bc

Making Her Mine (The Servaño Siblings 1)

book_age16+
132
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
HE
arranged marriage
heir/heiress
sweet
addiction
like
intro-logo
Blurb

Laura Nicole was married to the oldest son of the Servaño, Hiro Servaño. Pero hindi kagaya niya na excited na maging asawa ang binata ay hindi nito gusto ang kanilang kasal. Kaya naman ay nagtiis si Laura na manatili sa piling nito sa pag-asang magugustuhan din siya ng binata kalaunan. Ngunit nagkamali siya dahil makalipas ang dalawang taon ay nag-file ng divorce ang kaniyang asawa. Masakit man ay tinanggap iyon ni Laura. Pinakawalan niya ang asawa kahit na nalaman niyang buntis na siya.

Makalipas ang ilang taon ay muling nagkita ang dalawa. Walang ideya si Hiro na may anak si Laura. Ngunit mariin itong tinatanggi ng dalaga na siya ang ama ng bata. Ngunit hindi mapakali si Hiro kaya minabuti niyang alamin ang katotohanan.

Sa ikalawang pagkakataon na sila ay magtatagpo, magawa na kayang buksan ni Hiro ang puso para sa dating asawa? O magawa pa kayang tanggaping muli ni Laura ang binata kahit na makalipas ang ilang taon ay nasasaktan siya dahil dito?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Sign this, and we're done." Napatitig ako sa papel na nakapatong sa lamesita. I took a deep breath and nodded. Iyon ang divorce papers namin ni Hiro Servaño. Ang asawa ko ng dalawang taon—mali. Ni minsan ay hindi niya nga pala ako itinuring na asawa. Hindi ko naman siya masisisi dahil hindi naman talaga kagaya ng ibang relasyon ang mayroon kami. "O-Okay. I will sign it," nahihirapang sabi ko. Hiro and I got married because of our parents. Business partners sila at gusto nilang maging isa ang mga pamilya namin. It was okay for me, but never to him. Hindi niya gusto na makasal sa akin. Kababata ko si Hiro kaya alam ko kung bakit. May girlfriend siya na hindi naman tanggap ng mga magulang niya. "What are you waiting for?" Bumuga ako ng hangin at unti-unting kinuha ang sign pen na nakapatong sa papel. Nakakainis pa kasi kitang-kita ko ang panginginig ng mga kamay ko. Aaminin ko, umasa ako. Umasa ako na sa loob ng dalawang taon na magkasama kami ay magagawa niya rin akong gustuhin. Pero kahit na ano ang gawin ko ay hindi iyon nangyari. Wala siyang bumakbibig kundi si Naomi. Puro na lang si Naomi. Pero ako na asawa siya, na mahal na mahal siya ay hindi manlang niya magawang tingnan. Kaya nga noong ikinasal kami ay pilit niya akong pinapirma na makalipas ang dalawang taon ay maghihiwalay rin kami. Oo, gusto ko si Hiro. High school pa lang kami ay gustong-gusto ko na siya. Siya ang panganay na anak ng mga Servaño. Ang tagapagmana ng pinaka mataas na posisyon sa kanilang kompanya. Kaibigan ng daddy ko ang pamilya nila kaya madalas ko rin siyang makita. Lahat na siguro nang pagpapapansin ko kay Hiro ay nagawa ko na. Kaya noong sinabi ni Dad na magpapakasal ako sa kaniya ay sobrang natuwa ako. Akala ko finally ay makakalimutan na niya ang girlfriend niyang starlet. "Done," sabi ko pagkatapos kong pirmahan ang papel. Agad na kinuha ni Hiro ang papel. Sandali niya iyong binasa bago tumingin sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin. "Ibibigay ko na 'to sa attorney ko. Siya na rin ang magdi-discuss sa 'yo ng mga makukuha mo sa akin. You can keep this house if you want." Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng bestida ko. "S-Sigurado ka na ba talaga, Hiro? Wala lang ba sa 'yo ang dalawang taon na 'yon?" tanong ko. Umaasa pa rin na hindi niya itutuloy ang kahibangan na ito. Napangisi si Hiro. "Bakit naman hindi ako magiging sigurado? We had this contract since our marriage started. I am sure, Laura." Sandali siyang tumigil at nangunot ang noo. "H'wag mong sabihin na ayaw mong makipaghiwalay sa akin?" Nag-iwas ako ulit ng tingin. Hindi lingid sa kaalaman ni Hiro na may gusto ako sa kaniya. Kaya nga kahit na ano ang gawin kong pakikipaglapit sa kaniya ay umiiwas siya. Dahil alam niya na gusto ko siya. "We are a mistake, Laura. You know that. Hindi ko gustong magpakasal sa 'yo pero tinuloy ko. Dahil inirerespeto ko ang mga magulang natin. So, please. Don't ask for too much. We can never be together," mariin niyang sabi. Lalong hindi na ako nakasagot. Pakiramdam ko ay may bumara na sa lalamunan ko. Parang kutsilyong tuamtarak sa dibdib ko ang mga salita niya. Napakasakit isipin na kahit na ano pala ang mangyari ay hindi niya ako magugustuhan. Kahit manlang bilang kapatid. "I'll go now. H'wag ka nang umasa na uuwi pa ako. My maids will take my things for me." Noong marinig kong nakaalis na si Hiro ay doon lang ako napabuga ng hangin. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Hindi ko sana gustong makipaghiwalay sa kaniya. I want to stay with him the rest of my life. Pero ano ang gagawin ko? Ayaw niya talaga sa akin kahit na ano pa ang mangyari. Sigurado ako na tuwang-tuwa na siya ngayon dahil Malaya na niyang makakasama si Naomi. Nasapo ko na ang bibig ko at pilit na pinakalma ang sarili. Ngunit dahil sa aking ginawa ay biglang bumaligtad ang sikmura ko. Dali-dali akong tumayo at tumakbo papunta sa kusina. Doon ay sumuka ako sa lababo kahit na wala namang lumalabas sa bibig ko. Hinihingal pa akong napaupo sa upuan habang nagsasalin ng tubig noong bigla akong may na alala. Hindi pa ako nagkakaroon ng buwanang dalaw! Napalunok ako. Oo, hindi man kami kagaya ng ibang mga relasyon ay may nangyayari sa amin ni Hiro. Pero nangyayari lang iyon sa tuwing nalalasing si Hiro. Ni minsan ay hindi niya ako ginalaw na walang alak sa sistema niya. Tapos ay pangalan ni Naomi ang palagi niyang binabanggit. Tiniis ko iyon kahit na masakit. Agad akong tumayo at nagpunta sa kwarto namin para magbihis. Kailangan kong makumpirma ito. Baka kapag malaman ni Hiro na buntis ako ay hindi na niya maisip na ituloy ang paghihiwalay namin. Lumabas ako ng bahay dala ang pag-asang tama ang hinala ko. Pumunta ako sa pinaka malapit na butika at bumili ng pregnancy kit. Pagkatapos ay umuwi rin ako agad para gamitin iyon. "Yes!" masayang sabi ko habang nakatitig sa dalawang linya ng pregnancy kit. Buntis ako! Siguro kung tama ang pagkalkula ko ay isang buwan na akong buntis dahil iyon ang huling beses na mayroong nangyari sa amin ni Hiro. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Hiro. Ngunit hindi ito sumasagot. Kaya naisipan kong maligo na lang para pumunta sa opisina nito. Pagkarating doon ay agad akong pinapasok ng guard sa building. Alam ng lahat na ako ang asawa ni Hiro kaya hindi na nila ako hinaharang. Papasok na ako sa opisina niya noong bigla akong hinarang ng sekretarya ni Hiro. "Why?" "Ahm, M-Ma'am. Hindi po kayo pwedeng pumasok ngayon sa loob." Umarko ang kilay ko. "Ako? Bakit naman? Bibisitahin ko ang asawa ko. May kailangan akong sabihin sa kaniya." Nangunot ang noo ko noong mapansin kong hindi mapakali ang mga mata nito. Hindi ito makatitig sa akin ng deretso. Kitang-kita ko pa ang pamamawis ng noo nito kahit na napakalamig naman sa loob. Doon ay bigla na akong nakaramdam nang kakaiba. Hindi ko na siya pinansin at dali-daling pumasok sa loob ng opisina. Nanlaki ang mga mata ko noong makita kong nakaupo si Hiro sa swivel chair niya, at sa kandungan niya ay naroon si Naomi na nakakuyampot pa ang mga kamay sa leeg ng asawa ko. "Laura? What are you doing here?" nagtatakang tanong ni Hiro. Ni hindi manlang ito nag-alala sa presensya ko. Asawa niya ako! Dapat ay itinutulak na niya si Naomi! Humigpit ang hawak ko sa pinto. Biglang Nawala ang lahat ng galak na nararamdaman ko dahil nalaman kong buntis ako. Para saan pa nga ba na sabihin ko sa kaniya ang sitwasyon ko? Masayang-masaya na siya ngayon dahil makakasama na niya ang totoong mahal niya. Ang babaeng talagang gusto niyang makasama habang-buhay. "I-I... Nothing." Dali-dali na akong tumalikod at patakbong umalis sa silid. Halos madapa pa ako dahil unti-unti nang nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga luhang namumuo sa gilid ng mga mata ko. Ganoon na lang ba talaga iyon, Hiro? Ni hindi ka manlang nagpakita nang kahit na anong pangamba na mawawala na ako sa 'yo. Kahit katiting manlang ay hindi mo ako magawang tingnan kagaya ng mga titig mo kay Naomi. Kahit kaunti lang sana. Kahit para na lang sa magiging anak natin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook