bc

The Ugly Girl In My Dream (Tagalog)

book_age4+
37
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
playboy
CEO
witch/wizard
drama
comedy
bxg
lighthearted
city
like
intro-logo
Blurb

Walang hinangad si Aliyah na maikasal lang sa taong minamahal niya ngunit ang inaasam niyang kaligayahan na maikasal ay siyang makapagbabago sa kaniyang katauhan bilang isang Chuchay na pangit. Walang mali sa kaniya para iwan at saktan siya ng mga lalaking minamahal niya. Maganda naman siya, seksi, mabait, matalino halos nasa kaniya na ang lahat na katangian ng babae pero iniiwan pa rin siya. Walang mali sa kaniya para iwan siya

Labis labis ang sama ng loob at hinanakit sa puso niya at isinumpa niya sa kalangitan habang bumubuhos ng malakas na ulan na magiging isang bangungot siya sa mga kalalakihan na ang tanging matatamaan ay ang isang babaerong tao at iyon ay si Alec Fernando.

Siya na ba ang magiging sagot sa lahat ng kalungkutan ni Aliyah at ang pupuno ng pagmamahal sa puso niya o isa rin siya sa mga lalaking magiging pasakit sa puso niya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Isang linggo na ang nakalipas mula ng iwan siya ng kaniyang magiging asawa sana na si Lance ngunit hindi natuloy ang kanilang kasal dahil sa nabuntisan niya ang kaniyang ex gf. Buong linggong pagmumokmok ang kaniyang ginawa at stress sa sobrang pag-iisip sa ginawa ng hinayupak na Lance na yun. Simula ngayon hinding hindi na ko maniniwala sa mga lalaki, pinaasa niya lang ako. Kagaya din pala siya sa mga naging Bf niya dati. Mula ngayon ibang tao na ang haharap sa inyo, hindi na ako si Aliyah ako na ngayon si Chuchay isang pangit na nakakasuka ang itsura, hahahaha. Hindi pa naman ako baliw sa lagay na ito noh. I want change, all of me. Dahil gusto ko subukang maging pangit baka sakaling may main love naman sa akin ng todo. Yung aayain niya ko magpakasal at ihaharap sa altar. Walang kuwenta ang ganda ko kung lagi naman iniiwan. Isang malakas na katok sa pintuan ng aking kuwarto. Bumangon ako at sinuot ang malaking eye glasses, tinignan ko ang aking sarili at nagulat ako sa salamin ng makita ko ang aking itsura, waaahh ang pangit mo yuck, sabi ko sa sarli ko.Baliw na ba ako, naalala ko pala kung anu ano na lang ang pinaggagawa gawa ko kahapon sa aking sarili. Anak ang tagal mo naman buksan ang pinto, saglit lang po Momy lalabas na po. Pagkabukas ko ng pinto nagulat ang Momy ko ng makita niya itsura ko at muntik ng mahimatay. Momy naman ako lang to, ako ito ang anak niyo si Aliyah. Para naman kayo nakakita ng multo diyan. Eh mukha ka naman kasi multo, bakit ganyan kasi ginawa mo sa mukha mo anak. Eh di ba nga Momy sabi ko sayo kahapon na I want change. Kaya ito na ako ngayon, ako na si Chuchay. Huwag niyo na akong tawaging Aliyah at kapag may naghanap sa akin sabihin niyong patay na siya. Hindi ka ba nababaliw anak baka baliw ka na sabihin mo lang ng mapagamot ka namin ng daddy mo sa mental hospital, lumaki tuloy eyebol ko sa sinabi niya. Mommy sigaw ko sa kanya, joke lang naman anak. Nag aalala lang ako sayo baka kutsain ka ng mga taong makakakita sayo.Pagtawanan ka lang anak. Kilala niyo naman ako Momy diba, nagpapanggap lang naman akong pangit, saka hahayaan ko lang sila kung ano ang sabihin nila sa akin, alam ko sa sarili ko na hindi ako pangit, magkukunwari lang naman akong pangit. Sabay na kaming bumaba ng hagdanan ni Mommy. Gutom na gutom na talaga ako, mapaparami ata ako ng kain ngayon. Andun na sila kuya at Daddy sa mesa habang inaantay kami ni Mommy. Napatingin sila sa akin at tumawa sila ng pagkalakas lakas at ganun din si Daddy tinawanan lang din ako. Hayaan mo na sila anak, tumigil na kayo diyan. Isa ka pa Ismael tumigil ka na din diyan. Anak mo pa yan Ismael, kung makatawa ka wagas. Hindi naman sa ganun hon, masaya lang ako kasi nakakarecover na yung anak natin. Habang kumakain kami, si kuya Andrew ang unang nagsalita. Anong nakain mo bakit naging ganyan itsura mo. Tinaasan ko na lamang siya ng kilay. Wala ka ng pakialam kuya, buhay ko to saka di naman kita pinapakialaman huh. Concern lang naman ako sayo kasi ikaw lang nag iisang babae na kapatid ko. Kailan ka pa naging concern sa akin kuya, wala ka na ngang ginawa kundi sirain yung araw ko. Tama na yan kumain na muna tayo at mamaya na natin pag usapan yan suway ni Mommy sa amin ni kuya. Ah mamaya pala Chuchay samahan mo ko mag grocery para makapag libang ka naman, ok lang ba sayo anak. Opo Mommy sasamahan ko po kayo. Bakit pati pangalan mo iniba mo na din sabi ni kuya Jayden yung sumunod kay kuya Andrew ang nagsalita. Syempre naman, Ang ganda ng pangalan ko na Aliyah tapos ganito itsura ko. Dapat ibagay naman ang pangalan sa itsura ko. "Na Chuchay ang bantot", sabi ni kuya. Asar ka talaga kuya wala ka ng paki dun. Total Chuchay naman ang pangalan mo ngayon puwede bang ikaw na lang ang gumawa lahat ng gawaing bahay dito. Ano yan kuya Andrew inuutusan mo ba ako tanong ko sa kanya. Kung gusto mo lang naman kaysa lumabas ka ng bahay matakot pa sayo ang mga tao. Hala, grabe ka sa akin kuya huh. Wala ka na bang ibang paraan para maka move on? Ito ang gusto ko kuya kaya huwag niyo na akong pakialaman. Gusto mo ba ipakilala na lang kita sa kaibigan ko sabat ni kuya Jayden. Ayoko pass muna ako diyan. Gusto ko mag enjoy sa paraan na gusto ko kaya tumigil na kayong dalawa wala kayong mapapala sa akin. Ako ang gagawa ng sarili kong disisiyon at hindi kayo. Fine bahala ka. Mommy ako na po maghuhugas ng plato wait niyo na lang po ako dun sa terrace. Huwag na anak hayaan mo na ang mga katulong diyan. Masyado mo naman dinibdib yung sinabi ng mga kuya mo sayo. Ok lang ako Mommy, huwag kayong mag alala. Ang importante masaya ako sa ginagawa ko. Tama ka diyan anak kailangan mong matutunan lahat ng gawaing bahay para pag nag asawa ka na marunong ka na sa lahat. Huwag na muna natin pag usapan ang pag aasawa Mommy, naaalala ko lang yung ginawa ng kumag na iyon eh. Nagmo move on na nga ko si Mommy talaga. Bilisan mo diyan at aalis na tayo. Magbibihis lang po ako saglit Mommy,. Hindi ka pa nakabihis sa suot mong yan. Hindi po bagay sa itsura ko. Hay naku bata ka lahat na talaga binago mo. Mas manang ka pa sa akin anak sabay tawa ni Mommmy. Nakasimangot lang ako habang tinitignan ko siya. Alis na po tayo. Sino yang kasama mo tanong ng kaibigan ni Mommy, andito kami ngayon sa mall at dito na din kami mag grogrocery. Pamangkin ko nga pala si Chuchay galing pa siya ng probinsiya. Ah akala ko katulong mo siya. Kamusta na pala yung anak mong si Aliyah parang hindi ko na siya nakikita tanong ng kaibigan ni Mommy. Nasa America na siya sagot naman ni Mommy. Napaka chismosa naman itong friend ni Mommy. Humakbang na lang ako palayo sa kanila dahil ayaw ko marinig ang pinag uusapan nila. Anak tawag sa akin ni Mommy, bakit mo naman ako iniwan dun. Ayaw ko lang po marinig yung pinag uusapan niyo kaya ako umalis. Mommy bili po tayo ng bagong damit, oh sige mamili ka na. Ako na ang magbabayad. Ano ang iniisip mo, tanong ni Mommy dahil nakita niya akong nakatulala sa mga damit. Wala ka bang nagustuhan dito, wala po eh. Dami kayang magaganda oh eto kunin mo ito isukat mo. Ayaw ko ito Mommy ang pangit po. Puwede po bang sa ukay ukay na lang tayo bumili. Hays ewan ko sayo anak, may kring kring ka na talaga. Si Mommy talaga, kung ayaw niyo po ako na lang po mag isa ang pupunta sa ukay ukay mauna na lang po kayong umuwi. Tampo ka naman agad, siyempre sasamahan kita. Hindi puwede na hayaan na lang kita mag isa na pupunta dun. Thank you po talaga Mommy. Tapos na kaming makapamili ng mga damit sa ukay ukay. Nakakatuwa talaga yung itsura ni Mommy habang namimili ako ng mga damit. Hindi ko talaga maipinta dahil naiinis siya sa mga damit na pinipili ko. Puro maluwang na damit, mahabang palda, maluwang na slacks, short at puro long sleeve lang naman, hahaha... Bukas ko na lalabhan ang mga damit ko, magpapahinga muna ako. Back to Aliyah na naman ako dahil maliligo muna ako bago matulog. Tinanggal ko na muna ang mga pinaglalalagay ko sa mukha, apat na pekeng nunal, makapal na kilay at tinanggal ko din ang makapal na lipstick sa aking labi. Sa loob lang naman ng kuwarto ako nagiging Aliyah eh pero sa labas Chuchay ulit. Pag gising ko sa umaga, pumasok na ko sa banyo para makaligo dahil marami pa akong gagawin sa araw na ito. Back to Chuchay na naman ako Bumaba na ako sa hagdanan, dumiretso na ko sa kitchen dahil nagugutom na talaga ako. Tahimik lang silang kumakain. Nasanay na siguro ang mga kuya ko sa itsura ko dahil hindi na nila ako inaasar. Good morning sa inyong lahat bati ko sa kanila. Good morning din anak. Si Mommy at Daddy lang ang pumansin sa akin. Pasensiya ka na anak kung hindi ka namin ginising dahil alam kong napagod kang namili ng brand new dress mo. Napatingin yung dalawang kuya ko at sinimangutan lang nila ako. Ano kaya nangyari sa dalawang ito. Pinagalitan kaya ni Daddy, buti nga sa kanila. Napangiti na lang ako ng wala sa oras at nakita yun ni Daddy. Mukhang good mood ka ata ngayon anak ha, may pangiti ngiti ka pa diyan. Wala lang Dad masaya lang ako. Kain na lang po tayo. Kumain ka ng madami sabi ni kuya Andrew, himala nagsalita siguro may ipapagawa na naman ito sa akin o kaya may kailangan kaya ganyan siya kabait ngayon. Back to work again, ako na naman ang naghugas ng plato.Hindi na din ako pumapasok sa Coffee shop na pagmamay ari ko. Si kuya Jayden muna ang namamahala doon buti hindi siya nagrereklamo. Baka kagaya din ito ni kuya Andrew dahil may kailangan sila. Sana nga wala. Anak tawag ka ni kuya Andrew mo, bakit daw Mom. Siya na lang ang tanungin mo. Puntahan mo na siya sa kuwarto. Ipalaba mo na lang yung mga damit mo sa katulong. Sige po Mom susunod na po ako. Kakatok pa lang sana ako ng bumukas ang pinto. Oh gulat ka na naman, hindi ah.Pasok ka. Bakit naman ako magugulat sa ganda mong yan. Baliw ka na ata kuya. Ano ba sasabihin mo sa akin. Well di ba naikwento ko sayo nun yung babae na may topak na laging umaaligid sa akin, ah yung ex gf mo na mukhang monggoloid. Naiinis na kasi ako sa kanya. Palagi na lang akong sinusundan. Kung nasaan ako andun din siya. Kaya hindi ako nagkaka gf dahil tinakot niya yung mga babaeng lumalapit sa akin. Bakit may ipapagawa ka ba sa akin at ako ang naisipan mo. Yup ganun na nga, magpapanggap ka lang, hephep.... pinatigil ko na siya sa pagsasalita. Alam ko na yan, sige payag ako pero sa isang kondisiyon. Anong kondisiyon basta huwag mahirap ha. Oo naman, saka ko na sasabihin kapag nagawa ko na yung pinapagawa mo. Mamaya aalis tayo, makikipagkita ako sa kanya. Ihanda mo na ang sarili mo. Oo na kuya, laging handa kaya ito. Sa isang sikat na restaurant kami pumunta ni kuya, panay ang tingin ng mga tao sa akin. Sobrang pangit naman yan, bulungan ng mga tao sa akin.Jumbagin ko kaya kayo sabi ko sa isip ko. Maupo ka na muna diyan, sagutin ko lang itong tawag. Ok kuya bilisan mo ha naiinis na ko sa mga taong walang ginawa kundi pintasan ka sabagay ito ang gusto ko. Ihanda mo na yang sarili mo, malapit na siya. Kanina pa kaya ako handa, excited na me kaya. Natawa na lang si kuya sa paarte kong salita. Paparating na yung babaeng monggoloid, nakasuot siya na kulay red na dress na hapit na hapit sa katawan niya halos makita na yung kalahating dibdib niya. Napaka kapal din ng make up niya at nakasandal na kulay black stilleto na three inches ang taas. Hi babe sorry kung natagalan ako, tinapos ko pa kasi yung meeting namin kanina sabay halik sa pisnge ng kuya ko. May kasama ako Elaine, yup nakita ko. Sino siya babe, alalay mo ba? Tinaasan ko siya ng kilay, ulitin mo nga yung sinabi mo pagalit kong tanong sa kanya. Hinanda ko na ang kamao ko kung sakali mang ulitin niya ang sinabi niya jujumbagin ko na siya. Nakita niya ang hinihanda kong kamao kaya tinaasan niya na lang ako ng kilay. Gusto mo bang malaman kung sino ako? Huwag mo ng ituloy kasi alam kong alalay ka lang naman ni Andrew, itsura mo pa lang ewww. Aba, sumusobra ka na ha. Isang malakas na suntok ang sumemplang sa mukha ni Elaine. Yan ang nababagay sayo, kanina pa ako nagtitimpi sayo eh. Awatin mo naman siya babe, ngingisi ngisi lang si kuya. Natatawa na lang si kuya sa ginawa ko. Kung hindi ka pa titigil sa paglapit mo kay Andrew, gagawin kitang kagaya ko. Sino ba talaga siya babe, tulungan mo naman ako. Huwag ka ng umasa na tutulungan ka niya. Sasampalin na sana niya ako ngunit nahawakan ko agad ang kamay niya. Subukan mo lang na saktan ako kundi kukulamin kita, banta ko sa kanya. Tila nagulat siya sa sinabi ko pati na din yung mga taong kumakain na tila nagulat din. Oh my gosh, you realy a witch? Oo totoong witch ako. Gusto mo kulamin na kita agad. Ok fine aalis na ko at hindi na ko lalapit kay Andrew. Dapat lang umalis ka na. Pagalit siyang umalis at sinulyapan niya lang si kuya ng masamang tingin. Lakas ng amats mo ha, mangkukulam ka talaga sabi ni kuya. Tse! tumigil ka na nga, pasalamat ka umalis na siya. Oh narinig mo naman yung sinabi niya kuya ha, hindi na siya lalapit sayo. The best sister ka talaga, anong gusto mo. Sa ngayon kuya wala pa muna akong gusto. Iipunin ko na lang utang mo sa akin. Utang talaga! naman siyempre. Natapos din sa wakas ang pinagawa sa akin ni kuya kaya back to normal again. Di nga pala ako normal, hehe. Kinaumagahan, tinatamad akong bumangon parang ayaw kong kumilos ngayong araw. Anak bangon na diyan, andito yung bestfriend mo, ha Mommy naman tinatamad akong bumangon eh. Bakit ba andito siya anong ginagawa niya. Bumaba ka na diyan saka huwag mo muna ilagay yung mga nunal mo para kang tanga. Hala sobra ka naman Mom. Mauna ka na po sa baba Mom, pakisabi mag antay siya kung bakit kasi hindi niya pinaalam sa akin na pupunta siya dito. Magpapahinga sana ako maghapon dahil masama ang pakiramdam ko, mukhang ako pa ata ang kinulam ng bruhang yun. Pababa na ako ng hagdan at sinalubong ako ng yakap ng bestfriend ko. I miss you best, i miss you too best. Kamusta ka best, sory best kung ngayon lang ako nakapunta. Marami pa kasi akong tinapos na trabaho sa America kaya di kita nasamahan noong panahong malungkot ka. Ok lang ako best, malakas kaya to saka hindi siya kawalan sa akin binasura ko na siya. Ang tapang mo best, hindi lang ako matapang mangkukulam pa, hahaha. Baliw ka na ba best. Totoo best, witch talaga ko. May witch bang ganyan kaganda. Totoong witch talaga ako, kung alam mo lang best siyempre sabi lang ng isip ko yun. Nga pala best, pinaalam na kita sa Mom mo. Doon ka na muna sa amin tumira. Ano naman gagawin ko dun best, baka gawin mo kong julalay mo ah. Shunga, siyempre hindi noh. Wala kasi akong kasama sa bahay mag isa lang ako dun. Asan ba yung kuya mo? Wala siya best, busy yun sa gf niya. Buti pa siya may forever ako wala. Nanligaw naman si kuya sayo, kaw lang naman kasi ang may ayaw. Wala ako paki dun saka babaero din yun. Bakit si Lance hindi ba siya babaero, tignan mo tuloy nangyari sayo iniwan ka niya sa ere. Eh siya ang gusto ko nun saka sinagot ko na siya nung time na magsabi ng totoo ang kuya mo. Nahuli lang kasi ang kuya mo na magtapat. Bakit ba kasi napaka torpe ng kuya mo pagdating sa akin. Puwede mo pa naman maagaw ang kuya ko sa gf niya. Ayoko nga, kawawa naman yung babae. Mahal na mahal niya yung gf niya, sa tingin ko seryoso na siya sa gf niya ngayon. Paano pag nagkita na kayo sa bahay, sa tingin mo ba hindi ka niya kukulitin ulit. Hindi yan, kasi ibang tao na ang makakaharap niya at hindi niya yun mapapansin na ako yun. Bakit mo naman nasabi yan? Basta malalamam mo na lang pag andun na ako.Hindi ka ba sasabay sa akin luluwas ng Manila? Hindi, sa ibang araw na lang puwede. Gusto ko kasi magpahinga maghapon, masama lang pakiramdam ko ngayon mukhang lalagnatin ata ako. Hay! sayang naman best itri treat sana kita ngayon at ipapakilala sana kita sa friend kong si Alec. Who's Alec best? May kakaibang hiwaga ng marinig ko ang pangalan niya parang excited tuloy ako na makita siya. Kaso makikilala niya pala akong isang mangkukulam na pangit, hahaha... Bakit nakangiti ka best, iba na yan ha. Wala lang, masaya lang talaga ako kasi andito na yung bestfriend kong palagi akong nililibre. Yun lang ba best kaya mo ko naging bestfiend kasi...... Hoy tumigil ka nga, siyempra love kita no. Nagriring phone mo best. Wait lang best sagutin ko lang si Alec to bulong niya sa akin. Dito ka na para marinig ko boses niya. Ni loud speaker naman niya at nagulat ako ng marinig ko boses niya. Shet ang guwapo ng boses, lalaking lalaki talaga. Pero sayang pass muna ako sa mga lalaki ngayon puro sila paasa eh. Best una na ko ha, mukhang galit na galit na siya eh. Kanina pa daw siya nag aantay dun sa meeting place namin. Text mo na lang ako kung kelan ka pupunta sa bahay ha. Sige best ingat bye. Bye din best. Sa susunod na araw na lang ako pupunta dun, bukas na lang ako mag iimpake ng mga gamit ko gusto ko na talaga magpahinga. Nakapagtataka wala sila kuya ngayon asan kaya yung mga kumag na yun. Ano kaya pinagkaka abalahan ng mga yun. Oh anak asan na yung bisita mo? Hindi mo man lang siya inayang mag meryenda. Nagmamadali po kasi siya Mom saka may kikitain siyang kaibigan niya kaya umalis na agad. Kailan ka ba pupunta sa bahay nila? Sa susunod na araw na lang Mom, magpapahinga muna ako buong araw saka pakisabi po kina kuya na huwag nila ako istorbohin. Paano pag nagkasunog ayaw mo pa din paistorbo? Mommy naman puro ka kalokohan. Joke lang anak, naglalambing lang ang Mommy mo saka mamimiss kita anak. Mommy talaga oh, nasa Manila lang ako wala pa ako sa ibang planeta. Nag peace sign na lang ako kay Mom para hindi siya magalit sa akin at niyakap ko siya ng mahigpit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook