bc

LUCY: Ang Babaeng Pinagpala

book_age18+
46
FOLLOW
1K
READ
HE
blue collar
lighthearted
detective
small town
poor to rich
war
addiction
like
intro-logo
Blurb

Si Lucy - taglay niya ang lahat ng kagandahan pagdating sa katawan hanggang sa mala-anghel na mukha. Mala-dyosa ang kanyang itsura mula ulo hanggang talampakan. Isa siyang babaeng pinagpala pagdating sa kagandahan. Nakilala niya si Clark. Ang lalaking nagligtas sa kanya sa pang-aabuso sa kanya ng kanyang kasintahan. Sa una palang ay naramdaman na niya ang kakaibang tingin nito sa kanya. Nahulog ang lalaki sa kanya. Subalit may isa siyang lihim. Isang lihim na magtatapos ng kanyang mga pangarap… at sa kanyang buhay pag-ibig.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
MASAYA ang buong paligid. Nagkakasiyahan ang mga tao dahil sa isang okasyon. Nakatayo ako sa isang gilid lang habang malayang inihahangin ang mahaba kong buhok at laylayan ng kabibili ko lang at kulay rosas kong bestida. Binili ko talaga ang damit para sa okasyong iyon. Hindi iyon sobrang ganda pero masasabi ko nang maayos naman. Marami na ang nakapansin sa akin kanina. At lahat sila ay nagandahan sa akin. Kagaya ko ay nakabihis rin ng damit na akma sa okasyon ang mga tao roon. Nakamasid ako sa mga tao habang may ngiti sa aking labi. Ang lahat ng masalubong ng aking tingin ay nginingitian ko. Na ginagantihan din naman nila. Marami ang nag-alok na sumali ako sa sayaw na nangyayari sa gitna. Subalit magalang akong tumatanggi. Hindi nila ako mapilit. Gustuhin ko mang magsaya ay hindi ko magawa. Dahil sa kabila ng kasiyahang nangyayari at ngiti sa aking labi ay kumakabog ang dibdib ko. Tila nakawala ang mga dagang kaytagal ko nang ikinulong sa loob ng aking katawan at ngayon ay nagsasaya. Ako ay kinakabahan. Bakit nga ba ako kinakabahan? Hindi ko rin alam. Kanina ko pa nararamdaman ito. Bahagya ring nanlalamig ang aking mga kamay. Sa isip ko ay tila may nagsasabing may mangyayaring hindi maganda sa gabi iyon. Hindi ko alam kung ano. Pangyayaring hindi ko inakalang magbubunsod para sa isang nakatakda. Ako si Lucy… at ito ang aking love story… GABI iyon. Marahil pasado otso palang. Patuloy ang pagdagsa ng mga tao sa plaza sa aming bayan – ang bayan ng Kulibangbang. Fiesta sa aming bayan at iyon ang huling gabi ng pagdaraos. Malayo sa lungsod ang aming bayan. Pero masasabi namang hindi liblib. Maliit lamang din ito kumpara sa naglalaking siyudad sa ibang probinsiya. Gayunpaman ay masaya kaming naninirahan dito. Ang ibang bisita ay hindi pamilyar sa akin. Marahil ay bakasyunista ang mga ito o kakilala ng mga ibang tiga roon sa amin. May mga inimbitahan din ang aming mayora na ilang mga espesyal na tao at nakikisaya. Oo – isang babae ang namumuno sa aming bayan. Hindi ko pa siya personal na nakakadaupang palad. Pero feeling ko naman ay mabait siya. at maganda ang pamamalakad niya sa aming lugar. Marami ang pagkaing nakalatag sa paligid ng maliit naming plaza sa sentro ng bayan at imbitado ang lahat ng gustong sumali. Hindi naman ganoon kalaki ang populasyon sa amin pero hindi rin namann kakaunti. Saktong lang. Taon-taon ay pinaghahandaan talaga iyon ng aming pinuno sa bayan dahil iyon ang araw na nagsasama-sama kaming lahat. Ito ang ikatlong beses na umatend ako sa kasiyahan. Hindi pa kasi ako pinapayagan noon ng aking lola pero dahil nasa edad na ako ay pinapayagan na niya ako. Muli kong iginala ang aking paningin. Partikular sa isang direksiyon. Hayun sa isang bahagi ang lalaking matangkad. Namumukod tangi ito sa mga naroroon. Nasisigurado kong maganda rin ang pangangatawan nito. Kung tutuusin ay simple lamang ang suot nito – mapusyaw na asul na polo short at maong na pantalon subalit para na itong naligaw na celebrity o modelo sa lugar na iyon at humalo sa mga tao. Halatang-halata na hindi ito tiga-roon. Wala yatang mata ang hindi mapapalingon dito. Kausap nito ang ilang mga lokal na tao. May hawak itong bote ng beer at bawas na ang laman. Sa minsang paglingon nito ay nagtama ang aming mga mata. Agad na namula ang aking pisngi kasabay niyon ay mabilis kong ipinaling ang aking tingin sa ibang direksiyon. Lalong kumabog ng mabilis ang aking dibdib. Lalong nagwala ang mga daga roon. Pinalipas ko ang ilang sandali saka unti-unti ay ibinalik ko ang aking tingin sa lalaki. Hindi na siya nakatingin sa akin. Kaya naman pinagmasdan ko ulit siya. Ang totoo ay kanina ko pa pasikretong pinagmamasdan ang lalaki. Ilang ulit na bang nagtama ang aming paningin. Ewan ko ba. Nahihinoptismo ako sa kanya. Napakaguwapo kasi niya. Siya ang pinakaguwapong nakita ko simula ng ipanganak ako. At gusto kong malaman ang pangalan niya. Pero alam kong malabo iyong mangyari. Dahil hindi niya ako papansinin. Hindi ko namalayan na napatagal nanaman ang tingin ko sa kanya. Kaya nagulat nalang ako nang muling magtama ang aming paningin. Nagkulay kamatis ang aking pisngi nang ngitian niya ako. Mabilis akong nagyuko ng mukha. Hiyang hiya ako. Siguradong alam na niyang pinagmamasdan ko siya. Nakakahiya ka Lucy! Para kang timang! Sita ko sa aking sarili. Ano nalang ang iisipin niya sa iyo? Na nagpapapansin ka sa kanya? Bumuga ako ng hangin at naiikot ang aking mga mata. Tama na ang pangangarap! Nagdesisyon akong tapusin na ang aking kahibangan. Kumilos ako at tumalikod kahit labag sa aking kaloobann. Gusto ko pa sana siyang tingnan pero pinigilan ko na aking sarili. Nakagat ko ang ibaba kong labi. Ang guwapo talaga niya. Kung malalaman ko lang ang pangalan niya ay sobrang saya ko na. Bigla ay napangiti ako. Kinilig pati gulugod ko. Huminga ako ng malalim at nagdesisyon na makisalamuha na sa mga kakilala at kaibigan ko. Lumipas ang mga minuto at hanggang sa maging oras na patuloy ang kasiyahan sa plaza. Ilang beses ko pang hinanap ng tingin ang guwapong lalaki. At ilang beses ko pa siyang nakita. Ilang beses pa ring nagtagpo ang aming mga mata. Kahit kasi pigilan ko ang sarili ay hinahanap talaga siya. Kahit nakakahiya. Ilang beses kasi niya akong nahuli. Pero diba hindi naman niya ako mahuhuling nakatingin sa kanya kung hindi rin siya titingin sa akin? Ilang beses ba akong naghangad na sana ay lapitan niya ako. Pero hindi nangyari. Hanggang sa magpasya akong umuwi na. Malapit lang naman ang bahay namin sa plaza. Sampung minutong lakaran lang. Ayaw pang umuwi ng mga kaibigan ko kaya ako nalang muna. Safe naman sa lugar namin kaya kampante akong maglakad ng pauwi mag-isa. Maliwanag din ang daan at isa iyon sa sineguridad ng aming mayora. Bihira ang magkaroon ng insidenteng hindi maganda kaya naman kampante ang lahat ng tao sa bayan namin kahit gabi pa. Naglakad na ako palayo sa kasiyahan. Hindi pa ako masyadong nakakalayo nang maramdaman ko ang isang marahas na kamay na humawak sa aking braso. Biglang-bigla ako at kinabahan. Naramdaman ko ang sakit aking braso. Marahas akong hinila ng nagmamay-ari ng kamay at pinaharap sa kanya. “Nandito ka lang pala!” marahas at nakakatakot ang boses ng lalaking nagsalita. “Sid!” nanlaki ang aking mga mata. Nanlisik ang mga mata niya. “Oo ako nga. Akala ko nakalimutan mo na ako eh!” mas lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko. Napahawak ako sa kamay niya. “Ano pa bang kailangan mo sa akin? Tapos na tayo!” galit kong sabi sa kanya. Hinatak niya ako palapit sa kanyang katawan. Halos sumubsob ako. “Hah! Alam mong hindi ako pumapayag diba?” inilapit niya ang mukha sa buhok ko ay sinamyo iyon. Iniwas ko ang aking ulo. “Anong hindi! Ayoko na sa iyo! Pakawalan mo ako.” Pinilit kong kumawala sa kanyya. “Hindi kita pakakawalan. Akin ka Lucy!” kasabay niyon ay dumapo ang mukha niya sa leeg ko. Nangaligkig ako. Nagsimula akong matakot. “Pakawalan mo ako. N-Nasasaktan na ako. Ano ba Sid!” Hinarap niya ako. “Sumama ka sa akin!” “Ayoko! Bitiwan mo ako!” Bago pa ako makasigaw ay natakpan na niya ang bibig ko. May ibinulong siya sa akin dahilan para manlaki ang mga mata ko. Nagpumiglas ako. Ginawa ko ang lahat para makawala sa kanya kahit nasasaktan na ako. Inalis niya ang kamay sa aking bibig para mahalikan lamang ako. Dahilan para mapigil ang aking pagsigaw. Marahas akong nagpumiglas sa abot ng kanyang makakaya. Pero malakas si Sid. Hindi ko siya kaya. Kagaya ng dati. At nasasaktan na ako sa ginagawa nito. “Huwag ka nang lumaban pa Lucy. Alam mo ang kaya kong gawin.” Nanindig ang mga balahibo ko sa paraan ng pananalita niya. “T-Tama na Sid. Ayoko na sa iyo.” Naluluha na ako. Lumingon ako sa paligid pero walang taong maaaring tumulong akin. Abala ang lahat sa kasiyahan sa kasiyahan. At kahit sumigaw ako ay malabong marinig iyon dahil malakas ang tugtog. “Pero gusto pa kita. At wala kang magagawa.” Akmang hahalikan niya ulit ako pero tila may kung anong humila sa kanya para mapahiwalay sa akin. Pagkatapos ay parang papel nalang siyang tumilapon sa kalsada. Natigilan ako habang malakas malakas na napamura si Sid nang sumadsad siya sa lupa. “Putcha! Sinong ---.” Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil pinutol na siya ng isang malagom ang baritonong boses. “Sinabi na ng babae na ayaw na niya sa iyo. Ang pinaka ayoko sa lahat ay iyong nanakit at namimilit ng babae.” Nakakatakot ang tinig ng tagapagligtas niya. Nanlalaki at namimilog ang mga mata kong sinino ang nagsalita. At para akong hihimtayin nang makita ko ang guwapong lalaki sa plaza. Si pogi ang knight in shining armour niya! NOTE: HELLO EVERYONE! ANG MGA SUSUNOD NA CHAPTERS AY MABABASA PO SA AKING YOUTUBE CHANNEL - D' ODYSSEY STORIES. SANA PO AY ABANGAN NILA AT MAGUSTUHAN ANG KUWENTO. MARAMING SALAMAT PO!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
68.5K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
38.2K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
42.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
242.0K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.3K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
92.1K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
48.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook