bc

The Mafia's Forgotten Wife-Agent Ysa

book_age18+
3.8K
FOLLOW
25.4K
READ
spy/agent
escape while being pregnant
fated
goodgirl
drama
bxg
city
rejected
model
like
intro-logo
Blurb

(HINDI PO AKO PERPEKTONG MANUNULAT KAYA ASAHAN NIYO PO ANG MGA TYPO ERROR AT MGA GRAMMATICAL ERROR NA MABABASA NIYO SA BAWAT CHAPTER)? Kung nais niyo pa rin na mabasa ito. MARAMING SALAMAT SA INYONG SUPORTA?

Warning: Super SPG, 18+ MATURE CONTENT... NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS.

Isang malaking dagok ang dumating sa buhay ni Ysabelle nang sabay na nawala sa kan'ya ang asawa't anak nito.

Paano niya pa maipagpapatuloy ang kan'yang buhay kung siya'y nag iisa na lamang? Pero hindi iyon ang dahilan upang itigil niya ito. Naging positibo siya sa kan'yang pananaw na mahahnap pa niya ang kan'yang anak at iyon na lang ang kan'yang pag asa para mabuhay.

After 3years, nabalitaan niyang buhay pa ang asawa nito. Pero sa kasamaang palad ay tanging si Ysabelle lang ang hindi maalala ni Davis at iba ang kinikilalalang asawa kundi si Safhira.

Kailangan pa bang makipagkompetensiya ni Ysabelle kay Safhira para lang maalala at mahalin siya ulit ng kan'yang asawa o tuluyan na lang siya bibitaw dahil ni minsan ay hindi na siya kayang mahalin nito at humantong pa sa pakikipaghiwalayan ang dalawa. Ito na ba ang magiging katapusan ng kanilang pagsasama? At sino ba si Safhira sa tunay na pagkatao nito?

chap-preview
Free preview
Prologue
Alam niyo naman po sa PROLOGUE pa lang ay napakasakit na. Kung handa kang masaktan sa bawat chapter na ito, matapang ka. Pero kung mahina ka at ayaw mong nasasaktan ka sa bawat chapter na magaganap. Huwag mo na lang ituloy na basahin 'to. (PS. MAY HAPPY ENDING NAMAN PO Ito. Wait 'till the end of the story) PS.. BASAHIN MUNA ANG BOOK 1 PARA SA MGA BAGONG READERS. Kasi hindi niyo mauunawaan ang takbo ng kuwento kung sa book 2 kayo mag-uumpisa. Thanks ...................... Prologue "Nasa conference room na ba ang lahat?" Tanong ni Ysa na nagpipigil na sa galit sa kan'yang asawang si Davis. "Yes Ma'am! Narito na po silang lahat maliban na lang po kay sir Davis dahil naroon pa po si Safhira sa loob ng kan'yang opisina." Sagot ng secretarya ni Davis mula sa kabilang linya. "Papuntahin mo na siya roon dahil narito na ko sa tapat ng building niya." Pinatay ko na agad ang tawag saka inayos ang aking sarili. Hawak ko na ang annulment paper na inabot sa akin ni Davis na may isang buwan na ang nakalipas at tanging pirma ko na lang ang inaantay nito. I'm wearing a black suit long sleve na hanggang tuhod ang haba na may chain belt sa aking bewang. Naka shade din ako para matakpan ang namumugto kong mga mata. "Handa ka na ba talaga Ysa?" Pag aalalang tanong ni Martin nang malapit na kami sa conference room ng aking asawa. "Pwede ka pang umurong at huwag kang padalos dalos sa ginagawa mo," alalang sabi nito. "Hindi ko na kayang makipag-kompetensiya pa kay Safhira, Martin." Malungkot kong sabi. Napasinghap ako ng malalim saka iniisip ang masasakit na salita galing pa sa asawa ko na kahit makaalala man ito ay hindi na niya ko magawang mahalin pa dahil mas higit pa niyang mahal si Safhira kaysa sa akin. "Ginawa ko na ang lahat Martin at pati paghalik sa kanyang dalawang paa ay ginawa ko. Ibinaba ko ang pride ko dahil iniisip kong wala lang itong maalala pero lahat ng iyon ay wala lang sa kan'ya. Ginawa ko na ang lahat d-dahil mahal ko siya pero lahat ng 'yon ay binasura lang niya," nanggigigil kong sabi. Napahawak sa kaliwang balikat ko si Martin. "Okay! kung ano ang makakabuti sayo at alam mo kung ano ang tama, narito lang ako Ysa at hindi kita pababayaan," pang aalo niya sa 'kin. "Salamat Martin!" at tipid akong ngumiti sa kan'ya. Alam ko sa sarili ko na mas lamang si Safhira kaysa sa akin dahil mas matagal niyang nakasama ang asawa ko na ako ay wala pang isang taon ay bigla na lang nawala na parang bula sa hindi malaman kung patay o buhay pa ito. Masakit man sa akin na dito magtatapos ang pagsasama naming dalawa na halos siya na ang pinangarap kong makasama hanggang sa pagtanda pero hindi na 'yon mangyayari dahil may isang babaeng nagpapatibok na ng kan'yang puso at iyon ay si Safhira. Tumunog ang aking cp na kanina pa nagriring at agad ko itong sinagot. Pinatay ko din agad ng malaman kong naroon na si Davis, Safhira at ang kan'yang Attorney. Nasa tapat na ko ng pintuan at walang pag aaksaya ng pumasok ako agad kasama si Martin. Naroon na lahat ng mga inimbita ko pa. Dinig kong nagagalit pa si Davis kasabay nun ang paghinto ng maramdaman ang pagdating ko. Kita ng gilid ng aking mata na patungo ang aking asawa sa pwesto ko. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking braso. Hindi ko na maramdaman ang higpit ng pagkakahawak nito dahil sa manhid na ang buo kong katawan sa ginagawang pananakit nito sa akin. "Davis bitawan mo siya!" pag awat ng kan'yang kuya. "Huwag kang mangialam dito kuya dahil problema naming dalawa ito," madiin nitong sabi. "Maraming mga tao dito Davis at konting respeto naman para sa asawa mo," pagdidiing sabi ng kuya nito. "Respeto ba kamo kuya? A w***e b***h like this infront of us," galit niyang sabi. Napailing na lang ako sa pinaparatang nito sa akin. Nakatikim ng suntok si Davis mula kay Martin kaya nabitawan niya ko agad. Nagsitayuan ang lahat ng mga taong narito sa loob ng coference room nang muntik ng mapasubsob si Davis sa upuan nang hampasin siya ng malakas na suntok na tumama sa kanyang panga. Pumutok ang kan'yang labi kaya dumura pa ito na may kasamang dugo. Ngumisi si Davis at masama niyang tinignan si Martin habang awat awat siya ng kan'yang kuya. "Tama na Davis please," pag aawat naman ni Safhira sa kan'ya habang hawak hawak nito ang braso ng aking asawa. Nagsukatan muna ng tinginan ang dalawa bago pa man niya sundin ang sinabi ni Safhira sa kan'ya. Uminit ang buo kong katawan ng makita kong madali lang napapapawi ni Safhira ang galit ng aking asawa. Pinahid ko ang konting luhang pumatak sa aking pisngi. Parang gusto ko ng magpalamon sa lupa dahil sa selos ng aking nararamdaman. "Attorney lets start this at ayaw ko ng patagalin pa ito." Malamig kong sabi sa kan'ya at naupo sa katabing upuan nito. Nasa tabi ko din naupo si Martin at nasa kabilang tapat namin sina Safhira at Davis. Ang tatlong kaibigan ni Davis at ang kuya niya ay magkakatabi din sila ng upuan. Inilabas ko na sa folder ang isang papel na naglalaman ng annulment paper na may pirma na ng aking asawa at ang pirma ko na lang ang inaantay para mapawalang bisa ang kasal naming dalawa. Matalim na nakatingin sa akin ang aking asawa nang makita niyang wala pa akong pirma doon. "Why don't you sign that annulment paper?" Diretsahang tanong nito sa akin. Naglaban ang aming mga mata habang hawak ni Safhira ang kaliwang braso ng aking asawa. "Pipirmahan ko lang ito kapag nagawa mo na ang pinapagawa ko sayo. Magiging malaya na kayong dalawa ni Safhira kapag nagawa mo ang hinihiling ko." Kumunot ang kan'yang noo. "Okay, say it," madiing sabi niya. Inilabas ko ang baril sa aking belt gun holder sa kaliwa kong hita saka pinadaosdos sa mesa patungo sa kan'ya. Matalim niya kong tinignan at habang ang ibang taong narito ay tahimik na nanonood sa eksenang ipapagawa ko sa asawa ko. "Kung tunay ka ngang isang lalaki, barilin mo ko Davis. Kahit saang parte ng katawan ko kung saan mo gustong iputok. Hindi ko pagsisihan na ginawa mo ito sa akin, dahil may mas isasakit pa rito," turo ko sa kaliwang dibdib ko gamit ang kanang kamao ko saka ko pinagsusuntok 'yon. Matalim niya kong tingnan at umiling ito. "Gawin mo na Davis kung ayaw mong may madamay pa dito." Nag umpisa ng mangilid ang aking luha sa aking mga mata pero gusto kong pigilan ang luha na kanina pa gustong ilabas. "Barilin mo na ko please para mawala na ang sakit ng nararamdaman ko dito," sabay suntok ko ulit sa aking kaliwang dibdib. "Ysa tama na, itigil mo na yan," pagpapatigil sa akin ni Martin. Masama akong tumingin sa kan'ya. "Huwag kang mangialam Martin kung ayaw mong ikaw ang mauna kong barilin." Matapang kong sabi sa kanya at agad din siya tumahimik. Inilabas ko pa ang isa kong baril sa belt gun holder sa kanang hita at maingat kong kinasa 'yon. Tinutok ko sa isa sa mga tauhan ni Davis na narito. "I will count you Davis. Remember what I've told you lately? I will sign this paper if you do my favor? Isn't it?!" Madiin kong sabi. Ngunit hindi pa niya dinadampot ang baril sa mesa dahil pinipigilan siya ni Safhira. Nag umpisa na kong magbilang. "Boss! barilin niyo na siya parang awa mo na, ayaw ko pa pong mamatay," pagmamakaawa ng tauhan niya. "Davis huwag mong gagawin yan sa kan'ya maawa ka sa kan'ya," mahinang sabi ni Safhira sa kan'ya. "Iha, huwag kang padalos dalos sa desisyon mo at sana huwag niyo ng pahirapan pa ang mga sarili niyo," payo sa akin ni Attorney. Desisyon ko ito kaya walang mangingialam sa aming dalawa. Sa loob loob ko. Pero sa pangatlong bilang ko na ay agad nitong dinampot ang baril saka kinalabit ang gatilyo ng baril at pumutok nga ito. Tumama ito malapit sa aking braso. Ramdam ko na parang may tama nga ako roon pero daplis lang ito. Pero bakit parang ang sakit na malaman ang katotohanan na hindi na talaga niya ko mahal at wala na talaga akong puwang sa puso niya. Tuluyan na ngang bumagsak ang aking luha at walang paligoy ligoy pa na pinirmahan ko na ito. Bago pa man ako umalis ay tinanggal ko na ang marriage ring namin noon ni Davis saka malakas ko itong binato sa kan'yang ulo saka tuluyan na kong umalis sa conference room dahil hindi ko na kaya pa tiisin ang sakit na nararamdaman ng aking puso.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook