bc

THE LOST STAR

book_age18+
19
FOLLOW
1K
READ
sweet
bxg
humorous
nerd
female lead
campus
virgin
colleagues to lovers
classmates
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Blurb

Isang sikat na mang-aawit si Thalia Malliari, o mas kilalang Tala Delavin. Wala pang nakakaalam o nakakakita ng totoong siya maliban sa parents niya't mga kasama sa bahay pati ang nag-iisang bestfriend niyang si Pamela. Hindi niya naman alam no'ng una na sisikat at magugustuhan siya ng mga tao maging ang kan'yang mga sariling kumposisyon.

Nang dahil sa gusto pa rin namang kumilos nang normal ni Thalia ay nakiusap siya sa kan'yang manager na hindi siya ipapakilala sa publiko at tanging ang tinig lamang niya ang maririnig, nang dahil do'n ay mas marami pa ang na-curious kung sino nga ba siya talaga.

Sa paaralan na kanilang pinapasukan ay makikila niya si Blad Samañiego, ang lalaking magpapabilis nang t***k ng kan'yang puso. Mayaman, matalino at lahat ng babae ay nahuhumaling sa taglay nitong kaguwapuhan. Gagawin ni Thalia ang lahat para lang mapansin ngunit tulad nang ibang babae ay hindi siya mapapansin ni Blad, labis rin siyang masasaktan nang malamang may iba na pala itong mahal.

Subalit, malalaman ni Thalia na ang babaeng iniibig pala ni Blad ay ang babae sa likod ng sikat na mang-aawit bilang Tala Delavin, tuluyan pa kaya siyang magtago? O magpapakilala na sa lahat alang-alang sa lalaking iniibig.

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue "Best..." sambit ni Pamela, habang hindi pa rin ako kumikilos sa aking kina-uupuan. Sobrang nasasaktan ako, hindi ko lubos maisip na iibig ako nang ganito sa isang lalaki na halos ipagtabuyan pa ako. Kahit anong pilit kong kalimutan na si Blad ay hindi ko magawa! Kahit na ilang beses pa niyang ipamukha sa akin na hindi niya ako gugustuhin ay mapilit ako! 'Sabi nga nila! Magpakatotoo ka sa sarli mo!' Pero heto, anong napala ko? "Okay lang ako, best. 'Wag kang mag-alala, ako pa ba?" pagpapasigla ng boses ko. Pero alam ko namang hindi iyon uubra sa bestfriend kong 'to! "Hay naku! Humanda sa atin iyang Blad Samañiego na iyan! Akala mo kung sinong guwapo ha? Maganda lang ang hanap? Aba'y ilabas natin ang totoong ganda mo bestfriend nang ma 'WHO YOU?' ang letcheflan na iyon! Gigil ako talaga!" natawa naman ako sa kaibigan kong ito. Parang siya iyong broken hearted sa aming dalawa eh! "Baliw! Ayuko nga! Ayos na ako sa pagiging ganito," tugon ko. Nginiwian naman ako ng loka. "Hanep naman kasi! Akala ko ba magtatago ka lang sa boses? Eh, bakit pati totoong beauty mo ay tinago mo na rin? Hindi naman pinapakita kung sino ka talaga bilang Tala kaya okay lang na ipakilala mo ang totoong ikaw bilang Thalia," saad pa niya. Oo nga, tama naman siya pero ang tanga ko rin kasi kung bakit ganito na ang ayos ko simula nang pumasok kami sa school na 'yon hanggang sa nagtuloy-tuloy na. Hindi ko na nabago pa dahil baka sabihin nilang lahat na lalo na ng mga kababaihan doon na inaakit ko ang mga lalaki doon. Ang toxic pa naman karamihan sa naro'n. "Pag-isipan mo best, ha? Please lang, turuan mo nang leksyon ang lalaking iyon!" may inis na sabi pang muli ni Pamela. Ilang gabi rin akong napapaisip kung gagawin ko ba talaga? 'Haayyast... Bahala na nga!' Sa foundarion day ay balak ko nang magpakilala at magpaalam na rin sa lahat, si Dean lamang ang nakaaalam kung sino talaga ako, hindi maitatanggi na nalungkot pa nga ito nang sabihin kong aalis na ako ngunit wala naman umano siyang magagawa. "Best! Goodluck, okay? Kaya mo iyan!" bilin pa ni Pamela bago ako umakyat ng stage. Sa una ay sa likod lamang ako kakanta hanggang sa lumabas na ako at magpakita. "Thank you!" Magkahawak-kamay kaming dalawa sunod ay narinig na nami si Dean Mendoza na nagsalita sa stage. "Good evening, everyone! Listen! Alam niyo ba'ng sa paaraalang ito ay nag-aaral ang sikat na singer na si Tala?" "Whaattt?" "Really?" "Wow! Sino siya? Bakit hindi natin siya nakilala? Omg! Super idol ko kaya si Tala!" sunod-sunod na sabi nang mga tao na naririnig lang din namin ni Pamela rito sa backstage. "Yes guys! But sadly to say this. She needs to leave our school for personal matter..." "Halaaaa! Bakit naman gano'n, dean?! "Why dean?" "Grabe naman! Gusto pa namin siyang makilala!" sigawan nilang lahat. "Well, wala na tayong magagawa dahil kailangan. Pakinggan nin'yo na lamang siya dahil ngayong gabi ay magpapakilala na siya sa lahat!" sabi pa ni Dean. "Omg! For real?! "Wait...lalapit ako sa stage! Excuse me!" "Talaga dean? Oh My Ghaaadd! Mag-live tayo guys, bilis!" Nagkakagulo na ang lahat. "Luuhh! Best, mukhang trending ka niyan ah!" natatawang sabi pa ni Pamela. "Oo nga eh! Hayaan mo na, at least nagpakilala na ako. Aalis na rin naman kami!" "Gaga ka! Mami-miss kita! 'Wag kang magtatagal ha?" Niyakap ko si Pamela. "Oo naman, babalik pa rin naman ako." "Ay dapat lang dahil hindi pa tayo tapos sa Blad na iyon! Tingnan lang natin ngayon kung hindi siya matulala sa ganda mo lalo na't malaman niya ikaw pala si Tala!" Sa lumipas na mga araw ay hindi ko na nga siya iniisip, ang lokang 'to ay pinaalala pa talaga sa akin. Kinabahan tuloy ako bigla! Ano nga kaya ang magiging reaksyon niya? 'Haayyysst... Bahala na nga!' "Okay, hindi ko na patatagalin pa! Ladies and gentleman! The girl behind her beautiful ang angelic voice... Tala Delavin!" "Whoooohhhh! "Talaaaaa! "Idol!" Blad Pov "Brow, ang kj mo naman! Anong oras pa lang oh! Uuwi ka na agad?" maktol ni Lance. Wala naman kasi akong gagawin dito, sila lang naman na puro babae ang inatupag at wala akong panahon para do'n! "Iiwan mo kami? Minsan lang naman 'to eh! Ang daming magagandang babae diyan oh! Hindi iyong nagpapantasya ko sa isang boses na kailan ma'y hindi magpapakita sa iyo!" Napailing na lamang ako at iniwan ko na sila ni Raffa. "Bahala na nga kayo diyan! Una na 'ko!" wala rin naman silang nagawa nang iwan ko na silang dalawa. Nasa parking lot na ako nang tumawag na naman iyong ungas! ''Ano na naman kaya ang kailangan nang isang 'to?! Inis na dinukot ko ang cell phone sa bulsa, naka-video call pa talaga ang gago eh ang dilim naman! "Ano na naman?! singhal ko agad. Nakatutok ang camera sa stage at kita kong si Dean Mendoza ang nagsasalita. "Makinig ka gago! Baka magsisi ka at kami pa sisihin mo kapag hindi ko 'to ginawa! Pasalamat ka mahal kita pare. I love you!" Napangiwi ako sa sinabi ng gago! "Tagina mo Lance–" Hindi ko na natuloy ang sadabihin ko pa sana dahil nakuha na nang atensyon ko ang sinabi ni Dean. Naroon din nag-aaral si Tala? Ang babaeng gustong-gusto ko kahit hindi ko pa nakikita. Tahimik lang akong nakinig nang mabuti hanggang sa tinawag na niya si Tala kasabay nang mga hiyawan ng lahat. No'ng una ay kumanta na ito ngunit hindi pa rin siya lumalabas ng stage kaya mas lalong nagkagulo at dinig na dinig ko pa ang mga hiyawan nila. "Wahhhhh Tala! Lumabas ka na, please..." "Idol labas na!" Hanggang sa namatay ang ilaw ang tanging spotlight lang ang natira na tila may sinusundan. Mula backstage ay lumabas na ang may ari ng magandang boses na iyon kaya mas lalong nagkagulo. "Omg! Ayan na nga siya!" Nakasuot siya ng ball gown at kumikinang, mukha siyang prinsesa. Ang ganda talaga ng boses niya, ngayong nakita ko na siya ay hindi ko mapigilan ang dibdib sa bilis ng t***k nito. Hindi ko akalain na makikita ko rin siya sa wakas! Narinig kong nagsalita sina Lance, at Raffa. "Sh*t! Ang ganda ni Tala!" "Wait! Bakit hindi ko pa rin siya mamukhaan? I'm sure nakasalubong na natin siya. Imposibleng hindi pa, dude!" "Brow! Ano? Tutunganga ka na lang diyan? Papatayin ko na 'to! Lowbat na cp ko, baka may balak ka namang bumalik?! Tila natauhan naman ako sa sinabi ni Lance kaya nagmadali akong lumabas ang kumaripas pabalik sa loob ng campus. Hingal na hingal ako pagdating at tapos na rin pala siya kumanta. "Buti nama't bumalik ka! Narinig mo naman sigurong aalis na raw siya rito sa school? Tsk! Mukhang not meant to be kayo talaga!" pang-aasar pa ng ungas na 'to! Hindi ko siya pinatulan at muling tinutok ko ang paningin sa stage. 'Sinong mag-aakala na malapit ka lang pala sa akin, Tala ko?' "Hi!" nahihiya pa niyang bati para sa lahat. Sandali, parang pamilyar ang boses niya? "Una sa lahat ay nagpapasalamat ako sa in'yong lahat dahil minahal niyo pala si Tala Dalavin. Pasensiya na rin kung hindi ko talaga pinakilala kung sino ako kasi mahiyain po ako, sa totoo lang ay hindi ko naman po alam na magugustuhan nin'yong lahat ang mga sariling kumposisyon ko. Maraming-maraming salamat talaga!" "Idol...ang galing mo kaya!" "Ang ganda ng mga gawa mong kanta, idol!" "Yes! Support ka namin!" Napangiti naman si Tala sa mga compliment na natanggap niya. Ang mga mata ko naman ay hindi ko inaalis sa kan'ya. "Maraming salamat po talaga! Pero ito na nga, gusto ko na po magpakilala kung sino po talaga ako sa likod ni Tala Delavin," saglit siyang natigilan. "I am a fourth year student, section Diamond." Napasinghap ang lahat. "Halaaaa! Classmate ka namin? Sino ka do'n?" dinig kong sabi ng isa sa mga classmate namin. Siniko naman ako ni Raffa. "Fvck! Araw-araw pala natin siyang kasama, dude! Classmate natin siya! Kalain mo iyo?! "Brow! Ikaw? Patay na patay ka diyan kay Tala, 'di ba? Hindi mo man lang ba nakilala?" Tanong ni Lance, napailing na lamang ako at iniisip na rin kung sino siya roon. "M-my real name is, Thalia Malliari. Also known as Tala Delavin," biglang sabi niya. "Oh My Ghaaadd! Siya iyong mukhang nerd?" bulalas nang isa. "Oo nga! Pero ang ganda niya oh!" "Uy Blad! 'Di ba may gusto si Thalia sa 'yo?" biglang naglingunan sa akin ang lahat. "Fuvk!" Nagtagis ang bagang ko dahil hindi ko siya nakilala. Kahit pa parang pamilyar ang boses niya ay hindi ko pinansin ang pakikipaglapit niya sa akin at palagi ko pa siyang sinusungitan noon. 'Ang gago mo!' "Ahhh... Hello guys, classmates...'' Biglang inagaw ni Pamela ang mic kay Thalia. "So, kilala niyo naman na si Tala, ano?" Goodbye na ha? Kailangan ko na siyang i-uwi dahil flight na nila ngayong madaling araw, alam niyo naman na iyon, nasabi na ni Dean Mendoza kanina!" "Ano ba iyan! Agad-agad? Sayang hindi man lang kami makakapag-pa-picture sa idol namin?" "Oo nga! Baka puwede pa-picture muna? "Sige na, Tala..." pagsusumamo ng lahat. "Brow! Aalis na siya... Paano na?! Dali-dali akong lumapit sa stage upang akyatin ko siya ro'n at humingi nang tawad. 'Hindi puwede...ang tagal kong hinintay ang pagkakataong makilala ko siya!'

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.3K
bc

His Obsession

read
72.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook