bc

She's Into His Rivals' Heart

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
fated
friends to lovers
playboy
dare to love and hate
twisted
sweet
genius
coming of age
enimies to lovers
chubby
like
intro-logo
Blurb

She's Into His Rivals' Heart

Si Jam Bie Villarico ang isa sa pinakamatalinong estudyante ng taon. Gusto niyang sakupin lahat, mula sa pagiging Top Student, Academic Achiever (Sports), at Supreme Student Government President. Lahat gagawin niya upang makuha ang lahat ng parangal. Subalit, sa bawat nabanggit, iba ibang tao ang kanyang makakalaban. Iba’t ibang tao na magbibigay kulay at ganda sa kwento ng kanyang buhay. —- Mapapasinghal siya sa kalaban niya bilang Presidente na mula sa non-first section student, ang handsome cutie na si Mike Kael Jam. Muling magbabalik ang taong tumalo sa kanya bilang top student noong mga nakaraang taon, ang nerdy tabatchoy na si Chalmer. Hindi rin magpapahuli ang Athlete Championship Rival niya, ang friendly athlete na si James Martin. Paano kung isang araw malalaman niyang ang lahat ay nagpursiging lumaban sa buhay dahil sa kanya? Paano kung ang tatlo ay may masidhing damdaming nararamdaman para sa kanya? Bawat isa ay magtatapat ng pag-ibig. May mapipili ba siya sa tatlo o ipangangalandakan niyang Aral Muna Bago Dyowa?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1: SSG President
“Let me introduce to you our newly elected Student Supreme Government President, Mr. Mike Kael Jam D. Briones.” Natameme ako matapos ibigkas ng aming principal ang bagong presidente sa susunod na taon. I keep wondering why this f*****g student chose that pa-pogi guy from the non-first section over me, the most qualified President.  Ako ‘to e, si Jam Bie O. Villarico. Lahat ng gusto ko, nakukuha ko. Walang makakapigil sa akin. I am not a loser, I always win my fight. Pero ano nga ba ang mga nagawa ko at bakit hindi ako ang pinili? “Mauna ka na. Magbabanyo lang ako!” Nagsisilabasan na ang mga estudyante at nakita ko na rin si Kael na pumasok sa Guidance Councilor’s Office. Pinapauna ko na si JM para siguraduhing pupunta rin si Chalmer. Plinano ko ang lahat. Ginamit ko lang ang pangalan ni Daddy pero ako talaga ang kakausap sa kanila. “Sabihan mo pala kay Kael na susunduin ko pa si Daddy.” Bago ako tumakbo ay isinigaw ko pa ito kay JM. Alam kong nagdududa na siya pero siguro naman hindi niya hahayaang makawala si Kael na hindi siya kasama. Nagpatuloy ako sa kakalakad ngunit hindi ko pa rin makita si Chalmer. Nagtungo ako sa banyo, ngunit wala siya. Tinahak ko na rin ang rooftop, ngunit wala din siya. Hays! Bakit nga ba huli ko ng maisip na baka nasa labas na siya? Hinihingal kong tinakbo ang trangkahan ng aming paaralan. Dumiretso ako agad sa sasakyan ni Chalmer at naroon nga siya at kakapasok lang dito. “Chalmer!” Tumingin siya sa akin pero umiwas siya ng tingin. Ipinasok ko ang isa kong kamay sa bintana ng kanyang sasakyan. “Bumaba ka at hinahanap ka ni Daddy!” sigaw ko. “Kinausap ko na lahat ng mga guro at wala ang daddy mo. Hindi siya dumating!” Patay na! Bakit niya ba naisip na magtanong pa sa ibang guro? “Kung gusto mo akong kausapin, sabihin mo na ngayon. Don’t waste may time.” “Lumabas ka muna sa sasakyan mo!” matapang kong bigkas. “Kapag hindi ka lalabas diyan, hindi ko sasabihin sa iyo ang desisyon ko sa inyong tatlo!” “Why? Have you decided to choose me, already?” untag niya. Ngumiti siya ng kay lalim. Nakakamiss makita na hindi siya masungit. “Lalabas ka ba o ako ang magpapalabas sa iyo?” untag ko. “Fine!” Binuksan niya ang pintuan, lumabas at tumayo. Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila. Nasa harap na kami ng trangkahan ng aming paaralan ng biglang may malakas na pagsabog. Nagsitakbuhan ang ibang estudyante papunta sa pinangalingan ng pagsabog. Bumitaw si Chalmer sa paghawak sa aking kamay ngunit agaran ko rin itong binawi at hinabol siya.  “Huwag kang lalapit!” senyas ko. “Huwag mo akong bibitiwan!” Napahinto siya. “Tukayo?” “Jam Bie!” Magkasabay na nagwika sina JM at Kael na hindi ko namalayang lumabas. Silang dalawa ay parehong nakatingin sa magkahawak kamay naming dalawa ni Chalmer. “Wala itong malisya!” saad ko. “Bro, Iyong sasakyan mo binangga ng lasing na nagmamaneho ng kotse!” Basi sa pagmumukha ng lalaking dumating at nagsalita ay kaklase nila ito ni Kael. “Huwag kang lalapit doon!” sigaw ko at mariin na hinawakan si Chalmer.  “JM! Please! Lumapit ka sa akin!” bigkas ko. “Huwag na huwag kang lalapit doon!” Ginawa naman ni JM, kahit alam kong naguguluhan siya. “Kael!” pasigaw kong tinawag si Kael na papatakbo na sana para tingnan ang sasakyan ni Chalmer. Huminto siya.  “Sasakyan iyon ni Chalmer!” “Mabuti nga at sasakyan lang niya at hindi ang buhay ninyong tatlo!” Nagulat siyang tumingin sa akin at lumapit. Maging si JM ay puno ng gulat sa mga mata ang nakikita. “Ano?” usal ni Chalmer. Tiningnan niya ako at nanginginig na naglipat tingin mula sa sasakyan niya hanggang sa akin. “Napanaginipan ko kayong tatlo!” Isang malakas na buhos ng ulan ang biglaan na lamang dumating. “Huwag kayong magpapatinag sa ulan. Dito lang tayo,” sigaw ko kay Kael na aakmang aalis. “Ano na naman ba ang napanaginipan mo?” untag ni Chalmer. “Bumubuhos ang malakas na ulan noon. Bumabaha ang buong paligid.” Lalong lumalakas ang patak ng ulan sa bawat bigkas ko ng mga salita. “Nakasakay ako sa lumulutang na isang maliit na bangka.” Napakalamig na hangin ang nagsihampasan sa aming apat. “Wala akong makitang tao, maliban sa sirang bahay at naglulutawang sirang mga bagay bagay.” “Tapos?” untag ni Chalmer. Hindi na siya si Cha The Nerdy Tabatchoy. “Narinig ko ang boses mo na tinatawag ako sa aking kanan.” Tiningnan ko siya. “Tatalon ka sana papunta sa akin, subalit isang malaking buwaya ang nakalutang at akmang kakagat sa iyo. Imbis na sa akin ka tumalon ay dumiretso ka sa isang nakalutang na kabinet.” Lumalakas ang hampas ng hangin. Maraming estudyante ang nagsisigaw na sumilong na kami pero hindi ko na kayang patagalin pa. Dapat ko ng masabi sa kanila ang tungkol sa aking panaginip. “Tukayo. Matagal ka pa ba? Namamasa na ang brief ko.” Mahina akong tumawa. “Pagkatapos, narinig ko naman sa likuran si …” Humarap ako kay Kael. “Ikaw!” turo ko sa kanya. “Sigurado ako. Ako iyong knight and shinig armour mo at kitang kita ang six packs abs ko,” sambit niya. “Hindi. Pero, oo. Sirang-sira ang suot mong damit dahil sa baka ilang beses ka ng nabangga. Humihingi ka ng tulong na pasakayin sa sinasakyan kong bangka.” Seryoso siyang nakikinig. “Papunta ka na sana sa akin subalit nandiyan na naman ang buwaya kaya kahit nahihirapan ay lumundag ka sa isang sasakyan na nakalutang.” “JM!” Lumipat ako ng tingin kay JM. Tumango naman siya. “Bigla na lang lumakas ang baha at iniluwa ka na nakasakay sa isang gulong ng sasakyan. Parang isang salbabida.” “Chalmer! Dahil sa baha ay nakalapit ka sa akin kaya tuluyan kang nakaapak sa aking sinasakyan dahil hinila kita.” Lumipat ulit ako ng tingin sa kay Chalmer na namamasa na ang mukha dahil sa buhos ng ulan. “Kael! Hinila ka ni Chalmer. Kaya tayo ng tatlo ang nakasakay sa bangka.” Pinagmasdan ko si Kael na pinipisik pisik ang kanyang buhok na namamasa na rin. “Muling bumuhos ang malakas na bugso ng baha at tumilapon papalapit sa sinasakyan nating bangka si JM.” Humarap ako kay JM.  “Na-rescue natin siya. Kaya katulad ng nangyayari ngayon. Nakaharap ako kay JM na nakahawak kamay sa kay Kael at Chalmer. Habang ako naman ay nakahawak kamay din kina Kael at Chalmer!” Inisa-isa ko silang tiningnan. “Unti-unti nating napapansin na lumulubog ang ating sinasakyang bangka.” Bumitaw muna ako sa paghawak sa kanila at pinahiran ang aking mukha. “Iyon pala ang bangkang ating sinasakyan ay para lamang sa dalawang tao. Kaya, pinapapili ninyo ako kung sino ang aking makakasama sa bangka hanggang dulo. Kapag may napili na ako ay parehong tatalon ang dalawa at magsasama na kami ng matitira.” “Sino ang pinili mo?” pareho nila itong untag. “Wala! Nagising na lang ako.” Kita sa kanilang mga mukha ang pagkadismaya. Kahit bumubuhos ang ulan ay nakikita ko pa rin ang kanilang maaamong mga mukha. “Gabi-gabi, iyan ang dumadalaw sa panaginip ko. Hindi ako makatulog ng husto dahil sa inyong tatlo.” Huminga ako ng malalim. “Ngayon ang panglimang araw buhat ng nagsimula ang panaginip na iyon kaya umaga pa lamang ay labis na ang pag-aalala ko sa inyong tatlo.” “JM! Kaya kita minadaling tinakbo kanina sa may kalsada dahil takot ako noon na tuluyan ka ng mabungo.” Pinagmasdan ko si JM. “Nabasa ko na pala ang buong libro at gusto kong malaman mo na maraming salamat sa mga bagay na ginawa mo na walang hinihintay na kapalit. Salamat.” Tumutulo na ang aking mga luha sa mga sandaling ito. “Kael! Labis iyong bilis ng takbo ng dibdib ko kanina ng malaman kong may nagsuntukan sa inyong silid. Lalo pa noong malaman kung may tumalon sa rooftop!” Nakaharap na ako ngayon kay Kael. “You prove me wrong. Salamat kasi iminulat mo ang aking mga mata sa katotohanang lahat ng tao ay pwede ring magbago. Isa ka na ngayong mabuting tao. Thank you!” “Chalmer! Cha! Tabatchoy! Nerd! Hindi ka na pala ganoon. Kaya labis akong nainis kanina habang sinasagip ka mula sa punong kahoy kasi parang ang kalma mo lang. Habang ako ay labis na ang pag-aalala. Siguro, kung hindi kita pinababa ngayon sa sasakyan mo ay pati ikaw ay nadamay.” Hinawakan niya ang aking balikat. “Alam mo? Ang sarap mong mahalin. Nagpapakatotoo ka sa sarili mo. You change a lot for me. Pero, nakakalimutan mo na ang sarili mo. Learn to love yourself. Hindi ko na alam kong masaya ka ba dahil masaya ka o masaya ka dahil masaya iyong ibang tao. Nakakalimutan mo ang totoong kasiyahan mo. Salamat kasi kahit dati pa hindi mo man lang ako pinag-isipan ng masama.” “Ipikit ninyo ang inyong mga mata!” Pinapikit ko sila ng mga mata at ginawa naman nila. “Isipin ninyo na nasa loob tayo ng isang bangka at pinapapili na ninyo akong tatlo sa kung sino ang pipiliin ko.” Isang minuto kaming nakatayo bago ako bumitaw sa pagkakahawak sa kanila. Lumalakas ang ihip ng hangin at nararamdaman ko na rin silang mahinang naiiyak. “Mas pipiliin ko pa ring unang bumitaw at tumalon. Wala akong pinipili dahil panindigan kong aral muna bago kasintahan. Malay natin sa tamang panahon. Magkikita-kita tayo ulit. Sa oras na iyon, tama na ang lahat, sakto na ang lahat, itinadhana na ang lahat.” Iniwan ko silang tatlo at pumara na ako ng jeep papauwi sa aming bahay. Nakatayo ako ngayon sa rooftop ng school, iniisip kung ano ang nagawa kong pagkakamali? Hanggang sa  unti-unti kong naaalala ang unang beses na inanunsyo sa amin na mangyayari na ang Supreme Student Government Election. - “Hello! I am Robert Joshua Galleme, your Supreme Students Government President. Since, you are the 3rd year students. Nasa sa inyo ang magiging susunod na Supreme Student Government President. Nasa sa inyo rin ang maaaring Secretary, Treasurer, P.I.O at syempre 4th year representative. Block na natin ang Vice President kasi requirements na ang mga 2nd year students lamang ang pwedeng tumakbo sa posisyon na iyan, pero pati kayo ay boboto rito. Block din kayong tumakbo sa posisyong 3rd year representative at 2nd year representative, kasi nga magpo-fourth year na kayo. Alam na ninyo ang mga requirements hindi ba? Dapat ang grado ninyo ay 85 pataas upang makatakbo sa nasabing posisyon na gusto ninyong takbuhan.” Lahat kami ay nakatingin sa aming kasalukuyang Supreme Student Government President matapos niyang ianunsyo ang nalalapit na election para sa susunod na opisyal sa susunod na taon. Napapatingin na lamang ako, isa-isa sa aking mga kaklase. Lahat ito, takot sa akin. “Takbo ka ulit, Marites. This time ipapanalo ka namin.” Nasa malapit lang naman si Marites at ang kanyang mga kaibigan kaya naririnig ko ang bulungan nila. namin. " “Ays. Tatakbo naman talaga ako. Pero, ayaw ko nang kumain ng alikabok dahil kay Jam. Nilampaso na nga niya ako last year sa Vice-Presidential Race. Siguro, I will run for Secretary, because I’m sexy, char!” Mabuti naman kung ganoon. Ang layo ng boto niya sa akin. Sobrang layo, na para bang wala akong kalaban. Nasa akin ang huling halakhak. “Okey. I have box here. Get one fourth sheet of paper. Isulat lang ninyo ang buo ninyong pangalan tapos ang posisyon na gusto ninyong takbuhan. Tapos, ilagay ninyo rito.” Kukuha na sana ako ng papel para sulatan ngunit bigla na lang may inabot sa akin na papel ang kaibigan kong si James Martin. “Ipasa mo na. Don’t worry, we got you!”  Kinuha ko ang papel at nakita ko ang pangalan ko na nakasulat dito, kasunod ang posisyon na inaasam asam ng lahat. I have to claim it, I can be the next Supreme Student  Government President. Tumayo ako at pumunta sa mesa. Ipinasok sa kahon ang papel, bago umalis ay tumayo ako sa harap, kumaway at ngumiti, saka bumalik sa aking upuan. “Wala na ‘to. Finish na ang labanan. Jam Bie Villarico for President,” narinig ko pa ang sigaw ng isa sa kaklase kong baklitang si Saliz. If I know, tatakbo rin ito. Lalapit ito sa akin mamaya para isama sa mga listahan at miyembro ng party na gagawin ko. Iyon ay kung may kakalaban.  Ilang sandali nga ay tumayo siya at tumungo sa kahon. Ginaya niya ang ginawa ko at nagsisitawanan ang mga kaibigan niyang sumisigaw nang, “Saliz para sa pagbabago.” Don’t tell me? Siya ang kakalaban sa akin? Feeling naman niya kaya niya akong tapatan. Bahala na nga siya. “You made it. Huwag kang mag-alala. Lahat iyan, takot sa iyo. Walang kakalaban sa iyo. Trust me!” lumapit sa akin si James Martin at ngumiting tumayo, saka dumiretso sa mesa. Ano na naman ba ang tatakbuhan nito? First year kami noon nang naglaban kami sa 1st year representative na posisyon. Hindi man lang siya nanalo, kahit kaming dalawa na ang nangungumbinsing iboto. Nanalo naman ako, pero ang kasunod sa akin ay si Marites. Hindi man lang siya pinalad na makasama sa dalawang pipiliin. “Ano na naman ba ang tatakbuhan mo?” tanong ko sa kanya. "Always, because of my pogi, Prince Charming," lalong humulma ang dimple sa kanyang mukha na naka-pogi sign nakatingin sa akin. “Hindi ako, bobo. Wala ang Prince Charming sa pinagpipilian,” pagtatampo ko. “Hoy, Miss President. Tampurorot ka na naman. Basta, kunin mo ako sa party mo…” Marami pa siyang sinasabi pero hindi ko na siya pinakinggan pa. Naka-focus lang ako kung sino ang maglalagay ng pangalan sa kahon. “Kapag tinawag ko ang pangalan ninyo ay tumayo kayo. Marites Acomponado for Secretary. Angelica Oyao for 4th Year Representative. Xeena Mae Almendra for Treasurer. Johnson Bajuyo for P.I.O. Karryle Deen Faderan for Treasurer. Jam Bie Villarico for President. Saliz Xien Romeros for 4th Year Representative. James Martin Ampao for Secretary. John Lloyd Rivas for 4th Year Representative.” Nagulat ako sa tatakbuhan ni James Martin, parang gusto kong tumawa bigla. Bakit sa dinamirami ng posisyon, ito pa? Nawalan ako ng tinik nang malamang walang kumalaban sa akin. May masayang balita na naman ako para kina mom at dad. “Villarico for President!” nagsisigawan na sila. Nabalot ng hiyawan ang buong silid. Napapangiti na lamang ako. I knew it. Walang gustong kumalaban sa akin. “Since, kilala na ninyo ang mga tumakbo galing sa section ninyo. Bumuo na kayo ng sarili ninyong partido. Maghanap na rin kayo ng tumakbo galing sa ibang section at ibang grade. Kung sakali mang hindi kayo makahanap. May araw na ipapatawag namin kayong lahat na tumakbo? Doon, maghaharap harap ang mga tumakbo. Salamat.” Umalis din si Miss President matapos siyang magsalita ng ukol sa paparating na eleksyon. Palihim na lamang akong napapangiti dahil dito. Wala na talagang gustong matalo dahil pasa akin, alam talaga ng mga kaklase ko na hindi sila mananalo kapag ako ang kalaban.  “Ikaw ha? Secretary pala ang tatakbuhan mo. Bakit maganda ba ang panulat mo?” tanong ko kay JM. Minsan talaga JM lang ang tawag ko sa kanya e. Kung bakit ba naman kasi pinahaba pa e.  “Hindi ba? Ako na nga ang nagsulat ng pangalan mo sa papel e. Dapat ako ang secretary mo,” pagmamayabang niya. “Sa bagay, bakla ka kasi kaya bagay sa iyo ang pagiging sexytary,” pang-iinis ko sa kanya. Hindi naman talaga siya bakla kung titingnan e, wala lang akong ibang pwedeng maasar sa kanya. “Don’t worry. Ako lang iyong baklang pagsisilbihan ka.”  “Don’t insist yourself. I can handle myself.” “Jam, isali mo naman ako sa line up mo?” Ang paglapit ni Marites ang biglang nagpahinto sa mahina naming asaran. “Ikaw pa ba? Syempre, hindi. Ayaw kong magsama ng talunan.” Hindi naman sa pagmamayabang pero ayaw ko talaga sa babaeng ito. Nakatatak pa sa aking isipin noong minsang umasa ako sa kanya para sa group project na gagawin namin. Siya na raw ang gagawa. Ipinilit ko pa ang sarili ko na, dapat ako ang gagawa. Nagpasa ako sa kanya ng mga suhistiyon ko, pero siya pa rin talaga ang nagpatuloy. Nalaman ko na lang pagpasa niya sa mga outpot namin e, wala ang pangalan ko sa members niya. Noong time na iyon, muntikan na niya akong maungusan sa pagiging nangungunang estudyante sa klase. Kaya hindi ko talaga siya kailanman bibigyan ng pansin na makaungos man lang sa akin. Isa siyang manggagamit at mapang-abuso. “Wala lang kumalaban sa iyo, feeling reyna ka na. Ang tabas ng dila mo. Matalo ka sana!” Umalis siyang inis na inis sa akin. Matalo? Hindi no? Wala nang makatatalo sa akin. Wala ngang kumalaban, hindi ba?  “Alam mo, ‘bie’. Ang bad mo ngayon. Taong humarap sa iyo iyon, tapos paaalisin mo lang. Bahala ka nga sa buhay mo!”  “Hoy! Huwag mo akong matawag tawag na ‘bie’, hindi kita dyowa! Atsaka ano ba ang gusto mo, ha? Kukunin ko siya sa line up ko. E, magkatulad kayo ng tatakbuhan!” Bigla siyang napahinto dahil sa mga sinabi ko. Humarap siya sa akin nang dahan dahan at halata ang pilit na pagngiti. “Huwag mo akong ngitian nang ganyan. Kung ayaw mo sa line up ko, bahala ka na rin sa buhay mo!” Tumalikod ako at nakangiting lumabas ng silid. Dinig ko ang yapak ng kanyang mga paa na sumusunod sa akin. Patuloy lang ako sa paglalakad at hindi siya pinapansin habang papunta sa canteen. “Cupcake for you.” Humara siya sa harapan ko at tuwid ang mga brasong iniabot sa akin ang paborito kong cupcake na hawak ng dalawa nitong kamay. “Ano ito? Peace offering?” “Bakit hihindian mo ba ako? Paborito mo ito.” “Sige na nga. Basta, may mismo ha? Kasi miss na miss ko na talagang malibre mo!” Kilala ko na siya. Hindi siya mapakali kapag may hindi kami napagkakasunduan. Hanggang sa ililibre niya na lang ako para daw hindi na kami magkagalit. Aba e, syempre, hindi naman talaga ako galit. Lalong hindi ako nagtatampo. Ginawa ko lang talaga iyong maramdaman niyang nagtatampo ako para libre na ang snack ko. Ang wise ko talaga. Talino! Sinabihan ko na si JM sa kung sino ang ililista niya na magiging kapartido namin. Hindi ko alam kung bakit nga ba mag-eefort pa ako gayung wala naman akong kalaban? Kaya si JM na ang pinagalaw ko. Kaya na niya iyon. Uwian na iyon. Dala-dala ko ang nagkukumpulang libro para isauli sa Library. Tapos na rin akong mag-aral para sa preliminary examination. Kampante akong makakakuha ako ng malaking marka sa mga sandaling ito. Just like what I’ve always did. “Idiot! Kita mo namang may dumadaan tapos babanggain mo pa? Next time, dalhin mo rin iyong utak mo dito sa school. Paaralan ito, hindi palaruan. Aba, kung gusto mo maglaro, bumalik ka sa elementarya. Doon nababagay ang isip batang katulad mo!” Hindi ko mapigilan ang magsalita matapos akong mabangga ng isang lalaking may hawak na bola. Hindi ko siya pinansin at pinagpupulot ko ang mga nahulog na librong aking dala kanina. Nakakalat na ang mga ito ngayon sa semento matapos ang bungguang nangyari.  “Miss, I’m sorry. Hindi ko sinasadya. Iyong bola kasi…” “Hindi mo sinasadya? Sisisihin mo ang bola? Hindi ito basketball court, Totoy. `Tsaka, kaya ko na itong pulutin, huwag ka nang tumulong pa. Kasalanan mo naman ito, e.” Kitang-kita ng aking dalawang mata kung paano niya sinubukang kunin ang iba pang librong nagkalat. Ngunit, patuloy lamang siya sa kanyang ginagawa kahit tinanggihan ko na. Hindi ko pa rin siya dinapuan ng tingin. Patuloy lamang siya sa paghingi ng pasensya kasi nga raw dahil tumalon iyong bola. Hello? Hindi iyon tatalon, kung hindi nilaro.  Huling libro na, sabay kaming nakapulot nito. Nilakasan ko ang pagkapit sa libro. “Miss Sungit. Tutulungan na kita. Saan mo ba ‘to dadalhin?” Napatitig ako sa kanya buhat sa narinig. Miss Sungit talaga? Hello. Nagpapakatotoo lang. Hinila ko ang libro papunta sa akin. Kilala ko ito e. Isang chickboy na basagulerong puro cutting class ang ginagawa noong 2nd year ako. Naalala ko pa kung paano muntikan ng bumagsak ang isa kong kaklase, dahil puro cutting class ang ginagawa para lang makita itong boyfriend niya. “Malamang sa malamang sa library. Saan ba inilalagay ang mga libro? Palibhasa puro cutting class ang ginagawa mo, kaya wala kang alam. Everybody knows my name. I am the future SSG President of this school. Hindi, sungit ang pangalan ko.” Nabitiwan niya ang libro dahil sa mga nasabi ko. “People change. Kanina ko pa sinasabi na hindi ko sinasadya hindi ba? Bakit ba ang sungit mo? Siguro, meron ka no?” Pasimple siyang tumingin sa may ibaba ko. “Bastos!” Muling nahulog ang mga librong pinulot ko dahil inakma ko siyang sampalin. Subalit, nawalan ako ng tamang balance kaya sinalo niya ako. Nasalo niya naman ako, ngunit ilang sandali lang ay nawalan din siya ng balanse kaya tuluyan na akong napahiga sa semento. Naglapat ang aming mga labi dahil sa aksidenteng iyon. Matagal bago ako nakamulat at sampalin siya ng diretso. Baka naman sinadya niya ang lahat? Isa siyang playboy at lahat ng gusto ng playboy gagawin niya para ikalat sa barkada. “Patawad, JB,” bulong niya bago nagkukumahog na umalis matapos makita ang kasamahan kong sina JM at si Jeany. “Ano ang ginawa ng ex kong iyon sa iyo?” nag-aalalang saad ni Jeany. Oo, si Jeany ang babaeng isa sa nabiktima ng poging lalaking iyon. Hays. Pogi lang naman ang meron iyon, pero ang ugali noon– masahol pa sa aso! “Wala lang. Nagkabungguan lang kami tapos nagkasagutan. Hayaan na ninyo. Tulungan ninyo na lang akong isauli ito sa library.” “Sabihin mo lang kung binastos ka ng lalaking iyon. Babasagin ko talaga ang pagmumukha noon!” tapang-tapangan namang sabi ni JM. “Enough. HIndi ka marunong sumuntok, duwag ka nga e. Bakla pa. Hayaan mo na. Kilala mo naman ako, hindi ako nagpapaapi.” “Anong bakla? Gusto mo halikan pa kita, e.” Hindi na ako makapagsalita lalo na nang maalala ko ang halik. Ang aking unang halik. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
89.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
126.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.3K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.1K
bc

His Obsession

read
72.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook