bc

Bawal na Pag-ibig

book_age16+
2.9K
FOLLOW
21.4K
READ
age gap
independent
CEO
drama
twisted
bxg
realistic earth
secrets
self discover
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Si Aliah ay lumaki kapiling ang kanyang ina. Mula nang magkaroon siya ng isip ay ito na ang naging kasa-kasama niya. Nagtataka man kung bakit wala ang kanyang ama ay ni minsan ay hindi na ito inungkat pa ng dalaga ang tungkol dito.

Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Krish, ang may-ari ng pinagtatrabahuan niyang coffee shop. Hindi naging maganda ang una nilang pagkakakilala ngunit pagkalipas ng panahon ay nagkapalagayan din sila ng loob.

Maayos at masaya na silang dalawa bilang magkasintahan ngunit nang makilala na ni Aliah ang tungkol sa kanyang tunay na ama ay nagbago ang lahat. Mahal na mahal man niya si Krish ay hiniwalayan niya ito. Dahil ang kanilang pagmamahalan ay isang BAWAL NA PAG-IBIG.

(c) Ameiry Savar

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue “S-Sorry, pero hindi na tayo pwede,” garalgal ang boses na sabi ni Aliah kay Krish, ang kanyang nobyo. Makikipaghiwalay na siya gaya ng sabi ng kanyang ina, kahit na masakit at napakahirap para sa kanya. “Ano?” Tinitigan ng matagal ni Krish si Aliah. “P-Pero Aliah, bakit?” hindi makapaniwalang tanong ni Krish sa nobya. “Basta. Umalis ka na please!” Umiyak na si Aliah. Ayaw n'yang gawin ito, labag ito sa kanyang kalooban ngunit kailangan n'yang gawin dahil hindi talaga sila pwede sa isa't isa. Mali ang pagmamahalan nila. “Teka.” Hinawakan ni Krish si Aliah sa magkabilang braso ngunit agad nitong winaksi iyon. “May nagawa ba akong mali?” Sunod-sunod na umiling si Aliah habang sapo-sapo niyang ang mukha ng kanyang palad. “Hindi tayo pwede. Kaya please… kalimutan mo na ako.” “A-Aliah… I can’t just forget you. I love you! Ano ba ang pinagsasabi mo? Akala ko ba okay tayo?” Kumibot-kibot ang labi ni Aliah habang tinititigan si Krish. Gustong gusto niya sabihin ang dahilan ngunit wala siyang masabi rito. Pakiramdam niya biglang naputol ang kanyang dila. “P-Patawad, Krish. Mali ‘to. Umalis ka na! Parang awa mo na!” “No! I don’t get it, Aliah! Akala ko ba mahal mo rin ako? Eh ano ‘to? Nasaan na ang pangako mo sa akin?!” Lalong kumirot ang puso ni Aliah nang makita niya ang pighati sa mga mata nito. Kanina pa niya ito gustong yakapin at aluin. Ni minsan ay hindi niya ginustong saktan ang lalaking mahal na mahal niya ngunit hindi ito nararapat. Tamang sundin niya ang kanyang ina. Dahil kahit anong gawin nilang dalawa ay mali ang pagmamahal na ibinibigay nila para sa isa't isa. Kaya para sa kanya, kay Krish, at sa kanyang ina ay gagawin n'ya ito. Maling-mali na ibigin n'ya ito. Dahil ang pagmamahal na mayroon sila ay isang BAWAL NA PAG-IBIG.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
50.0K
bc

My Husband's Mistress

read
297.8K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.3K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.4K
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
64.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook