bc

His Brainless Maid Is An Assassin

book_age18+
535
FOLLOW
6.3K
READ
HE
opposites attract
sweet
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

Isa si Jordan sa mga lalaking ayaw magkaroon ng kasambahay dahil iniisip nito na baka spy ang makuha niya na maaaring sumira sa kaniya, sa pamilya niya o ‘di kaya'y sa mga kaibigan niya. 

Isa lang talaga ang pinagkakatiwalaan nito at ‘yon ay walang iba kun'di si Aling Tasing. Ang Yaya niya na nagpalaki sa kaniya na araw-araw nagrereklamo dahil hindi na nito kinakaya ang mga trabaho sa loob ng bahay niya lalo pa't kuba na ito dahil sa katandaan. 

Isang araw, umalis ito para mamalengke pero pagbalik nito ay may kasama na itong babae na marumi, 'di maipinta ang mukha at puro pa sugat ang katawan. 

Nang tanungin niya si Aling Tasing kung saan nito napulot ang babae ay hindi siya nito sumagot bagkus ay tinarayan pa siya nito at pinapili. 

Kapag hindi niya raw tinanggap ang babaeng kasama nito dito sa bahay niya ay lalayasan daw siya nang matanda para maranasan niya raw kung ano ang nararanasan nito.  

Dahil doon ay pikit-mata niyang tinanggap ang babaeng kasama nito na nagngangalang Petra Paraiso.

Ang babaeng magbibigay sa kaniya ng walang hanggang problema pero hindi niya mapaalis-alis dahil kay Aling Tasing. 

Paano kung sa kabila ng paghahanap niya ng dahilan para mapalayas ito ay matuklasan niya ang lihim ni Petra? 

Palalayasin niya pa kaya ito o poprotektahan ito mula sa mga taong nais itong burahin sa mundo?

chap-preview
Free preview
C1-Jordan
“Good morning, Yaya Tasing!” masayang bati ni Jordan sa kaniyang Yaya. “Kumusta po ang gising niyo? Ayos lang po ba kayo?” “May nahanap ka na bang tao na makakasama ko rito sa bahay bukod kay Kanor, ha, Jordan?” sa halip ay tanong nito imbes na batiin siya pabalik. “Halata sa mukha mo na wala ka talaga balak maghanap, ha?” “Naghahanap po ako, Yaya,” sagot niya rito kunwari. Araw-araw siya nitong tinatanong kung naghahanap daw ba siya ng taong makakasama nila. “'Wag po kayong mainip dahil totoong naghahanap po ako.” Paano, silang tatlo lang kasi ang nandito palagi sa bahay niya. Siya, ang Yaya Tasing niya at saka si Mang Kanor. Puro may edad na ang mga kasama niya dahil pareho nang senior citizen ang dalawa. Ayaw niya kasi ng masyadong maraming tao rito sa bahay niya dahil sa panahon ngayon ay mahirap nang magtiwala. “Sigurado ka bang naghahanap ka, eh, laging kang nasa bahay ni Macarius?” “Naghahanap po ako, Yaya,” diin niya pa. Ang totoo ay wala siyang balak maghanap ng makakasama nila dahil tinutulungan naman niya ito sa gawaing bahay kapag hindi siya busy sa trabaho niya. “Nagpapatulong po kasi ako kay Macarius pati na sa iba pa naming mga kaibigan kaya lagi po akong nandoon.” Wala naman masyadong ginagawa ang Yaya Tasing niya dahil hindi niya ito pinaglalaba at pinaglilinis ng bahay niya. May mga tao kasi siyang binabayaran para maglinis dito sa bahay niya weekly at ganoon din sa paglalaba. Tanging pagluluto lang talaga ang ginagawa ng Yaya Tasing niya dahil ito lang ang pinagkakatiwalaan niya pagdating sa mga ganoong bagay. “Sa katunayan nga po niyan ay mayroon po akong kikitain ngayon para po interview-hin, eh.” “Sigurado ka?” “Para po maniwala kayo, sumama po kayo sa akin,” wika niya pero sa isip-isip niya ay sana hindi ito sumama sa kaniya dahil mag-inom siya Ngayon kasama ang mga kaibigan niya. “Fifty katao po ang–” “Singkuwenta katao tapos pag-uwi mo rito mamaya ‘yang itlog mo lang naman ang dala mo! Sasabihin mo na naman na puro may mga sakit ang nag-apply kaya hindi mo tinanggap.” “Alangan naman kasing iwanan ko ‘to, Yaya,” pilosopo niyang sagot dahilan para samaan siya nito ng tingin kaya napaayos siya ng tayo. “At saka, totoo naman talaga na may mga sakit sila base sa medikal nilang dala-dala. Ikaw ba, gusto mo bang may sakit ang makasama mo rito? 'Di ba, ayaw mo ng ganoon?” “Tama ka. Pero, nakapagtataka kasi na—” Pinutol niya ito. “Siya nga po pala, komportable pa po ba kayo diyan sa tungkod niyo? 'Yong kama niyo, komportable pa po ba kayo roon? 'Yang pustiso niyo, hindi pa ba maluwag? Iniinom niyo pa po ba ’yong binibili kong vitamins sa buto? Eh, ‘yong binili kong gatas para sa buto, meron pa po ba? Pansin ko kasi, parang kumukuba po kayo lalo samantalang seventy five pa lang naman kayo.” “Seventy five?” Inambahan siya nito ng gamit nitong tungkod kaya napaatras siya habang nanlalaki ang mga mata niya. Nawala tuloy ang gutom niya. “Baka nga hindi ka umabot ng sixty dahil sa mga kalokohan mo, eh! Nasa lahi namin ang pagiging kuba kaya ‘wag ka nang magtaka! Sa nakikita ko nga sa iyo, mukhang mahihirapan ka pa na maabot ang singkuwenta, eh.” Napa-sign of cross siya. Grabe talaga ang bibig ng Yaya niya. Minsan kasi ay hindi na siya natutuwa. “Sa lakas mong uminom? Aba! Baka hindi ka pa umaabot sa kuwarenta ay may sakit ka na sa atay at bato!” “Yaya, ‘wag kayong ganiyan dahil baka magkatotoo,” saad niya at dahan-dahan nang umupo para makakain na ng almusal. “Masama po ‘yan. Nasa bibliya ‘yan. Linggo-linggo pa man din kayong nagsisimba tapos ganiyan kayo sa akin. Hindi na kayo pagpapalain kapag puro masasama ang lumabas sa bibig niyo,” dagdag niya pa na may kasamang pangongonsensiya. “Kumain ka na nga riyan!” sikmat nito. “Iinom ka ba ng gatas? Gusto mo bang ipatimpla kita?” “Hindi na. Sino ba naman ang gaganahang uminom ng gatas kung galit na galit kayo? Magtutubig na lang ako.” “'Wag ka ngang mag-inarte riyan! Siya nga pala, pahingi ako ng pera dahil wala na tayong pagkain. Pupunta kami ni Kanor mamaya sa grocery para may makain ka sa mga susunod na araw.” “Opo.” Yaya Tasing is like a mother to him. Natural na lang sa kanila ang ganitong mga pag-uusap. Kahit mas masungit pa ito kaysa sa mga magulang niya ay mahal na mahal pa rin niya ito. “Tatawagin ko si Kanor para makakain na rin siya.” Kapag kay Mang Kanor mahinahon ito pero pagdating sa kaniya, kulang na lang hambalusin siya nito araw-araw gamit ang tungkod nito. “Yaya Tasing.” Napahinto ito sandali sa paghakbang palabas ng kusina. "Bakit?" Pinagdikit niya ang dalawa niyang hintuturo. "May…may relasyon po ba kayo ni Mang Kanor?” “Ikaw ba'y siraulo?” “Masama bang magtanong? Malay ko ba kung itinatago niyo lang ang relasyon niyo dahil nahihiya kayo sa akin. Hindi naman malabong mangyari ‘yon dahil araw-araw kayong magkasama, eh. Malay ko ba kung may ginagawa na pala kayo kapag wala ako rito.” Kahit kuba ang Yaya niya ay mabilis siya nitong nalapitan at pinaulanan ng kurot. “Yaya, masakit po. Ano po ba ang masama sa sinabi ko? Masama bang maglabas ng saloobin? Ang bait-bait niyo kasi sa kaniya tapos pagdating sa akin, kulang na lang patayin niyo ako.” “Ako ang nagpalaki sa iyo pero parang hindi kita kilala!” inis na sabi nito. Habang kinukurot siya nito ay natatawa siya dahil kahit may edad na ito ay napansin niya na namula ang pisngi nito. “Pati ‘yong tao na nagtatrabaho ng tahimik, dinadamay mo. Anak ka ba talaga nina Delfin at Shiela? 'Yong mga magulang mo sobrang bait pero ikaw hindi ko alam kung saan ka nagmana dahil kabaligtaran ka ng ugali nila. Santisima ka!" “Wala naman pong masama sa sinabi ko," giit niya. "At kung totoo man na may relasyon kayo, hindi naman ako tututol, Yaya.” Nang tingnan siya nito ng masama ay mabilis pa sa alas-kuwatro na umiwas siya ng tingin. “Sige na, sunduin niyo na po si Mang Kanor para sabay na tayong tatlo na kumain. Ako na rin ang maghuhugas ng mga pinagkainan natin para hindi na po kayo mapagod.” “Dapat ba matuwa ako?” “Yaya, mahal ko po kayo kaya dapat lang na matuwa kayo. Suportado ko nga ang relasyon niyo ni Mang Kanor, eh.” “P'wes, hindi ako natutuwa, Jordan. Lilinawin ko, wala kaming relasyon. Wala! Wala!” Tumango-tango siya. "Oo na. Wala na kung wala." Galit na galit na kasi ito. Iba talaga kapag tumatanda na. “Yaya, Ano nga pala ang gusto mong pasalubong mamaya?” “Saan ba ang punta mo at tinatanong mo ako kung ano ang gusto kong pasalubong? Akala mo naman sa ibang bansa ang punta samantalang sa inuman lang naman.” “Umiiwas na po ako sa ganoon, Yaya. Nakita mo naman, hindi na ako gaanong umaalis pero panay tawag sa akin sina Macarius at Jed. Paano, hindi kasi nila kayang mabuhay na wala ako.” Napatitig siya rito nang makita niya na pilit nitong inaabot ang likod nito. “Yaya, bakit? Sumasakit ba ang buto mo?” “‘Yong bra ko natanggal,” mahina nitong sabi kaya napangiwi siya. “Ba't natanggal? Itapon niyo na kasi 'yong mga maluluwag na. Hayaan niyo, bibilhan ko po kayo mamaya.” “Oh, Kanor! Aba'y nandito ka na pala! Tatawagin na sana kita, eh!” Napatingin siya kay Mang Kanor na bagong dating lang. Nakangiti ito sa Yaya niya na para bang may lihim itong pagtingin. Madalas niyang mapansin na kakaiba ang tingin nito kaya talaga namang naghihinala siya. Talong tao na itong nagtatrabo sa kaniya. Ito ang katulong nang Yaya niya kapag hindi kaya ng Yaya niya ang trabaho. “Ano'ng meron, Tasing? Makati ba ang likod mo?” tanong ni Mang Kanor sa Yaya niya. “'Natanggal kasi ang lock nitong suot kong bra, Kanor. P'wede mo bang ikabit?” Nanlalaki ang mga mata niya habang nakamasid sa dalawa lalo na nang bahagyang itaas ni Mang Kanor ang damit ng Yaya niya para ikabit ang bra nito. What the hell… At dahil ayaw niyang makialam. Hindi na lang siya nagbitiw ng kahit isang salita pero sa isip niya, ang daming pumapasok na kababalaghan. “Kanor, hindi pa ba?” inip na tanong ng Yaya niya. Kagaya nito ay inip na rin siya sa kamamasid. Gusto na niyang maunang kumain pero hindi niya magawa dahil sa dalawang matanda na nasa harap niya. “Aba'y kalahating oras ka na yata sa pagkabit.” Pawis na pawis na si Mang Kanor pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nito naikakabit ang bra ng Yaya niya. “Nangangalay na ako, Kanor. Aba! Bilis-bilisan mo naman para makakain na tayo dahil pupunta pa tayo sa grocery!" “Tasing, magpalit ka na lang kaya ng iba,” suhestiyon ni Mang Kanor makalipas ang mahigit isang oras. Sa tantiya niya, mukhang malabo ang mata nito dahil inabot ito ng isang oras mahigit. “Ang hirap ikabit, eh. Isa pa, hindi na rin maganda ang hitsura at kulay nitong suot mo. May kalawang na kaya ang hirap ikabit. Naiihi na nga ako, tinitiis ko lang hanggang sa maikabit 'to kaya lang hindi talaga umubra.” “Ikabit mo muna. Mamaya ka na umihi.” Pinigilan kasi nito si Mang Kanor sa tangkang pag-alis kahit hawak na ng matandang lalaki ang puson nito. “Yaya, magkakasakit sa bato ‘yang si Mang Kanor dahil sa ginagawa niyo,” aniya nang hindi na siya makatiis sa pagmamasid sa dalawa. “Umupo ka na rito at nang makakain na tayo.” Binalingan niya si Mang Kanor. “Pumunta na po kayo sa banyo at iwanan niyo po na ‘yang ginagawa niyo. Mas mahalaga po ang kalusugan kaysa sa bra na 'yan.” “S-sige, Hijo.” Pag-alis ni Mang Kanor ay sinita niya ang Yaya niya. “Yaya, dapat babae ang inuutusan mong magkabit diyan sa ano mo. At saka, bakit kasi—” “Sino ang uutusan ko gayong tatlo lang naman tayong nandito? May kasama ba tayong babae rito? 'Di ba wala naman? Alangan namang sa iyo ko ipakabit 'to. Bakit? May alam ka ba sa ganito?” "Oo naman!" sa isip-isip niya. 'Di na nga niya alam kung ilang babae na ang tinanggalan niya at kinabitan ng bra. Every man knew about that thing! “Kaya nga po naghahanap ako, eh.” “Kailan pa ‘yon?” “Sige na, umupo na po kayo," pag-iiba niya. "Wala namang sisilip diyan sa ano niyo kaya kahit hindi na kayo magsuot niyan.” Sinenyasan niya ito na umupo na. “Umupo na po kayo.” “Mauna ka na. Aayusin ko muna itong bra ko sa kuwarto dahil nakakahiya. Pupunta pa naman ako sa grocery mamaya,” anito sabay alis. Pag-alis ni Yaya Tasing ay iyon naman ang pagdating ni Mang Kanor. "Mang Kanor, upo na po kayo." Umupo naman ito. "Mang Kanor, may nakikita po ba kayong umaaligid kay Yaya Tasing?" Gusto niya kasing hulihin kung may relasyon ang dalawa. Biglang nalukot ang mukha ni Mang Kanor. Halatang nagtataka, naguguluhan, nagulat at nag-isip. Halo-halong emosyon kahit simple lang naman ang tanong niya. "Mang Kanor, ba't parang hirap na hirap po kayo sa tanong ko? Meron o wala lang naman po ang sagot sa tanong ko." "Bakit?" "Ano pong bakit?" Luminga-linga ito sa paligid. "May napansin ka bang kakaiba kay Tasing nitong mga nakaraang araw?" "Kayo nga po ang tinatanong ko dahil madalas akong wala dito sa bahay, eh." Tumango-tango ito. "Parang meron nga–" Nang makita nito na papalapit si Yaya Tasing ay umakto ito na nagsasandok na ng pagkain kaya umigkas ang kilay niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.5M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
464.7K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
501.2K
bc

The Perfect Luna

read
4.0M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
603.7K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
465.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook