PROLOGUE
Prologue
Ang larawan ay kumukupas ngunit ang mga alaalang nabuo at ligayang naramdaman kung kailan ito kinuha ay kailanman hindi mabubura.
Maaaring itago ang larawan sa bulsa nang hindi namamalayang nakaukit na rin ito sa puso ng isang tao.
Posible ring mapaibig ang isang tao mula sa unang pagkakataong hinalikan nito ang larawan.
Sa patuloy na paghahanap ko sa babaeng nasa larawan ay hindi ko mapigilan ang sariling mamangha sa natural na ganda at ngiti ng isang nito na perpektong nakuha sa larawan.
Isang taon na itong nakatago sa aking wallet at minsan ay nagbabakasakali akong mahanap ang babaeng aksidente kong nakuhanan ng litrato sa isa sa mga paglalakbay ko ngunit sa dami ng lugar kung saan ako nadestino ay hindi ko na malaman kung saan siya hahanapin.
Isa akong photojournalist kaya naman ay palipat lipat ako ng lugar para kumuha ng magagandang litrato.
Sa dinami-rami ng kinuhanan ko ng litrato, ang larawan ng babaeng ito pa lang ang pinaka-nagustahan ko.
Nakaupo ito sa ilalim ng puno at mukhang nagpapahinga. Ang damit niya ay hindi naman gano'n ka espesyal dahil mukhang luma ito ngunit ang buhok niya ay tila kasing lambot ng bulak at kakulay ng mais. Wala siyang suot na tsinelas o sapatos ngunit ang paa niya ay mukhang mas makinis pa sa porselana. Hindi rin naman maputi ang kanyang balat at walang kolorete ang mukha ngunit katulad ng isang brillante, kaya niyang magningning kahit walang bituin.
Gabi na ngunit maliwanag pa ang kalangitan dahil sa mga bituin.
Kinuha ko mula sa aking bulsa ang litrato saka iyon hinalikan.
Hindi ako titigil hanggang sa mahanap ka, babaeng nasa litrato.