bc

SECRETLY CHAINED TO YOU (FREE SPG)

book_age18+
640
FOLLOW
4.9K
READ
billionaire
dark
HE
opposites attract
badboy
heir/heiress
bxg
tricky
like
intro-logo
Blurb

Niluluhuran, kinahuhumalingan, pinagpapantasyahan. She's every man's dream, every girl's wannabe. She's the success upon every girl's failure for she raise the flags of feminism.

Pero lingid sa kaalaman ng lahat na minsang dumaan si Charm sa pinakamadilim na parte ng buhay niya. Muntik na siyang mapatay ng sariling step father dahil sa mala-demonyo nitong kaisipan. Lulong ito sa droga at walang marangal na trabaho pero minahal at tinanggap pa rin ito ng kanyang ina. At sa kabila ng kabutihang ipakita nito ay kahayupan pa rin ang isinukli nito sa kanilang mag-ina.

But they say life should focus on the future rather than the past. Kaya dahil sa pagsusumikap ay muli niyang naiahon ang sarili. Gumawa siya ng pangalan sa iba't ibang panig ng mundo bilang isang sikat at hinahangaang modelong nangangalang, Charm Fierro.

PERFECTION — ang salitang ito ang pilit itinatatak ng isang Primo Rivera sa kaniyang puso't isipan.

He's an elite, a billionaire since birth and he's one of the most promising and admired bachelor of the Rivera clan. Primo is a man of few words but still he was able to conquer the world with his steel heart.

They say he don't have a heart. He loves dominating, penetrating and cussing. But more than that, he believe that his knowledge and wealth brought him to the life he deserves.

Sa tingin nito lahat ng nangyayari sa buhay ng isang tao ay bunga ng mga kapalpakan nito sa buhay. And if you want a good life, you must undo your past.

Later on, they found themselves trapped in a wedding engagement because of a life-threatening bet.

What will Charm do now that she's SECRETLY CHAINED to a heartless man like Primo?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 : The Princess and The Heartless
[Charm's POV] 'If this is what if feels like to be someone's goddess, then I wouldn't dream of being a queen,' I told myself habang hawak sa isang bouquet ng fresh red roses na may kasama pang isang box ng mamahaling imported chocolates. Hindi ko napigilan ang huwag mapangiti, marunong din pa lang magpadala ng ganito ang taong 'yon. Akala ko pa naman hanggang baril at yabang na lang siya, puro pera at wala ng natirang kahit konting sweetness sa katawan. Simula kasi sa araw na ito, ako na ang girlfriend ni Primo Rivera. Uhm, to be honest. It's just a fake relationship. Sino ba namang mai-inlove sa isang lalaking walang puso, 'di ba? Minabuti kong basahin ang note na nakaipit sa mga bulaklak. "Dress well. You owe me big time. Remember our deal." Hindi ko napigilan ang huwag mapangiwi sa aking nabasa. My goodness! He's the most arrogant person I've ever known. Pagkatapos niya akong iligtas sa grupo ng mga kalalakihang gusto ako pagsamantalahan, he made a deal bilang kabayaran sa utang na loob ko sa kanya. Akala ko nga simple date or autograph lang ang gusto niyang kabayaran mula sa akin, pero kakaiba ang lalaking 'to. He asked me to be his fake girlfriend. Hindi ko rin kasi akalain na nagmula pala siya sa isang kilala at mayamang pamilya. In the end, I agreed to a deal that could either make or break me. Aside from that, he wanted me to make an impossible deed with a perfect but heartless man like him. Gusto niyang gawin ko siyang simple at imperfect sa tingin ng mga Rivera. Which is alam naman nitong mahirap o mas mabuti yatang sabihing impossibleng gawin. In exchange, I will regain my freedom. Matutuldukan na rin ang kaliwa't kanang issues and rumors na natanggap ko simula noong iniligtas niya ako. Pero kapag hindi ko naman nagawa ang gusto niya, sinabi nitong sisirain niya ang pangalang naipundar ko. He will rip my clothes and throw me like a garbage, iyan ang sabi niya to the point that no one will adore me because of what he discovered about my past. Yeah, he was able to do that in a short period of time, kahit ilang araw pa lang naman kaming magkakilala. It's a deal for him but sort of a blackmail for me. Tinatanong ko tuloy ang sarili ko ngayon. How can I make him imperfect and undesirable? Possible bang mangyari 'yon? Napatingin ako kay Primo and he is smiling haughtily at me. Nanayo tuloy lahat ng mga balahibo ko sa katawan. Nakakapangilabot! Kasalanan ko rin naman kung bakit because I chose to wear a backless revealing night gown tonight. Hindi ko kasi inaasahang wala man lang kahit konting gentleness sa katawan ang lalaking ito. Hindi siya katulad ng iba na bibigyan ka ng suit kapag nilalamig ka. He's not a goddamn gentleman at all! Titigan ka lang ng lalaking ito hanggang sa manigas ka na parang yelo. Oo, inaamin kong gwapo si Primo. Itim at pinaghalong berde ang mga mata niya na kung titingnan mo sa malayo ay para siyang nakasout ng contact lens. Matangos ang ilong niya at mahahaba ang mga pilikmata. He was blessed with Greek god-like jaws, katamtaman lang ang puti ng kutis niya. He's not tan, slight lang. At yung labi niya, mamula-mula. His hair goes along with the bridge of his nose at kahit walang suklay bagay pa rin sa kaniya. It's on the way North and he looks so hot with it. Lalo na ngayon that he's wearing a gray suit. Damn appearance! Sobrang gwapo niya just like in his pictures on the internet when I did a background check on him! I admit it, I almost spent half of my day searching about him. His background, his family, his position, past, on-cam and off-cam experiences and even his attitude. It sucks! Okay na sana lahat maliban sa attitude ng lalaking ito. At kung may choice lang ako, mas gusto ko pa ring iwasan ang tulad niya. Ayokong mahulog sa isang heartless na katulad ni Primo. Mapanganib ang tulad niya sa nanahimik kong puso! Mali rin kasi ang first impression ko sa kanya. I thought he was a sweet, caring and gentleman. A savior kumbaga! Pero para naman akong sinagasaan ng isang daang bus when I found out that he's a monster. Totoo talagang hindi nakabase sa appearance ang ugali ng isang lalaki, mas maganda pa ring kilalanin ang totoong siya. Para sa akin, mas okay pa 'yong Primo noong hindi pa siya nagsasalita, noong iniligtas niya ako without saying a word. Shits happened lang naman noong nag-umpisa nang bumuka ang bibig niya. But then I was tangled with him. At kailangan ko siyang tiisin. "This is my girlfriend, Charm Fierro." Bumalik ako sa katinuan. Nakita ko na naman na nakangisi sa akin si Primo habang nasa harapan namin ang ilang Chinese investors ng company nila. Ang kapal din talaga ng mukha niyang ipakilala akong girlfriend niya sa lahat. Sineryoso talaga ng hinayupak ang deal naming dalawa! Dalawang linggo pa lang ang nakakalipas magmula nang magkakilala kami pero kung magsalita akala mo matagal na kaming may relasyong dalawa. And believe me or not, ang unang week na 'yon ay puro orientation para sa mga dos and don'ts ng bet namin. He folded his arms across his broad chest while staring at me. Salubong pa ang mga kilay nya. Nakita ko namang mas lumapad ang ngiti ng mga instik sa amin, mas lalo tuloy akong kinilabutan. "Yes, I know her! My wife adores her so much. She bought plenty of magazines with Ms. Fierro on the cover," sabi ng isa sa kausapin namin. Tumango ang katabi nito. "She also a UN ambassador, right? You're a great example to many, Madam. Such a lovely lady!" Mabuti pa 'tong mga Chinese na'to kilala kung sino talaga ako. "Thank you so much for the praises," nakangiti kong sambit. I extended my hand for a handshake kaso biglang inagaw ni Primo. I secretly pursed my lips for his actions. Tama ba ang naiisip ko? Pinagdadamot ba ako ng lalaking 'to sa mga kausap niya? Bawal din pati friendly handshakes? "Sorry, gentlemen. Excuse us for a while." I know that tone. I think he's irritated. Oh, for heaven's sake! Palagi naman siyang galit. Hindi ko na tuloy malaman minsan kung galit ba siya o nakikipag-usap lang. I was about to hold his arm kaso naunahan niya ako. Napapikit na lang ako nang mariin sa kinatatayuan ko. My God! Wala talagang sino man ang mangangahas na bilhin ang ugali niya! May mali ba akong nagawa? Pakers talaga ng lalaking 'to! Nakakainis! "You're not allowed to touch anyone, except me. Don't you remember?" Sabi na nga ba, isa na naman sa mga OA rules niya. Ayaw niya raw kasing makarinig ng kahit anong balita about me flirting blah blah blah. Geez! Hindi na lang ako kumibo para hindi humaba ang usapan namin. I secretly clenched my fist, nanggigigil talaga ako sa kanya. Ilang minuto ring tumagal ang sermon niya bago kami bumalik at kung minamalas nga naman, mas malala pala ang sasapitin ko. Kanina pa ako hindi komportable sa pagkakaupo ko. Napapalibutan kasi ako ng mga lalaki—middle-aged men wearing expensive suits at may mga briefcase pangdala. At ito namang si Primo panay ang titig sa akin habang kausap sila, as if he's manipulating me! I could even sense his eyes scolding me to behave. Kanina pa nga ako naiihi rito pero nagpipigil ako. Paano ba naman? Sa tuwing mag a-attempt ako para tumayo, palagi niyang hinihila ang lace ng damit na suot ko. Plano pa yata akong hubaran ng hinayupak na lalaking 'to! Lihim na lang akong napaipit ng magkabilang legs ko. Pakiramdam ko tuloy anytime puputok na ang pantog ko, e. Sakto namang napalingon siya sa akin kaya kinalabit ko na, ako naman ngayon ang humila sa manggas ng suit niya. "Where's the restroom?" I whispered at him. Kumunot ang noo nito. "I don't fvcking know." What the hell! Alam kong pabalik-balik siya sa hotel na ito. Dapat alam niya kung nasaan ang restroom. Ayoko namang magkalat dito dahil alam kong walang balak ang lalaking 'tong kunan ako ng arinola. Kapag ako talaga naihi dito hindi lang sa akin mapupunta ang kahihiyan kung hindi sa aming dalawa. "May paa ka, 'di ba?" he asked arrogantly. "Oo," inis kong sagot. Shems! Naiihi na talaga ako. "Then walk and search by it yourself. Five minutes dapat nandito ka na. GI?" What the heck! Sh't talaga ang taong 'to! I want to kick his balls! Namimilipit akong naglakad palayo sa kaniya. Sinundan naman ako ng tingin ni Primo kaya mas binilisan ko pa ang lakad ko. Mabuti na lang talaga at may nakasalubong akong babae kaya nahanap ko din kaagad ang restroom. Sinigurado kong maayos ang hitsura ko paglabas ng restroom. 'Remember, Charm. You have to look good. You have to be calm. Hayaan mong ang lalaking 'yon ang ma-stress sa'yo.' Humugot ako ng malalim na hininga saka ko inalala kung ano na ako ngayon. I'm a supermodel, a peace keeper kaya dapat alam ko kung paano makisama sa iba't ibang tao. Mapa-halimaw man o walang puso na tulad ni Primo...kahit sabihin pang napaka-challenging nito. As I took few steps away from the rest room. May naapakan akong black shoe. "Sorry," mabilis kong saad. Mukhang bisexual ata kaya sa palikuran ng pambabae pa rin ang punta, malaki lang siguro ang paa niya. "It's been six minutes, Charm Fierro." Gumuho ang mundo ko nang marinig ang nakakairita niyang boses. Para siyang kabuteng basta-basta na lang sumusulpot kahit saan. Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit ka nandito?" He chuckled a bit. "I just thought you got flush." Napatingala ako sa kaniya. "Flush mo mukha mo! Alam mo naman pala kung nasaan ang restroom!" Kung hindi lang kasalanan ang sarap patayin ng unggoy na 'to. Nasa kalagitnaan pa rin ako ng pagbubulyaw sa kanya when he lean down and suddenly kiss my right cheek. Mabilis na umurong ang dila ko sa ginawa ni Primo. "Stop making a scene and look at the back, Honey." Puno ng pagtataka akong tumingin sa kaniya. He just pointed his finger silently, mabilis naman akong napatingin sa direksyon itinuro nito. Ilang beses akong napapikit sa nakita ko, para kasi akong nasilaw ng kaliwa't kanang ilaw mula sa mga camera. Bakit may media sa likod naming dalawa? Big deal ba sa kanila ang pagsundo sa akin ng unggoy na ito sa restroom? Damn it! "If you want to live wrap your hands around me," he commanded.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.0K
bc

The Sex Web

read
132.1K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
37.2K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.1K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.0K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.5K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
34.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook