bc

Quatro-A Taste Of A Stranger

book_age18+
320
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
HE
submissive
badboy
bxg
office/work place
cheating
civilian
like
intro-logo
Blurb

Suot ang kanilang damit pangkasal. Parehong nasaktan at nabigo sa magkaibang kasalan. Dalawang tao ang pinaglandas sa iisang bar na kanilang napasukan. They are both broken hearted.

Pero dahil sa kalasingan ng dalawa. They shared a hot s*x in bed even they don't know each other.

Iyon ang gabing hindi malilimutan ng dalawa dahil sa kakaibang sarap na naidulot ng mga katawan nila.

Magtatagpo pa bang muli ang kanilang mga landas? O tadhana na lang ang gagawa ng paraan para sila'y muling magkita.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
FLASHBACK ............................ Aliyah's POV Narito ako sa loob ng aking sasakyan habang humahagulhol sa iyak. Nakasandal ang aking ulo sa may bintana ng sasakyan habang nasa puso at isip ko ang nangyaring naganap kanina sa simbahan na hanggang ngayon ay suot suot ko pa din ang aking wedding gown. Nahinto ako sa pag iyak at napatingin ako sa mismong kamay ko kung saan nakasuot sa aking daliri ang isang kumikinang na engagement ring namin ni Lance. "Ang daya daya mo...." sabi ko habang nakatutok ang aking dalawang mata sa singsing na suot suot ko. "Ano ba ang nagawa ko at iniwan mo ko sa ere nang ganun ganun lang. Sobrang minahal kita Lance pero ito ang naging kapalit mo sa sobrang pagmamahal ko sayo. Wala akong makitang anumang dahilan para ako'y iwan mo na ganun lang kadali. Ang lupit mo..... Ang sama sama mo..... Sana.... sana hindi na lang ikaw ang minahal ko. Nagsisisi ako na ikaw pa ang lalaking minahal ko," pagdidiin kong sabi habang kausap ko ang singsing na nakasuot sa aking daliri. Gustuhin ko mang tanggalin ang singsing sa aking daliri ngunit hinayaan ko na lamang na nakasuot ito. Matagal na kong nakatambay dito sa isang lugar na hindi ko alam kung saan ako napadpad dahil bigla ang aking pag alis sa simbahan nang malaman kong hindi ako sisiputin ni Lance sa simbahan. Kaya ako nakarating dito sa lugar dahil wala na kong ibang maisip at wala sa katinuan habang binabyahe ko papunta dito. Napatingin ako sa labas ng bintana. Malapit nang sumapit ang dilim. Alam kong nag aalala na sa akin ang aking mga magulang dahil sa paglayo ko sa kanila nang walang paalam. Gusto kong mapag isa ngayon upang makapag isip nang malinaw kung ano ang aking gagawin at kung paano ako mag uumpisa sa panibagong yugto ng aking buhay. Habang nasa matagal ang aking pag iisip. Napagtanto kong hindi na ko iibig pang muli at isasarado ko na ang aking puso sa mga lalaking magnanais na makapasok sa aking puso dahil ayaw ko nang umibig pa because I hate love. I hate love anymore, paulit ulit na pumapasok sa aking isip at iyon ang parating isinisigaw ng utak at damdamin ko ngayon. Tinawagan ko si Lea sa kan'yang bagong numero at agad naman nagring ito. Sinagot niya agad ang tawag ko. "Hello beshie!!!" sigaw nito. Nailayo ko ang aking cp sa aking tenga dahil bigla ba namang sumigaw na parang tuwang tuwa dahil sa tinawagan ko siya. Patuloy lamang ito sa pagsasalita. Kahit na hindi ko na ilapit sa tenga ko at iloud speak ang cp ay naririnig ko pa din ang kan'yang mga sinasabi. "Hey beshie! sigaw ko din sa kan'ya. "Pakisabi na lang kina mom at dad na huwag silang mag alala dahil nasa maayos ako, iyon lang," saka ko na siya pinatayan ng tawag kahit nagsasalita pa ito. Nais ko lamang ipaalam sa kanila na huwag na sila mag alala sa 'kin. Sinimulan kong muling paandarin ang dala dala kong sasakyan. Mabigat pa din sa loob ko ang ginawa sa 'kin ni Lance. Gusto kong mawala siya agad sa aking isip. So I started to think dirty thing. May ngisi sa aking labi kung tama ba itong mga iniisip ko ngayon. Hindi ko alam dahil dalang dala ako sa malungkot na emosyon na aking nararamdaman ngayon. So I decided to go at the bar and I didn't find somewhere kung meron ba dito sa lugar na ito. Naghanap ako kung saan puwedeng magpalipas nang sama ng loob. Exactly 9pm, nakahanap din ako ng bar. Ito ang kanina ko pa iniisip. I want to enjoy and celebrate my wedding failed. Wala akong pakialam kung ano ang magiging reaksiyon ng mga taong makakakita sa 'kin dito dahil sa suot kong wedding gown. So what diba and who care's? This is my life and I will do what I want. Hindi ko na tinignan pa ang aking sarili sa salamin kung ano ang ayos ng aking itsura. Wala akong pakialam kung zombie man ako tignan dahil pakiramdam ko, nagkalat ang black eyeliner sa aking mukha gawa nang pag iyak ko kanina. Taas noo akong bumaba sa aking sasakyan. Pakiramdam ko sa pagtapak ko sa semento ay tila nakatuon ang atensiyon nila sa 'kin. Diretso akong naglakad papasok sa loob ng bar. Konti lang din ang mga taong naririto sa loob nang makapasok na ko dahil ang iba ay nasa labas na. Kita ko sa mga reaksiyon ng mga itsura nila habang patungo ako sa may counter bar dahil sa suot kong gown. Ang iba ay tinawanan lang ako pero hindi ko na pinansin pa. Tumabi ako sa babaeng medyo lasing na. Nginitian niya ko pagkaupo ko. "Hello!" bati nito sa 'kin. Namumungay na din ang kan'yang dalawang mata dahil sa kalasingan. "Hi!" tipid kong sagot sa kan'ya. Nakatuon ang paningin nito sa aking suot na gown. "Is he your husband?" turo niya sa mesang may grupo ng mga kalalakihan. Napatingin naman ako doon na halos mga lasing na sila. Kumunot ang aking noo sa hindi din malaman ang dahilan at hindi ko matukoy kung sino ba sa kanilang apat ang kan'yang tinutukoy. "I don't know what are you talking about Miss. You're drunk already," malakas kong sabi at baka hindi niya marinig dahil sa lakas ng tugtog ng banda mula dito. "Hindi ko alam kung ano ang ipinupunto mo because I don't know them." "Oh! Im really sorry but I know what Im saying," tuwid niyang sabi. "Akala ko kasi ikaw ang dahilan kung bakit hindi mo siya sinipot sa kan'yang kasal kaya ito nagpapakalunod sa alak ngayon at hindi na maawat," sabi nito at ininom niyang muli ang kanina niya pang hawak ng bote ng alak. "Lahat ng tao dito at sa labas ay kan'yang mga bisita at isa na ko doon. We are celebrating here his wedding but it comes out failed. Ang wierd noh! nakasuot ka ding pang kasal. Anong nangyari sayo at narito ka din?" tanong nito sa 'kin. "Nakakagulat naman, pareho lang naman pala ang nangyari sa amin," sabi ko na siyang ikinalapit pa niya ang katawan nito sa 'kin. "Really? Hindi ka din sinipot sa kasal ng groom mo?" takang tanong niya na halos lumaki pa ang dalawang mata nito. Tumango na lang ako ssa kan'yang tanong dahil ayaw kong mag kwento sa kan'ya dahil hindi naman kami magkakilala. "Cheers!" angat ko sa boteng hawak hawak ko na. Kinuha niya din ang bote ng kan'yang alak. Nakipag cheers ito sa 'kin. "Para sa mga taong bigo sa inaasahang kasal ngunit hindi natuloy," masigla niyang sabi kasabay nito ang paghalakhak niya. "Ganda pa naman ng singsing mong suot pero wala ding kwenta diba," dagdag pa niya. Gusto kong mainis sa tinuran nito. Imbes na icomfort niya kami pero parang masaya pa siya sa sinapit naming dalawa. Iniisip ko na lang na dala lang ito ng nainom niyang alak kaya naiintindihan ko siya. Pero ewan ko lang din sa sarili ko kapag ako naman ang malasing mamaya dahil wala pa naman akong nararamdaman ng pagkahilo dahil nag uumpisa pa lang ako. Parang mas baliw pa itong babaeng 'to kaysa sa 'kin at parang siya pa ang may pinagdadaanan sa buhay. Kaloka! Nakalahati ko na ang boteng iniinom kong alak. Nasa huwisyo pa naman ako ngunit ang aking katabi ay sadyang lasing na lasing na. Ngunit patuloy pa din siya sa kan'yang iniinom. "Hey!" sabi nito ngunit nakayuko na ito. Mukhang nananaginip na ata siya dahil nagsasalita itong nakapikit. Inaantay kong magsalita itong muli ngunit sadyang tulog na ata. Hahawakan ko sana siya nang biglang umayos ulit ito sa huwisyo. Hindi ko alam kung nagulat ba ito dala ng pagtugtog ng banda sa itaas ng stage. "Ginulat mo naman ako," sabi ko na hawak hawak ko ang dumadagundong kong dibdib. Sumasayaw na ito sa kinauupuan niya. Napainom ako bigla sa hawak kong bote ng alak at straight kong ininom iyon. Nakaramdam ako ng konting hilo pagkaubos ko sa alak at umorder pa ko ng isa pa. "Alam mo, total iniwan naman kayo ng groom and bride niya," turo niya sa lalaking nakatalikod mula dito sa amin na nakasuot pa din siya ng pang American suit na kulay krema. "Bakit hindi na lang kayong dalawa ang mag honeymoon," suhestiyon niya. Naningkit ang dalawa kong mga mata sa tinuran niya at konti na lang ay masasabunutan ko na ito. "Ewww! I won't do that. Kadiri ka," sabi ko sa kausap kong babaeng hindi ko pa nakikilala. Napangiwi na lang ako sa kan'yang tinuran. "Grabe ka naman inday kung makadiri ka sa kan'ya," nangasim mukha ko pagkasabi niya ng Inday. "Ang guwapo kaya niya at mayaman pa. Halika, join tayo sa table nila" pag aya niya sa 'kin. "Ipapakilala kita sa kan'ya. Malay mo kayo na ang magkatuluyan at sunod na ikakasal." Ang dami niyang alam ngunit walang kabuluhan. Hinawakan nito ang isa kong kamay ngunit tinabig ko lang 'yong kamay niya. Nagulat ito sa ginawa ko at tila napahiya pa ito. Kaya naupo siyang muli at inubos na niya ang laman ng bote ng alak. "Huwag na dahil hindi na ko iibig pang muli. Kaya huwag mo na kong pipilitin pang ipakilala sa kan'ya dahil ayoko na," madiin kong sabi sa kan'ya. "Sorry ha nadala lang ako dahil naparami na din ang nainom kong alak. I have to go and thanks for having fun with me," sinisinok na ito pagkasabi niyang 'yon at namumula na din ang kan'yang pisngi dala ng kalasingan. Nauna na itong tumayo at pagewang gewang ang lakad nito patungo sa labas. Inubos kong muli ang isa pang bote ng alak. Halos tatlong bote na ang aking nainom. Ramdam ko na din ang matinding pagkahilo sa aking ulo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook