
bxg
abuse
enimies to lovers
affair
like
intro-logo
Blurb

Simula pa lang, pag-mamay ari na siya ng isang mabagsik na mafia. Kahit ilang beses pang mawala si Yvo. Piplitin niyang bumalik sa babaeng matagal niya ng pag mamay-ari. Paano kung magbago ang lahat?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Yvo 10 years past. Tinubos ni Yvo ang batang babaeng bihag ng mga sindikato sa underground kung saan doon may ginanap na laban. Mga iba't-ibang uri ng mga organisasyon ang nag-aagawan sa premyo dahil hindi basta-basta lang ang batang babae na ubod ng yaman at napakaganda pa nito. Hindi nagdalawang isip si Yvo na bilhin siya sa nagkakahalagang isang-daang milyon. Ngunit nasa puso pa din niya ang kabutihan kaya ibinalik niya ang batang babae sa tunay na pamilya niya. Pero hindi siya papayag na walang makuhang kapalit mula sa kanila. Ang ariin niya si Aliyah Faith Morison na siya ang babaeng itinakda para maging asawa niya sa pagtungtong nito sa edad na 18. .................... -Anya- Ako si Aliyah Faith Morison. Nag-iisang anak at tagapagmana ng lahat ng mga ari-arian ng mga Morison clan. Kinse anyos pa lamang ako noon, nagkasakit ang aking ama at idinala siya ng aking ina-inahan sa ibang bansa para maipagamot ang aking amang may sakit. Si butler James ang tanging nagbabantay sa akin at kasa-kasama sa tuwing ako'y aalis. Ito ang nais ng aking ama para sa aking sekuridad. Wala sa isip ko ang ganito dahil gusto kong mamuhay ng simple lamang. Wala akong ideya sa mga ganitong bagay. Nakafocus lamang ako palagi sa aking pag-aaral at hangad ko ang makapagtapos ng pag-aaral dahil gusto kong marating kung ano ang narating din ng aking ama. Nakakalungkot isipin, maaga akong naulila sa aking ina. Napakalungkot ng aking buhay ngayon lalo na't may sakit ang aking ama na siya na lang ang tangi kong inaasahang pamilya na gagabay sa akin na sana ay gumaling na ito sa kan'yang dinaramdam na sakit. Napakabata pa niya para kunin din siya sa akin. Ayaw kong mag-isip ng hindi maganda sa kan'ya pero ang Doctor na mismo ang nagsabi sa akin na may taning na siya sa kan'yang buhay na hindi ko iyon matanggap. Paalis pa lamang kami ni Butler James nang may isang sasakyang huminto. Inantay na muna namin kung sino ang sakay roon sa humintong sasakyan. Natuwa ako nang makita ko si tita Nelly at ang aking step sister na si Rhea. Bumaba ako para salubungin silang dalawa at napababa na din ang aking Butler para samahan ako. Nakangiting sinalubong ko sila para kamustahin. Pero isang matalim ng mga mata nila ang sumalubong sa akin. "Saan ka pupunta?" matapang na sabi ni tita. Bahagyang lumapit sa akin si Butler James. "Papasok na po ako sa school tita," kinakabahan na sagot ko. "Anong mapapala mo diyan sa kakaaral mo kung puro ka lakwatsa sa eskwelahan niyo? Mas mabuti pang itigil mo na lang mag-aral kaysa gumastos ka pa ng malaki. Ang mahal mahal ng tuition fee mo na dapat doon nag-aaral ang aking anak at hindi ikaw dahil nag-aaksaya ka lang ng pera. Malaking pera na ang nagastos ko sa pagpapagamot sa ama mo. Wala na ba kayong kapera pera para ako ang gumastos sa lahat? Maygad!" naiinis na sabi nito at mabilis na pumasok sila sa loob ng aming mansion. Simangot na napatingin ako kay Butler James dahil sa kahihiyan na sinabi ni tita pero nginitian niya lang ako. "Huwag kang mag-alala Faith, hindi lahat ng mga sinabi sayo ni Nelly ay totoo. Kilala mo naman ang ama mo diba?" sabay tapik nito sa aking balikat. Inaya na ko ni Butler na pumasok sa loob ng sasakyan at nasa mukha ko pa din ang lungkot dahil inaalala ko ang aking ama na kasalukuyang nagpapagamot sa ibang bansa. Sana, may pag-asa pa siyang mabuhay dahil hindi ko kayang mamuhay ng mag-isa na wala siya. Natatakot ako sa possibleng mangyari sa akin dahil isa lamang akong mahinang babae. Narating na namin ang pribadong eskwelahan na may mataas na martikula na umaabot sa halagang isang milyon sa buong taon na binabayaran ng aking ama. Dito gusto mag-aral ni Rhea pero nasaan na ang perang inaabot ni daddy noon sa kanila na halos palagi naman siyang nabibigyan ng pera ni daddy. Ang perang pinanggagamot ni daddy sa ibang bansa ay galing naman lahat sa kan'ya. Gusto ko sana siya bisitahin sa ibang bansa pero wala akong ideya sa mga ganitong bagay kung paano makakarating sa ibang bansa. Wala akong kaalam-alam sa pag-aasikaso ng mga papel. Basta ako ay puro aral lang ang alam kong gawin. Naupo ako sa sarili kong upuan at nagmukmok. Nakapalumbaba ako at iniisip ang aking ama kung kamusta na ang kan'yang kalagayan ngayon. Dalawang buwan ko na itong hindi nakikita kaya kung may pagkakataon ay dadalawin ko siya. Wala ako sa sariling pag-iisip ngayon dahil lumilipad ang isip ko ngayon. Saktong tinawag ako ng aking guro sa aking pangalan nang mag-umpisa ang unang klase namin. Hindi ako makapagcontrate. Wala akong maisagot sa kan'ya dahil hindi ko naman naintindihan kung ano ang kan'yang unang tanong. Natulala na lamang ako sa buong klase. Nakaramdam tuloy ako ng kahihiyan sa aking sarili. Pinaupo ako agad ng guro na hindi ko nasagot ang kan'yang tanong. Nag-umpisa na siya magdiscuss. Lutang pa rin ang aking isip. Hindi ko alam kung bakit ganito ang aking nararamdman sa ngayon. Bakit kaya? Anong nangyayari sa akin. Bigla akong kinabahan nang maalala ko ang aking ama. Nakita ko si Butler James sa may pinto. Nakatayo siya doon. Pumasok siya at nagbigay galang sa guro namin. Palagay ko ay nakikiusap ito. Tumingin sa akin ang guro. Tinawag niya ko sa pangalan ko. Pinatayo niya ko sa hindi ko malaman ang dahilan. Kinakabahang lumapit ako dahil iba ang tingin ni Butler sa akin. "Pwede ka na umuwe ngayon Faith. Sige na at ako na ang bahala sa ibang guro mo at ako na ang magsasabi sa kanila na isang linggo ka excuse sa aming klase," sabi nito. Bakit kaya isang linggo? Anong meron? Maayos na nagpaalam ako sa aking guro. Kinakabahan naman ako sa paninitig ni Butler sa akin kanina habang nagpapaalam sa aking guro. "James!" tawag ko na kinalingon nito sa akin. "Ano ang meron at bakit isang linggo na hindi ako papasok?" takang tanong ko. Malapit pa naman ang graduation namin at dalawang buwan na lang ang gugulin ko sa pag-aaral. "Malalaman mo din Faith kapag naroon na tayo," seryosong sagot nito. Hindi ko alam kung saan kami patungo ngayon basta tahimik lang ako na nakasakay rito sa loob ng sasakyan. Mga tatlong oras na din kami sa pagbibiyahe na walang imikan na nagaganap. Kalaunan, huminto ang sasakyan. Narating na namin ang lugar na hindi pamilyar sa akin. Naunang bumaba si Butler at sumunod ako. Kunot-noong napatingin ako sa isang simpleng bahay. "Anong meron dito James?" Takang tanong ko. "Sumunod ka sa akin at naroon sa loob ang kasagutan," nakangiting sabi nito. Sumunod na lang ako sa kan'ya pagkapasok namin sa loob ng bahay. Kinakabahan ako at nilukob ng matinding takot ang buo kong katawan na may kasamang panginginig. Hindi ko naman mahulaan kung ano ang narito at walang ideya kung sino ang narito sa pinasukan naming bahay. Umakyat kaming pareho. Kaytahimik ni butler. Bakit kaya? Nakakatakot naman parang ayaw ko ng sumunod sa kan'ya. Pero paano ko malalaman ang dahilan kung bakit kami narito. Mabait naman si Butler James kaya nawala ng konting kaba ang nararamdaman ko ngayon. Kinatok ni Butler James ang pintuan nang sabay kaming huminto sa tapat nito. Maya't-maya'y bumukas ang pinto. Isang babaeng nakasuot pang nurse ang bumungad sa pintuan. "Pasok po kayo," nakangiting sabi nito kasabay ng pagluwag niya ng pinto. Pumasok kaming dalawa ni butler sa loob ng silid. Para akong nagulat at nanghina sa aking nakita. Si dad ba itong narito? Siya ba ang nakahiga sa puting kama na iyon? Bakit parang ang sakit na makita na siya nga? Hindi ako makapaniwala na sa ganitong kalagayan ko na lang siya makikita na parang dinudurog ang aking puso sa nakikita. "Dad!" mahinang napahagulhol ako at niyakap siya ng husto. "Anong nangyari at bakit kayo narito?" tanong ko na ang akala ko ay nasa ibang bansa ito nagpapagamot. "Iha, mamaya mo na siya kausapin dahil kakatulog lamang niya kani-kanina lang," sabi nito na ikinalingon ko kahit may luha pa sa aking mga mata. "Sino po kayo? Bakit narito ang aking ama? Hindi ba dapat na nasa ibang bansa siya na nagpapagamot?" takang tanong ko "Sumunod ka sa akin iha, pag-uusapan natin 'yan sa labas. Kailangan munang magpahinga ng iyong ama para may lakas siya mamaya na magsabi sa iyo," sabi nito. "Sige po," magalang na sagot ko. Humalik pa muna ako sa noo ng aking ama. Matagal ang halik kong iyon dahil sobrang namiss ko siya at nag-aalala din ako sa kan'yang kalagayan ngayon. Ang laki ng ibinagsak ng katawan niya. Mas lalo itong namayat hindi gaya noon. Naawa na ko sa kalagayan ng aking ama. Paano na ko? Paano ako mabubuhay na mag-isa? Hindi ko ito kaya lalo na't isa lamang akong mahinang babae na hindi marunong lumaban sa hamon ng buhay. Wala akong kakayahan para mabuhay na mag-isa. "Iha, hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. Hindi na kaya ng ama mo ang mabuhay pa. Kahit na gusto natin siyang maipagamot para gumaling, hindi na talaga kaya ng iyong ama ang kan'yang katawan dahil paralisido na ang kan'yang buong katawan at tanging isang kamay na lang niya ang naigagalaw nito. Ito ang kagustuhan ng iyong ama iha," sabay tulo ng kan'yang luha sa kan'yang mga mata. "Ibinilin niya ito sa akin kaya inuwe na namin siya dito. Ayaw niyang makita mo siya na hindi na ito humihinga. Gusto niya, kahit sa huling sandali man lang ng kan'yang buhay ay makita mo siya at mayakap mo siya ng mahigpit." Napaluha ako ng husto sa aking mga narinig. Sobrang sakit sa aking dibdib na parang dinudurog ng paulit ulit ang aking puso. Nakakaawa ang kalagayan ng aking ama at wala na talagang pag-asa na mabubuhay pa ito kahit ayaw ko man iyon isipin dahil gusto ko pa siyang mabuhay at makasama. Naghihikahos na pumarito si James na may namuong pawis sa kan'yang noo na hindi ko malaman kung bakit siya nandirito. Hindi pa kami tapos na mag-usap ng abogado ni daddy. "Faith, gising na ang iyong ama at hinahanap ka niya," mahinahong sabi nito. Nagkatinginan pa kami ni Atty. Sanchez at sabay na napatayo sa aming mga upuan. Dali-dali kaming nagtungo sa loob ng silid at nagagalak akong makita na gising na nga siya. "Dad," masayang sabi ko kasabay iyon ng pagyakap ko at paghagulhol. Naramdaman ko na lang na may humaplos sa aking likuran. Banayad ang mga haplos niya dahil halatang nanghihina na ang aking ama. "Faith anak," naghihinang sabi nito. Napatingin ako sa kan'yang nanghihinang mukha. Tipid na ngumiti ito at mababakas sa kan'yang mukha na nahihirapan ito. "Ano po 'yon dad?" maluha luha kong sabi. Pilit na inabot ni ama ang kan'yang isang palad. Kinuha ko iyon at inilagay ito sa aking pisngi. Marahan niyang hinaplos iyon. Napapikit ako at dinama ang malamig niyang palad. Oo, ramdam ko iyon na malamig at tila namamaalam na si ama sa akin. "Kapag wala na ko anak. Humayo ka sa malayong lugar kung saan hindi ka makikita ng iyong ina-inahan. Mahal na mahal kita anak," sabi nito na unti-unti ang pagbitaw ng kan'yang kamay sa aking pisngi. Dito na nagtatapos ang buhay ng aking ama. Tuluyan na niya kong iniwan. Ang nag-iisang inaasahan ko ay kinuha na din sa akin. Sobrang sakit sa puso ko na hindi ko matanggap na nawalan ako ng ama at ina.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook