bc

Outflank

book_age18+
28
FOLLOW
1K
READ
brave
police
twisted
mystery
small town
friendship
self discover
crime
dystopian
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Asia Reyes, a police officer, dreams to join the Intelligence Division because she wants to enjoy her life as police with the challenges waiting for her. And after she finally grabs it, a sudden mission will change her life.

***

In the year 2045, five friends decided to serve the country. Intelligent, wealthy, and skilled servants of the people. Their professions are different but their path will meet because of one mission: To save their city using their chosen profession.

FIVE EXCELLENT PEOPLE. FIVE STORIES. ONE MISSION.

BATTLE SERIES #1

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHAPTER 1: Halos lahat ng empleyado ay nakakaranas muna ng pakikipaglaban sa init ng araw sa tuwing papasok sila sa kanilang trabaho. Hindi pa man nakakarating sa mismong lugar kung saan siya nagtatrabaho ay halos maligo na siya sa sarili niyang pawis o hindi kaya ay amoy usok at polusyon na ang kanyang suot na damit mula sa mga sasakyan na nakakasabay niya byahe. Sa oras naman na marating na nila ang lugar ay makakarinig ka pa sa kanila kung minsan ng ‘salamat’ bilang tanda na sa wakas ay tapos na ang kanilang hirap sa byahe. Makakaramdam na sila ng presko dahil sa opisina nila ay may malamig na buga ng aircon at mararanasan mo na iyon maghapon, at sa totoo lang ay nakakadagdag iyon ng rason para ganahan ka magtrabaho. Madaming tao ang nakakaranas ng hirap sa byahe, dahil hindi naman lahat ng empleyado ay nabiyayaan ng sariling sasakyan. Katunayan nga niyan ay mas madami ang sumasakay sa pampublikong sasakyan kaysa ang may sariling sasakyan, kaya bukod sa init at pagod ay kalaban din ng mga pasahero ang kapwa nila pasahero sa pagsakay. Ngunit may ibang tao naman na kahit nakarating na sa kanilang trabaho ay naiinitan pa rin, magsisimula na silang magtrabaho pero kaaway pa rin ang init ng araw. Wala sa kanilang pinapasukan ang kwarto na may malamig na hangin, bagkus ay mas malala pa sa init at lagkit dulot ng byahe ang kanilang dadanasin sa kanilang pinagtatrabahuan. Ganyan ang araw-araw na buhay ng isang babaeng pulis na naka-assign sa Traffic Division. Hindi siya sumasakay sa pampublikong sasakyan papasok sa trabaho, ngunit motor naman ang sinasakyan niya, kaya nakakaranas pa rin sila ng init ng araw papasok. At ang lugar kung saan naman siya magtatrabaho, ay sa kalsada kung saan haharap siya sa usok at polusyon mula sa mga sasakyan. ‘Sawa na talaga ako rito,’ iyon ang palaging laman ng isip ng dalaga. Bago pa lang siya sa trabahong ito pero gusto na niya agad sumuko. Tipong kahit dalawang oras pa siya maligo bago pumasok, pagdating sa kalsada ay pawis na pawis pa rin siya. Kulang na lang ay maligo siyang muli sa kanyang pinagtatrabahuan maya’t maya maalis lang ang irita at lagkit ng kanyang katawan. Malapit nang magtanghalian; kaya ito ang oras na galit na galit ang araw, at ito rin ang oras na nagmamakaawa ang dalaga na kung maari ay hayaan muna siya sa tapat ng electric fan. Para sa kanya, ang makaramdam ng hangin pagkatapos humarap sa init ay maikukumpara niya sa pakiramdam na bagong sweldo ka at kakain ka sa mahal na restaurant. “Asia, mamaya ka na magbabad diyan, trabaho muna,” bati sa kanya ng kasamahan niyang pulis. Kahit naman saang trabaho ay bawal talaga ang magpahinga kung hindi pa oras ng pahinga. Sino ba naman ang amo na matutuwa kung makikita mo ang empleyado mo na hindi nagtatrabaho nang maayos matapos mong tanggapin sa kompanya mo at alukin ng maayos na sweldo? Alam iyon ni Asia, ngunit sa tuwing manghihina siya sa init ng araw ay nakakalimutan niya ang tungkol sa bagay na iyon. “Hayaan mo nga ako, gumawa ka ng sarili mong trip at huwag mo akong guluhin!” sigaw ng dalaga. Kahit ilang beses siyang sabihan ng kanyang kasamahan ay may katigasan na talaga ang kanyang ulo. Katwiran niya ay madali lang namang tumakas kung sakaling maramdaman niyang paparating na ang kontrabida sa kanyang pamamahinga. At isang bagay pa, mas gusto niya pang mapagalitan na maginahawa ang pakiramdam kaysa ang manatili sa initan na naghihirap. “Bahala ka, kapag naabutan ka ni Sir Galang diyan, walang sisihan.” Agad na napatayo si Asia nang marinig ang pangalan ng Block Commander nila rito sa Block, nanlaki rin bigla ang mata niya dahil doon. Kahit sinasabihan niya ang kanyang sarili na ayos lang ang kanyang ginagawa, nawawala talaga nang kusa ang tigas ng kanyang ulo kapag binanggit na ng kasamahan niya ang pangalang iyon. “Prrrrrrt!” Isang ingay ng pito ang pumukaw sa atensyon nilang dalawa. Paglingon palang sa pwesto kung saan niya narinig ang pag-pito ay pansin na agad kung ano ang nangyayari. Mabilis na lumabas si Asia para tingnan kung ano ang sitwasyon, mahirap na wala siyang alam sa nangyari dahil tiyak na siya ang tatanungin ni Sir Galang tungkol doon. At tiyak din na sermon na naman ang aabutin niya kapag hindi siya nakasagot. “Anong nangyari?” Bago lapitan ang mismong insidente ay kinausap muna ni Asia ang isa pang lalaking traffic enforcer na nakatayo malapit sa nangyari. Mas pinili ng dalaga na alamin muna ang sitwasyon bago makigulo sa mismong isyu. Sa ganitong paraan ay alam niya na kung paano haharapin ang problema bago pa niya ito puntahan. Umayos muna ng tayo ang kanyang kinausap bilang pagbigay ng respeto kay Asia. “Nag red light kasi Ma’am, tapos dumiretso pa rin ‘yung Driver na ‘yan,” paliwanag niya habang nakaturo sa driver ng jeep na nakahinto sa harapan nilang dalawa. Napansin ni Asia na nagtatalo na ang isa pang taga-traffic at ‘yung driver, hindi na bago sa kanya ang ganoong senaryo dahil madalas naman na siyang makakita ng ganitong uri ng driver sa kalsada. Naiintindihan niya rin na mahirap talagang paliwanagan ang mga makukulit na nagkaroon sila ng violation, dahil sino ba namang driver ang gustong magkaroon ng kaso? Bumuntong hininga si Asia. “Sige, ako na ang bahala,” aniya saka naglakad palapit sa nag-uusap na driver at traffic enforcer. “—kaya nga po pasensya na, Sir.” Iyon ang naabutan niyang usapan ng dalawa paglapit niya. Sa tono palang ng boses ng driver ay halata na agad ni Asia na sanay na ito sa pakikipagtalo, ayaw man niya itong husgahan ay nakikita niyang talagang sinasadya ng driver na hindi intindihin ang kada sasabihin ng kausap nito. Ang totoo ay ilang beses na niyang nagawa ang ginagawa ng traffic enforcer, kaya sa ganitong pagkakataon ay alam niya na kung ano ang dapat na maging solusyon. “Anong problema rito?” singit ni Asia sa usapan nilang dalawa nang tuluyan na siyang makalapit. Nakahinga nang maluwag ang traffic enforcer nang makita ng pagdating niya. Alam niya kasing kung pulis na ang hahawak sa problema ay mas madali itong matatapos, dahil karamihan sa mga driver na nakakaharap nila rito sa ganitong pagkakataon ay natatakot na at sumusunod na lang kapag nakita na ang haharap sa kanila ay naka-uniporme ng pang-pulis. Naunang sumagot ang taga-traffic, “Ma’am, pinapaliwanag ko nga sa kanya—” “Ma’am! Ano po bang violation ko? Maayos naman ang pagmamaneho ko, eh,” kamot ulong tanong ni Manong Jeepney Driver. Napabuntong hininga muli ang dalaga, napagtanto niya na tama ang kanyang hula na ayaw nga magpatalo ng driver para hindi siya magkaroon ng violation. Nainis din siya sa parte na hindi pa man nakakatapos magsalita ang isa ay sumingit na agad ang driver. Masyado nitong pinapahalata na alam niya namang nagkamali siya ngunit pinipilit niyang lumusot. “Beating the red light, hindi na green ang traffic light pero tumakbo ka pa rin. Ilang beses na ba sa 'yong ipinaliwanag ng kausap mo ang violation mo?” medyo inis ang tono ng boses ni Asia. Alam niya namang sinabi na iyon ng paulit-ulit ng traffic enforcer, pero gusto niyang ulitin iyon sa driver para maipakita niyang naiintindihan niya na ang nangyayari at mabahala na ang kausap niya na hindi lang siya basta-bastang pulis. Kalimitan din kasi sa ganitong kaso na naranasan niya ay kinakayan-kayanan lang siya ng mga driver dahil isa siyang babae. “Ma’am, hindi ko naman kasi napansin kaagad kaya pasensya na po talaga—” “Lisensya mo?” tanong ng dalaga, nakalahad pa ang kamay nito sa harap ng Driver. Ayaw talaga ni Asia ng mga taong dinadaan na lang sa paawa ang usapan kapag nagkakaroon na ng kasalanan, ayaw na lang harapin ito nang matapos na. Mahaba na ang naging pagtatalo ng dalawa kaya alam niyang narinig na ng traffic enforcer kung ano naman ang sasabihin niya, kaya hindi niya na iyon kailangan pang marinig. At isa pa ay wala naman siyang pakialam doon, hindi naman siya lumapit sa gulo para sa paliwanag nito. Hindi iniabot ng Driver ang lisensya niya, napansin ni Asia na nakatingin ito sa kaliwang dibdib niya. Lalong nainis ang dalaga dahil akala yata ng Driver na kaharap niya ay hindi niya alam ang iniisip nito. Maaring bago nga siya sa pwestong ito, ngunit hindi siya bago sa mga ganitong istilo ng mga driver kaya alam niya na rin paano ito haharapin. “PO2 Asia Reyes ang buong pangalan ko. At baka mahirapan ka pa magsumbong, gusto mo ba pati address ko na nasa personal record ko ay sabihin ko rin sa ‘yo?” halatang-halata na talaga ang inis sa boses niya. Alam na rin ng kasama niyang Traffic Enforcer na kapag ganyang sagutan na ang naririnig kay Asia, maari na itong mauwi sa away. Pero hindi naman niya ito magawang pigilan dahil mas mataas ang ranggo ni Asia sa kanya, wala ring gustong lumapit sa kanila dahil ayaw din nilang masali sa gulo. At isa pa, naniniwa pa rin siyang si Asia ang makakapagpalambot sa ulo ng driver na kaharap nila. Napakamot ulit ng ulo ang Driver na kausap nila. “Ma’am akala ko kasi ‘go’ na,” patuloy pa rin siya sa paglusot sa halatadong kamalian niya. Muling bumuntong hininga ang dalaga. Kaya niyang humawak ng mga kasong ganito at kaya niyang resolbahan kahit ano pang problema, ngunit maiksi lang talaga ang pisi niya at hindi niya kayang tagalan ang kulit ng diver na kaharap niya. Masyado nang mahaba ang naging diskusyon nila ngunit hindi pa rin talaga ito sumusunod. Ngunit hindi siya susuko, pikon man siya ay kailangan niya pa ring makuha ang kailangan niya sa driver. “Alam ko, may ilan kang pasahero na nagmamadali para pumasok kaya gusto mong makarating agad sa pupuntahan ninyo. Pero kung ako sa ‘yo, ibibigay ko na lisensya ko para makaalis ka na at matapos na rin tayo rito. Ikaw rin, baka hindi ka nila bayaran kasi nahuli sila sa trabaho dahil sa kapabayaan mo,” ani Asia. Wala nang nagawa pa ang Driver kaya iniabot niya na rin ang lisensya niya sa traffic enforcer, pinanood ng dalaga na sinulat ng kasama niya ang pangalan ng Driver. Bago payagang umalis si Manong, binilinan niya pa ito ng mga dapat gawin para makuha ulit ang lisensya niya, pinagsabihan niya na rin ang driver na mag-ingat sa susunod para hindi na ito maulit. Pagkatapos ng pag-uusap ng dalawa ay umalis na ang Driver, halatang dismayado kaya hindi na nito nagawang magsabi na aalis na siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dangerous Spy

read
297.5K
bc

EASY MONEY

read
174.0K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.4K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.7K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.2K
bc

YOU'RE MINE

read
893.2K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
195.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook