bc

Serenity the Alluring Sniper

book_age18+
17
FOLLOW
1K
READ
HE
mafia
heir/heiress
kicking
loser
lucky dog
detective
like
intro-logo
Blurb

Serenity Marquez had a quiet life with her family and boyfriend. She has a culinary arts degree and ran her family's bakeshop. She was satisfied with what she had and had plans to settle down with his partner Lucas. But one day, his officer lover Lucas was murdered by a syndicate. That's when she gets an offer from a girl named Proserpine Mondragon to be one of her agents fighting the syndicate, the Black Hawk Organization.

Vaughn Smith was satisfied with his life in the United States with his mother and half-sisters. He owns a training facility and works as a martial artist, as well as a ramp and commercial model. However, he was offered a modeling contract in the Philippines and decided to give it a shot. And he discovered that his half-brother Hades was the leader of a Black Hawk Organization. A narcotics and weapons smuggling ring that also engages in human trafficking.

When Serenity and Vaughn meet paths, they become friends and eventually fall in love.

But will Serenity be able to accept the fact that the guy he used to love was linked to Hades? And can Vaughn disregard and forget his bond with his brother in order to pick the lady he loves? Can they live the modest life they wish in the presence of the syndicate?

chap-preview
Free preview
Prologue
    "Hello?... Ms. Proserpina, may update na po ba sa misyon?" tanong ko sa nasa kabilang linya na si Ms. Proserpina Mondragon. Ang leader ng Black Angels Organization.   "Yes, meron na," tugon naman nito, "Actually, I'm about to call you. " She added.    "I'm glad to hear that. Ano na po ba ang gagawin natin?" tanong ko ulit.   "Sora already found the target's location. Check your emails. Ipapadala sa'yo ni Lily ang mga information na kailangan niyo para sa misyon. Then, George, Alexa, and Celestina will help you perform the mission," paliwanag ni Ms. Proserpina.    "Copy that, Maam!" Then I ended the call.    Binuksan ko ang laptop ko at binasa ang emails ni Lily. We called her the microprocessor because she was a computer and technology genius. I messaged her and the rest of our team para pag-usapan ang gagawin namin na misyon.     Maya-maya lang ay kausap ko na sila sa isang group chat sa isang messaging app na si Lily mismo ang gumawa. She personally design and invented this app, para maging safe at secure ang lahat ng usapan namin tuwing may misyon kami.      "I already hacked the whole CCTV system in that area," Lily informed us while busy doing something with her laptop.    "Good job, Lily! Now, that we already know what to do, simulan na natin ang misyon," Celestina said, ang hot na locksmith ng grupo. "Good job din, Sora. Ang bilis mong nahanap ang location ng kalaban, ha." Dagdag pa nito.     "Of course! Walang tatalo sa marites power ni Sora," Alexa joked.     "Excuse me? Marites power ka riyan! Alindog at abilidad ang ginamit ko para mahanap sila, no!" pabiro rin na banat ni Sora na ikinatawa naming lahat.      "Maghahanda na kami para sa misyon. Ikaw na muna ang bahala sa bar tonight, Sora," bilin ni George. Ang pretty fiery bomber ng grupo.       "Sure! Ako na ang bahala. Mag-iingat kayo sa misyon mamaya," bilin din ni Sora. Siya ang spy ng grupo.        "Thanks, Sora." I said to her, "I have time to bake, habang pinag-aaralan ang location ng target." Masayang wika ko sa kanila.       "Ako naman may oras pa para makipag-sexy time sa honey ko." Nakangisi na turan ni Alexa. We called her the invisible speed. Dahil mabilis siya sa lahat ng bagay lalo na sa pagmamaneho ng sasakyan.      "Okay... before we heard too much information about Alexa's sexy time, tapusin na natin ang usapan na ito." Naiiling pero nakangiti na sabi ni Celestina.      Nagkatawanan na lang ulit kami.      "Mabuti pa nga. See you later, guys. Bye!" Paalam ko sa kanila. Nauna na akong magpatay ng camera. For sure hahaba lang ang huntahan namin dahil sa kalokohan nina Sora at Alexa.       We have to prepare for tonights mission. Hindi kami pwedeng magpabaya at pumalpak dahil may buhay na nakataya.    Mabilis akong naghanda para pumunta sa bakeshop na pag-aari ng pamilya ko. Hindi iyon kalakihan pero kumikita naman ng sapat para sa simple naming pamumuhay. Kamuntik na 'yung mawala sa amin noon pero sa tulong ni Ms. Proserpina ay naisalba namin ang bakeshop sa pagkalugi nito. Pero hindi alam ng pamilya ko kung ano ang kapalit ng malaking halaga na ibinigay nito sa akin.      Nang marating ko ang bakeshop ay may mangilan-ngilan kaming customer na kumakain at bumibili ng tinapay at iba pang pastry.      Tinulungan ako ni Mama na mag-bake ng mga cupcakes na kailangan ko. Kaya naman mabilis akong natapos mag-bake.       Ang alam lang ni Mama ay may customer akong pagdadalhan ng mga cupcakes. Hindi niya alam na para sa misyon namin ang mga ito.     I have to lie to them about my real job. Ang alam nila ay nagtatrabaho ako bilang pastry chef sa isang hotel. They had no idea I was a secret agent for a syndicate-fighting organization, which is the Black Angels' organization.       "Mauna na po ako, Mama. Kayo na po ang bahala na magsabi kina Papa na nagpunta po ako. Kailangan ko pong madala sa oras itong mga cupcakes." Paalam ko kay Mama habang inilalagay ko sa kotse ang mga box ng cupcakes.      "Sige, anak. Mag-iingat ka." Bilin ni Mama na kumaway pa at hinintay makaalis ako bago pumasok sa bakeshop.        Napangiti ako ng malungkot. I felt so guilty that I had to lie to them. But, I really have to do this. Because, this is the only way para mapabagsak namin ang Black Hawk Organization. Ang sindikato na may kinalaman sa pagkamatay ni Martin. My late police officer boyfriend, who died because of that syndicate. *****    "Nandito na ako sa location ko," I inform them.      Nakakapag-usap kami thru micro chips na nakakabit sa mga hikaw namin.      "Mag-iingat ka, Serenity. Naka-stand by na kami para kumilod," Celestina said, na nakapuwesto na sa location niya kagaya ng iba pa naming mga kasama.      "Ready na ako sa romansa--este sa pagratsada ng makina," biro ni Alexa.      "At kating-kati na ang mga kamay ko na pasabugin ang mga kotse nila," sabi naman ng bomb expert na si George.      "Let's get it on, girls!" Celestina cheered.      And that's my cue para pumasok sa building na katapat ng building kung nasaan ang target namin.       "Goodevening, Maam! Sino po ang sadya niyo?" Magalang na bati at tanong sa akin ng security guard.      I smiled to him sweetly and answered, "Kay Mrs. Reyes po, Manong guard. May i-de-deliver po ako sa kaniyang cupcakes."    "Sandali lang po, Maam. I-confirm ko lang po kay Mrs. Reyes," magalang na ani ng guard.     "Sure, Manong! Go, ahead po." Nakangiti na tugon ko rito. Hinintay ko na matapos itong makipag-usap sa telepono.         Being an agent, we have to use our charm and beauty to easily penetrate our targets' information and location.        "Okay na po, Maam," inform sa akin ng guard. "Kailangan niyo po ng tulong?" Tanong pa nito.       "Hindi na po. Kaya ko na po ito. Salamat po." Nginitian ko ulit ito saka ako naglakad patungo sa elevator dala ang mga box ng cupcakes na ginamit ko para makapasok sa building na ito.       Nang marating ko ang palapag na kinaroroonan ng unit ni Mrs. Reyes ay agad kong ibinigay ang order nitong cupcakes.        "Thank you for personally delivering my orders." Nakangiti na wika ni Mrs. Reyes. "Are you sure, ayaw mo munang pumasok para mag-kape?" Tanong pa nito.       "Ahm... I'll go ahead na po. Kailangan ko pa pong i-deliver itong mga cupcakes, eh. Thank you so much, by the way, Mrs. Reyes. " I said to her.       "Okay, you're welcome. Sa uulitin." Nakangiting sabi ni Mrs. Reyes before closing the door of her unit.       Mabilis ko namang tinungo ang fire exit para tunguhin ang rooftop ng building. Bilang ang bawat segundo namin sa lugar na ito. Hindi kami pwedeng mag-aksaya ng oras.       "Nandito na ako sa rooftop." I informed them. Habang binubuksan ko ang isa pang box na dala ko. Kung saan ko itinago ang sniper riffle. Mabilis ko itong in-assemble saka ko isinuot ang mask ko. We always wear a half-faced mask. Para in case na may bulilyaso ay hindi kami mamumukhaan.      And obviously, I'm the sniper in our team.   "Ready na rin ako. Just tell me kung pwede ko ng buksan ang hotel room ng target," Celestina said. Siya ang in-charge sa pagkuha sa biktima na nasa katapat ng hotel room na kinaroroonan niya.       "Papasok na sa kinaroonan ng biktima ang target," Lily informed us. Naka-monitor sa laptop niya ang lahat ng kilos namin pati na rin ng mga kalaban.   "Okay! I'm ready to blow his head off. " I said while focusing my riffle sa bintana ng hotel room kung nasaan ang target at biktima nito.          Ang target namin ay isa sa mataas na miyembro ng Black Hawk Organization. Isa ito sa walang kaluluwa na pinagsasawaan muna ang mga babaeng biktima nila bago ibenta sa mga parokyano ng mga ito. They usually kidnap innocent women.       Kaya siguro madaling nawala ang konsensya ko sa pagpatay sa mga taong kagaya nila.      "He's already in, Serenity," Lily told me.  "I can already see him from my riffle." I said. Then I put my finger sa gatilyo ng sniper rifle ko.      At bago pa magawan ng masama mg target ang kawawang biktima nito ay pinatamaan ko na agad ito sa ulo. Hindi pa ko nakontento dahil pinatamaan ko rin ito sa puso bago ito tuluyang bumagsak.      "I'm done. You can get her, Celestina." I told her. Saka ko sinimulang iligpit ang mga gamit ko.   "Ako na ang bahala sa kaniya." Celestina got out of the other room and used the key she personally made to open the vip hotel room of the target. "I already have her. Alexa and George get ready girls!" Mabilis na nailabas ni Celestina ang biktima at idinaan sa fire exit patungo sa parking lot ng hotel. Kung saan nakaabang na sina Alexa at George.       "I'm always ready," Alexa said.      "As well as my bomb," sabi naman ni George.     "At ako na ang bahalang magbura sa mga CCTV footage ng hotel at ng buong lugar na iyan," Lily told us. "Wait! Guys, bilisan niyo ang kilos. Alam na nila na wala na ang isa sa miyembro nila." Pagbibigay alam nito sa amin.       "That fast?!" Sabay-sabay na react namin.       "Mabuti na lang nakaalis kami agad doon. Malapit na kami sa parking lot, girls. The victic was drugged." Saad ni Celestina habang akay nito ang biktima.     Mabilis nilang narating ang parking lot at agad siyang sinalubong nina Alexa at George.      "Bilisan natin!" Binuksan ni George ang pinto ng back seat ng kotse.        "Let's go!" Agad na sambit ni Celestina nang makapasok na sila ng biktima sa kotse.     "Here we go!" Pinaharurot naman kaagad ni Alexa ang sasakyan.        Nang medyo malayo na sila sa building ay may dalawang sasakyan na nakasunod sa kanila.       "May dalawang sasakyan na nakasunod sa inyo," Lily informed them.       "I got this, girls." Confident na turan ni George. Maya-maya pa ay magkasunod na sumabog ang dalawang sasakyan na nakabuntot sa kanila habang pinapaulanan sila ng bala. "I told you, girls." Nakangisi na sabi nito.        "Ang bilis mong nataniman ng bomba ang mga sasakyan nila, ha." Nakangisi rin na wika ni Celestina kay George.      "Girls, may panibagong nakasunod sa inyo!" Lily exclaimed.     "Naku! May pahabol pa pala. As if namang makakahabol siya sa bilis ko. Kapit girls!" Napapalatak na sabi ni Alexa saka pinaharurot pang lalo ang sasakyan.       "Girls, nakasunod na ako sa inyo. Ako na ang bahala sa isang 'yan." Saad ko habang inaasinta ang naka-motor na nakasunod sa kanila.      "Ayos! Itotodo ko na 'to!" Sigaw ni Alexa habang nagmamaneho.      "May ibibilis pa 'to?" Napakapit ng mahigpit na tanong ni George.      Ako naman, habang nagmamaneho ng kotse ay inasinta ko ang lalaking naka-motor na pilit na humahabol sa mga kasama ko. Gamit ang silencer gun ay pinatamaan ko ang lalaki sa ulo nito.       "Mission accomplished." I said.      Parang walang nangyari na dinaanan ko ang lalaki na nakabulagta na sa kalsada. Wala na itong buhay.    Lingid sa kaalaman ko na may nakakita sa ginawa kong pagbaril sa lalaki.     

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dangerous Spy

read
297.5K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.2K
bc

SECRET AGENT; FREYAH KNOXVILLE | MR. BILLIONAIRE'S EX WIFE (TAGALOG)

read
13.6K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.7K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.4K
bc

EASY MONEY

read
174.0K
bc

YOU'RE MINE

read
893.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook