bc

BANDIDOS TRILOGY (BOOK 3): Kasandra's Secret Love (Free & Completed)

book_age18+
3.2K
FOLLOW
9.8K
READ
friends to lovers
drama
comedy
twisted
sweet
lighthearted
serious
mystery
small town
first love
like
intro-logo
Blurb

FREE & COMPLETED

"HINDI KO KAILANGAN MAGING BILYONARYO PARA PAKILIGIN KA, KASANDRA. SA PAMATAY KONG MATA AT ABS PALANG, BAKA PATI ANIT ANIT MO KINIKILIG NA." - LIAM BERNARDO

Naitirik ni Kasandra ang mga mata saka siya tumalikod. Pagkatapos ay pinigilan niya ang tinitimping pagngiti. Mali si Liam, dahil hindi lang anit-anit niya ang kinikilig, pati yata kili-kili niya at mga hindi pa natatanggal na buhok doon. Naiihi rin siya. Naiihi sa kilig....

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
KANINA pa palihim na pinupukulan ng tingin ni Kasandra ang lalaking nakikipagtawanan sa isang babaeng kasama nila sa loob ng kuwebang iyon. Kasalukuyan silang nasa Hardin – ang pangalan ng kuweba kung saan nakalagak ang mga taong mahihirap at pinalayas ni Kanor sa kani-kanilang mga tirahan. Humigpit ang hawak niya sa batong nadampot habang nanlilisik ang mga mata at pinipigil ang sariling ibato iyon sa lalaki. Napakislot siya ng sikuhin ng katabi at kaibigan niyang si Eymi. "Ang sama ng tingin mo diyan ah." saka nito sinundan ng tingin ang tinitingnan niya. Napapailing na nginisihan siya nito. "Alam mo, nagtataka din ako sa Liam na 'yan eh. Hindi marunong tumingin kung sino ang maganda at hindi." Napatingin si Kasandra sa kaibigan. "Anong ibig mong sabihin?" Nagkibit-balikat ito saka ibinalik ang atensiyon sa ginagawa. "Bakit hindi siya lumalapit sa iyo? Bakit sa ibang babae siya lumalapit e kung tutuusin ay ikaw ang pinakamagandang babae na nandito sa loob ng kuwebang ito." Tumaas ang isang sulok ng labi niya. Lumiyad ang dibdib niya sa papuri ng kaibigan. "Kunsabagay, kahit ako siguro ang lalake, magdadalawang isip na lapitan ka." Paingos nitong dugtong. Nagsalubong ang dalawang kilay ni Kasandra kasabay ng pagkapalis ng ngiti sa labi. "Ano nanaman ang ibig mong sabihin diyan?" "Ikaw ang pinakamagandang babaeng nakita ko dito sa ating Sitio, kaibigan. At hindi kita binobola dahil lang kaibigan kita. Totoo iyon. Maniwala ka sa akin. Pero ang hirap mong lapitan. Alam mo kung bakit?" "Bakit?" Tumaas ang isang kilay niya. Pinasadahan nito ng tingin ang itsura niya. Walang babalang tinanggal nito ang suot niyang sumbrero na matagal na niyang ginagamit. Lumugay ang mahaba at itim na itim niyang buhok. Hinawi niya ang mga hiblang tumabing sa mukha niya. "Ano ba? Kailangan ba talagang tanggalin mo ang sumbrero ko? Ano ba ang gusto mong palabasin?" napasimangot siya. "Gusto ko lang sabihin sa iyong kung gusto mong mapansin ng bunso sa mga Bernardo ay umayos kang babae. Hindi iyang parati kang naka-t-shirt at pantalon. Tapos palagi pang nakasuot iyang sumbrero mo. Daig mo pa ang ibang lalaki dito sa atin kung maka-asta ka. Naturingang nakatira ka sa simbahan pero napakalayo ng pananamit mo sa dapat na itsura mo." litanya nito habang tumaas-baba ang tingin sa kanya. Humalukipkip siya. "Sino ba kasi ang nagsabing nagpapapansin ako sa lalaking 'yan? Isa pa, magkaibigan naman kami kaya palagi kaming nagpapansinan." Pagrarason niya. "Sa paraang hindi mo gusto. Oo nga, palagi kayong nagpapansinan pero para lang mag-asaran? Pareho nating alam kung ano ang sikreto mo, Kas." “Ano bang sikreto ang sinasabi mo?” taas-kilay niyang tanong. “Gusto mong sabihin ko?” nanghahamong minulagatan siya nito. Sa pagkakataong iyon ay hindi siya nakaimik. Wala siyang maililihim sa kaibigan dahil ito ang kinikilala niyang pinakamatalik niyang kaibigan simula ng tumira siya sa simbahan. Hindi lingid dito ang lihim niyang paghanga kay Liam. Ang bunso sa tatlong magkakapatid na Bernardo sa kanilang lugar. Unang kita palang niya kay Liam ay hindi na niya napigilan ang paghanga dito. Natatandaan pa niyang napanganga siya sa unang beses na nakita niya ito. Iyon ay noong disiotso anyos palang siya at limang taon na ang nakakaraan. Nakasalubong niya ito ng minsang nasa palengke siya at naatasang mamili ng mga kailangan para sa simbahan. Bumibili siya ng gulay ng sumulpot ito sa tabi niya. Kagaya niya ay nakikitawad din ito ng mga paninda. Natatandaan pa niyang ilang sandali siyang natigilan dahil nakatitig na pala siya sa binata. Pansin na pansin niya ang mukha nito dahil maayos na nakatali sa likod ang mahaba nitong buhok. Sa tantiya niya ay hanggang balikat ang haba ng buhok nito. Hindi maduming tingnan at nagmukha pa itong baby face dahil sa istilo ng buhok nito. Natatandaan din niyang halos tumingala siya dahil mataas itong tao. Lalo siyang napanganga ng makita niya ang ngiti nito. Hindi naging mahirap para dito ang makipagtawaran dahil sa isang ngiti lang nito ay napapasunod na nito ang mga tindera. Hindi din siya kaagad nakagalaw ng kumilos ito patungo sa ibang puwesto. Hindi niya namamalayang nakasunod na pala ang tingin niya dito. Nagising lang siya sa tila pagkatulala ng may sumingit na isang mamimili sa tabi niya. Simula niyon ay hindi na naalis sa isip niya ang binata. Hindi niya alam kung tiga saan ito o kung kagaya niya ay tiga Sitio Tres din ito. At kung pareho man sila na nakatira sa iisang lugar ay gusto niyang pagsisihan ang pananatili sa loob ng simbahan sa ilang taong nakatira siya doon. Hindi kasi siya palalabas at kung hindi din lang naman importante ang lakad niya ay hindi siya lalabas ng simbahan. Lalong hindi siya tsismosa para alamin kung sino-sino ang mga nakatira sa buong Sitio. Sa simbahan na siya lumaki at nagka-isip o mas eksaktong sabihin na doon na siya nagdalaga. Limang taong gulang siya noon ng iwan siya ng kanyang ina sa kura paroko ng simbahan ng Sitio Tres. Hindi na niya maalala kung ano ang itsura ng kanyang ina pero natatandaan niya ang pangalan nito. Lena ang pangalan ng kanyang ina. Kahit ang ginawa nitong pag-iwan sa kanya ay malabo na sa kanyang alaala. Ang natatandaan lang niya ay malayo ang nilakad nilang mag-ina noon. Huminto sila sa mismong tapat ng simbahan at pareho silang nakatulog. Pagkagising niya ay nag-iisa nalang siya. Umiyak siya ng umiyak habang hinahanap ang kanyang ina. Pero dumating ang hapon na nag-iisa nalang siya. Nakita siya ni Father Anton- ang kura paroko ng simbahan. Simula noon ay kinupkop na siya ng simbahan. At bilang pagtanaw ng utang na loob ay nagsilbi siya doon. Ni hindi niya alam kung ano ang gagamitin niyang apelyido at tanging ang pangalan lang niya ang alam niya. Ang ginawa ni Father Anton ay apelyido nito ang ipinagamit sa kanya. Kasandra Trinidad ang pangalan niyang ginagamit ngayon. Wala din siyang kinilalang ama dahil simula ng ipanganak siya ay hindi na niya ito nakita. Wala ding nababanggit ang kanyang ina ng kahit ano tungkol sa kanyang ama. At dahil bata siya ay hindi niya masyadong napagtuunan ng pansin ang paghahanap sa sariling ama. Namulat siyang tanging ang ina lamang ang kasama at tila nakuntento na siya doon. Isa pang natatandaan niya noong mga panahong nakasama niya ang ina ay mahirap ang buhay nila. Bata pa siya noon pero kahit papaano ay alam na niyang mahirap ang buhay nila. Sa kabila ng ilang taon niyang pananatili doon ay minsan lang siyang lumabas o magkaroon ng sariling lakad. Wala naman kasi siyang kamag-anak o kakilala doon maliban nalang sa mga taong nakakasalamuha niya ng magsimula siyang tumira sa simbahan. Doon din niya nakilala si Eymi na kagaya niya ay tumutulong sa mga gawain doon. May pamilya si Eymi na tiga Sitio Tres din. Pero nakaugalian na ng pamilya nito ang magsilbi sa simbahan. Magkasama silang nagdalaga hanggang sa mga panahong ito. Ito din ang unang nakaalam na nagkaroon siya ng lihim na paghanga kay Liam ng ikuwento niya dito ang unang beses na nakita niya ang binata. Dito din niya nalaman na tiga Sitio Tres si Liam at bunso sa tatlong magkakapatid na Bernardo. Anak ng butihin at mag-asawang Aldo at Maria Bernardo. Ang buong mag-anak na ito ay trabahador sa Hasyenda Valerya - ang nag-iisang hasyenda sa Sitio Tres at halos nagmamay-ari ng pinakamalawak na lupain sa buong lugar. Magkakilala ang mga magulang ng tatlong Bernardo at ang ama ni Eymi kaya alam ng dalaga ang tungkol sa tatlong magkakapatid. Hindi din naging lihim sa kanya ang kalat na balitang nag-aangkin ng magagandang mukha ang tatlo. Napatunayan na niya iyon ng makita niya si Liam. Sa totoo lang ay wala din siyang masabi ng aksidenteng makita niya ang dalawa pang Bernardo - sina Ludgi at Laurens - nang minsang yayain siya ni Eymi na maghatid ng pagkain sa ama nito na nagtatrabaho din sa hasyenda. Sumama siya dito dahil gusto niyang masilayan si Liam. Wala siyang masabing eksaktong salita para ilarawan ang kaguwapuhang taglay ng tatlo. Pero hindi naapektuhan ng dalawang nakakatanda ang paghanga niya kay Liam. Ang kaguwapuhan nito ay maaring makapagpahimatay ng isang babae. Ang kaguwapuhan nito ay puwede niyang ikahimatay. Labis ang tuwang nadama niya ng ganap na magkakilala sila ni Liam mahigit isang linggo matapos niya itong makita sa palengke. Para siyang hihimatayin noon. Malakas na malakas ang tambol ng kanyang dibdib. Natural na natural sa isang babae ang pamulahan ng mukha kapag nakadaupang palad mo ang lalaking crush na crush mo. At ganoon ang naramdaman niya noon. Para siyang tanga noon na nangangarap ng gising ng makilala niya ang binata. Hindi siya aware na titig na titig na siya dito habang ipinapakilala silang dalawa ni Eymi. Hindi niya alam kung papaano patitigilin ang malakas na pintig ng kanyang puso. Doon nagsimula ang lahat. Nasundan ng nasundan ang pagsama niya sa kaibigan kapag hinahatiran ng pagkain ang magulang nito at sa tuwing sumasama siya ay palagi siyang naghahangad na makita si Liam. Kahit na sa unang beses palang nilang pagkakakilala ay nakatanggap na siya ng pang-aasar dito. Kahit inis na inis siya dito noong sabihin nito ang reaksiyon niya ng unang beses na makita niya ito – na hindi niya alam na napansin pala nito – ay hindi iyon naging dahilan para mawala ang paghanga niya dito. Ni hindi nga niya alam na napansin pala siya nito. Hanggang sa masundan ng masundan ang pang-aasar nito sa kanya. May mga pagkakataong naiisip niya kung ginayuma ba siya nito dahil sa kabila ng madalas nitong pang-aasar sa kanya ay hindi nawala ang paghanga at pagtingin niya dito. Para sa kanya ay magandang senyales pa nga iyon dahil ibig sabihin ay napapansin siya nito. Naging magkaibigan sila ng lumaon. Pero isang klase ng pagkakaibigan na inaayawan niya. Dahil palagi siya nitong iniinis. Palaging nauuwi sa asaran ang pagkikita nila. Hindi niya alam kung bakit gustong-gusto siya nitong asarin. Hindi niya makuha ang trip nito. O talagang tuwang-tuwa lang ito kapag nakikita na siya nitong naasar. Sa una ay natutuwa siya kapag napapansin siya nito kahit nauuwi sa asaran ang pag-uusap nila pero sa kalaunan ay mukhang hindi din kinaya ng powers niya ang mga pang-aalaska nito sa kanya – na sa totoo lang naman ay hindi talaga masyadong nakakapikon. Madali lang talaga siyang mapikon kapag ito na ang nagsalita. Masyado kasi siyang sensitive pagdating sa binata at lahat ng cells sa katawan niya ay gising kapag si Liam ang nasa paligid. Minsan ay natanong na niya ang sarili kung bakit sa kabila ng mga pang-aalaska nito sa kanya ay crush pa rin niya ang binata. Ilang beses na ba silang nagbabatukan, nagsisigawan at ang pinakamatindi, na ito lang ang gumagawa ay ang ginagawa nitong pananakot ng ahas na laruan sa kanya. Nalaman nitong takot na takot siya sa ahas. Kaya simula noon ay palagi na nitong ibinabato sa kanya ang laruang ahas dahilan para mapasigaw siya kahit nasa kalagitnaan ng kalsada. Wala siyang magawang pambuwelta dito dahil wala naman yata itong kinatatakutan. Pero sa kabila ng inis na nadarama niya ay lihim siyang nasisiyahan dahil napapalapit sila ng husto ng binata. Sa ganoong sitwasyon ay alam niyang luka-luka na siya. Kapag nakakaramdam siya ng panibugho sa tuwing lalapit ang binata sa ibang babae ay talagang nagdaramdam siya. Sobra siyang nagseselos. Pero ano ba ang magagawa niya? Baka pagtawanan lang siya nito kapag nalaman nitong maari siyang magwalk out sa harap nito at sa babaeng nilalandi nito. Siyempre ay hindi nito iyon dapat mahalata. Kahit na palagi siya nitong inaasar ay ayos lang sa kanya, basta makita lang niya ang gwapo nitong mukha at expressive na mga mata ay sobrang saya na niya. Isang ngiti lang nito ay mabilis na nabubura ang inis niya dito. Hanggang sa isang araw ay napagtanto niyang umiibig na siya dito. Hindi niya alam kung papaano o kung kailan nagsimula. Baka nga noong unang beses palang niyang nakita ito ay na-inlove na siya dito. Baka sa unang pagkakakita palang niya dito ay na-love at first sight na siya kay Liam. Basta gumising nalang siya isang araw na isinisigaw na ng puso at isip niyang mahal niya ang binata. Masaya siya at nabubuo ang araw niya kapag nakikita niya ito kahit maghapon pa silang mag-asaran. Parang palaging sasabog ang dibdib niya sa tindi ng saya kapag magkasama sila ni Liam. Hindi na din niya mabilang kung ilang beses siyang naninigas kapag napapalapit ito sa katawan niya lalo na kapag inaakbayan siya nito. At naninibugho siya kapag alam niyang may pinapansin itong ibang babae. Hindi din niya tinangkang aminin sa binata ang tungkol sa kanyang nararamdaman. Sigurado siyang pagtatawanan lang siya nito at babalewalain. At ayaw niya iyong mangyari. Baka maging dahilan pa iyon para masira ang kanilang pagkakaibigan. Kapag nangyari iyon ay hindi na niya ito makakasama pa ng madalas. Siyempre ay walang ibang nakakaalam niyon, maliban kay Eymi. Nagpapasalamat din siya sa kaibigan dahil hindi ito tsismosa. Kaya hanggang sa mga panahong iyon ay nanatiling lihim ang malupit niyang sikretong nararamdaman para kay Liam. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya maitatago ang nararamdaman para dito, ang alam lang niya ay handa siyang maghintay kung kailan siya nito mapapansin - bilang tunay na babae at puwedeng ligawan at hindi isang kaibigan na palaging inaasar. "O tingnan mo, nakatitig na si lover boy sa iyo. Tingnan mo." siniko siya nito ng hindi siya kumilos. Nakasimangot na pinukulan niya ng tingin si Liam. At hindi nga nagsisinungaling si Eymi. Nagsalubong ang paningin nila ng binata. Hindi niya mapigilan ang pamumula ng mukha kaya nagkulay kamatis ang buong mukha niya. Hindi niya alam kung para saan. Pero ang isiping tinititigan siya ng lalaking lihim niyang minamahal ay ibang usapan. "G-gaano na siya katagal na tumititig sa akin?" mahinang tanong niya pero kay Liam pa rin nakatingin. "Ewan ko. Pero sa tingin ko ay napansin na niya ang kagandahan mo nang ilugay natin ang buhok mo." komento nito. "Sa tingin ko ay nagmukha kang babae ngayon sa paningin niya." bumungisngis ito. Muli ay hindi siya nakaimik. Kung totoo ang sinabi ni Eymi ay dapat na ba siyang palaging maglulugay ng buhok para lang mapansin ni Liam? O dapat na ba siyang magbestida kagaya ng mga babaeng nilalapitan nito para magandahan ito sa kanya? Nagtutumining na 'oo' ang sagot ng isang bahagi ng kanyang utak. Nag-uumpisa ng maglakbay ang kanyang diwa ng ngisihan siya ni Liam saka nito mabilis na inalis ang tingin sa kanya. Muling nagmaktol ang puso niya ng kausapin nito ang babaeng kausap kanina.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook