bc

His Only Possession

book_age18+
1.7K
FOLLOW
6.7K
READ
billionaire
possessive
pregnant
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Si Vina natin feeling patapon na ang buhay. Wala nang magmamahal sa kanya dahil sa iniisip niya second hand na siya.

Si Thimothy naman natin feeling hero. Na kayang isalba ang isang katulad ni Vina sa mundong kinasadlakan nito.

Pinagsama.

Magsasama?

Tatagal kaya?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Hoo..." Naginhawaan ako ng maubos ko ang lamang ng hawak kong bote. Sira din kasi ulo ko ano, maginhawaan daw ba sa paglaklak ng alak. "Hoy girl, hinay-hinay lang sa pag inom. Maaga para malasing"saway sakin ni Grace. Bagong katrabaho ko sa bago ko na naman na work place. Pag ilang palit ko na ba ito ng trabaho, apat, lima, ah sampo na yata. Di ko na matandaan kung pang ilang trabaho itong pinasukan ko. "Uuwi na kasi ako"pasigaw kong sagot. Tinaasan lang niya ako ng kilay, aba edi tinaasan ko naman siya ng dalawang kilay, kala niya di ako marunong magtaas ng kilay. "Ang aga pa girl"pagtataray nito. "Oo nga naman Vina"sulsol pa ni George isa din sa mga katrabaho. "Naku naku, hindi naman kasi ako single katulad niyo. May jowa akong naghihintay sakin sa bahay"sagot ko nalang habang inaayos ko ang gamit ko. Wala na din namang nagawa ang mga kasama ko ng tumayo na ako at nagsimula ng lumakad palabas ng bar. Sumama lang naman ako sa mga iyon para hindi ako matawag na KJ. Isang linggo palang ako sa bago kong trabaho bilang secretary ng isang CEO. Pero hindi ko pa nameet ang big boss ko dahil nasa ibang bansa. Sila Grace at George ay nakilala ko lang sa HR noong nag aapply palang ako. "Ay! tangina, ang bilis ng oras"mura ko ng makita kong alas nueve na ng gabi. At napamura na naman ako ng wala akong masakyan pauwi sa tinutuluyan ko. Ending mag aalas onse na ng gabi ako nakarating ng bahay, lagot na naman ako niyan sa kinakasama ko. "Ginabi ka na naman!"sermon na nabungaran ko pag pasok ko palang ng bahay. Nilapitan ko si Tommy, ang kinakasama ko para sana halikan siya pero umiwas lang ito. "Amoy alak ka na naman... dinaig mo pa ako. Ako ang lalaki dito pero maaga akong umuuwi. Uwi pa ba ito ng matinong babae Vina. Tapos uminom ka na naman ng alak"pasigaw nitong turan. Sakin wala na ito ganito naman palagi ang dialog niya sakin kapag ganito ang nangyari. Di nalang ako iimik para wala ng gulo at hindi na hahaba pa ang usapan. "Kumain ka na ba?"pag iiba ko ng usapan. Maupo na ako sa sofa namin na kahoy para mag alis ng sapatos ko. Sa ganitong sitwasyon kami nabungaran ng nanay ni Tommy. "Aba at umuwi ka pang babae ka. Anong oras na, kawawa naman itong anak ko simula ng kinasama ka. Wala ka ng ginawa kundi ang maglasing at magpagabi ng uwi..."madami pa siyang sinasabi pero di ko nalang din pinansin. Tumayo na ako at itinulak na ang wheelchair ni Tommy. Nga pala polyo victim si Tommy noong bata ito, nong nakilala ko siya nakakalakad pa naman si Tommy hanggang sa dalawang taon namin na magkasama pero bigla nalang nanghina ang tuhod ni Tommy hanggang nagtuloy tuloy ng di nakalakad. "Bastos ka talagang babae ka! Tommy hiwalayan..."hindi na nito naituloy ang iba pa nitong sasabihin ng isarado ko na ang pinto ng kwarto namin. Hinarap ko naman si Tommy para buhatin ito palipat sa kama ng isang malutong na sampal ang inabot ko mula kay Tommy. "Wala kang karapatan na bastosin ang nanay ko! Iyan ba ang nakukuha mo sa pagsama sama sa mga walang kwenta mong mga kaibigan. Umalis ka na diyan sa pinapasukan mo sa lunes hindi ka na babalik sa lugar na iyon. Naiintindihan mo!"sigaw ni Tommy. Wala mang silbi ang mga paa ni Tommy pero malakas pa din naman ang mga kamay nito. Nagawa pa nga niya akong sabunutan at pagsasampalin kanina habang nagsasalita siya. Ni minsan hindi ako nagsalita o lumaban sa kanya. Kasi ginagalang ko siya bilang partner ko. Isa pa wala din naman akong matatakbuhan kung sakali kundi sa kanya lang. Sanay na naman ako sa sitwasyon ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook