bc

HATE at first SIGHT

book_age16+
98
FOLLOW
1K
READ
playboy
student
tragedy
comedy
sweet
bxg
female lead
small town
school
virgin
like
intro-logo
Blurb

Si Shanaia Spencer ay dating masayahing bata at may buong pamilya subalit maagang siyang naulila dahil sa aksidenteng nangyari sa kanilang pamilya.

Mula noon ay hindi na siya muli pang nakitaan na ngumiti at sumaya.

Makakatagpo niya ang lalaking, masiyadong bilib sa kaguwapuhan sa kanilang paaralan ngunit wala siyang pakialam.

Dahil do'n ay hindi matanggap ni Xian Parker na may babaeng hindi man lang siya magawang tapunan nang tingin at pansinin.

Napahiya siya sa mga kaibigan kung kaya't gagawing niyang masalimuot ang buhay ni Shanaia sa paaralang iyon.

Subalit do'n sila nagkamali dahil palaban si Shanaia.

Simula no'n ay magiging mortal silang magkaaway na parang mga aso't pusa.

Ngunit malalaman nilang dalawa sa huli na sila pala ang magkaibang matagal na nawalay sa isa't isa.

Mapapanatili pa kaya nila ang PAGKAKAIBIGAN O MAGKAKAIBIGAN?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
~Shanaia~ "Naia... Naia!" Ang mahimbing kong pagtulog ay nabulabog dahil sa panay gising sa 'kin ni Tita Roxanne habang hindi talaga ito tumitigil hangga't hindi ko mamulat ang aking mga mata. 'Ano ba naman 'yan!' "Uhmmm… Tita. Antok pa po, ako," pabulong kong sabi dahil sobrang antok pa talaga ako. Anong oras na kasi ako nakatulog kagabi dahil lang sa paglalaro ng online games. "Hay naku! Bumangon ka na d'yan. 'Di ba ngayon ang luwas natin papuntang maynila? Kailangan na dahil hahabol pa kayo ni Helga sa enrollment," paalala nito sa 'kin . Oo nga pala, ngayon na ang luwas namin at sa wakas! Makakabalik na rin ako sa bahay namin ng mga magulang ko. Kahit matagal na ang panahong lumipas ay hindi ko pa rin makalimutan ang malagim na sinapit namin sa aksidenteng sanhi nang pagkawala ng aking mga magulang. Bigla-biglang nanariwa sa aking alaala ang mga nangyari no'n. Masaya kaming tatlo nina mommy at daddy lulan ng sasakyan patungong tagaytay. We're celebrating Father's Day that time and we are always do that every special day or occasions. Mom and dad never forgets to make a happy memories together. Kinakantahan ko pa si daddy ng Dance with my father, and he really loved it. Si Mommy ay nakikisabay rin sa 'ming kumanta habang nasa byahe kami kaya hindi kami nababagot. Ngunit sobrang bilis nang pangyayari. Biglang gumewang-gewang ang kotse namin kaya nagtaka si mommy. "Honey, everything's okay?" may pag-aalalang tanong ni mom. "Hone. Protect our daughter no matter what, okay?" may diing sabi ni daddy kay mommy. Sumilip si mommy sa unahan dahil nasa back seats kasi kaming dalawa nakapuwesto. "Oh my god!" bulalas ni mommy na halata ang pagkabigla. Nakita ko rin na may pa-pasalubong na malaki at mahabang truck sa amin. Tinangka pa lang umiwas ni daddy subalit nahihirapan siya dahil maulan nang araw na 'yon, basa ang daanan at paikot ito bundok. Nasa mabanging parte na kasi kami patungong tagaytay. "Mommy," sambit ko dahil maski ako ay natatakot na rin. 8 years old na 'ko kaya may alam na rin ako sa mga nangyayari sa paligid ko. "I'ts okay Baby, close your eyes. Kahit anong mangyari. Remember that Daddy and Mommy will always love you, okay? We always loved you, Baby..." Hinalikan pa ako ni mommy sa noo at mahigpit na niyakap. "Mommy! Daddy!" Umiiyak kong sigaw dahil biglang umikot-ikot ang kotse namin sa kalsada at parang may tumama sa bandang likuran nito. "Shanaia! Close your eyes lang, Anak. Hug to Mommy, we loved you...alright?" "Mommy! Daddy!" sugahaw ko. Maya-maya lang ay niyakap na ako ni mommy at narinig ko na lang ang sigaw nila. "Martin…" Si Mommy. "Aahhhhh…" Si Daddy. At do'n unti-unting nagdilim ang paligid. Hindi ko alam na iyon na ang huling boses na maririnig ko ang mga boses nila at tila nagising na lamang ako dahil may naririnig akong mga taong sumisigaw sa labas. "Tulongggg! Bilisan niyo baka may buhay pa," sigaw no'ng lalaki. May ambulansiya rin akong naririnig, kilala ko ang tunog no'n. Hindi ako nagkakamali. "Mommy, Daddy," tawag ko sa mga magulang ko ngunit walang sumasagot. Med'yo masakit din ang braso ko at hindi ako gaano makagalaw. May narinig akong nagbukas ng pintuan ng kotse. "Dito Sir!...dito! May nakita akong bata! Pakitingnan naman baka buhay pa siya," sigaw nito. "Mommy! Daddy!" umiiyak na 'ko dahil hindi ko sila naririnig, nasaan ba sila? "Oh! Umiiyak siya, bilisan niyo! Bilisan niyo!" Pagmamadali ng lalaki sa kanila. Sunod na nangyari ay kinuha nila ako, kasunod ay sina mommy at daddy. Mas lalo akong umiiyak nang malakas dahil mga duguan sila pareho at walang mga malay. Samantalang ako ay may konting sugat lang sa ulo at braso kong masakit. Pinahiga sila sa stretcher at ipinasok na sa ambulansiya, ako naman ay may kasamang nurse at mukhang sa ospital kami papunta. "Mommyyyy! Dadddyyyy!" atungal ko nang malakas. "Baby don't worry, 'wag ka nang umiyak. Magiging okay rin sila," pag-aalo sa 'kin ng nurse na kasama ko. "Talaga po?" agad kong tanong. "Oo naman... Kaya magpray ka kay Papa Jesus para walang mangyaring masama at gumaling na sila agad," dagdag pa nito. Kumalma naman ako dahil sa sinabi niya. "Kaya 'wag ka nang umiyak, may masakit ba sa 'yo?" tanong nitong muli sa akin. Umiling naman ako dahil kaya ko naman ang sakit ng mga sugat ko. Nang makarating kami sa ospital ay dinala niya ako sa ER at doon ako sinuri kung may malala ba akong natamo. Nang masiguro nilang okay naman ako ay agad akong lumabas ng ER. "Ate. Nasaan po sina Mommy at Daddy, ko?" agad ko silang hinanap. "Hintayin na lang natin dito si Doctor Santos, siya ang tumingin sa mga magulang mo," saad nito. Biglang lumabas ang doctor do'n sa nilabasan ko rin kanina. Pero hindi ko naman nakita sina mommy do'n dahil may mga nakaharang kasing kurtina. Nagtitigan na muna sila ng nurse at si doctor Santos na parang nag-uusap sila sa pamamagitan no'n. Bumuntong-hininga si Doctor Santos bago niya ako binalingan. "Ahmmn... Ija anong pangalan mo?" tanong nito sa pangalan ko at agad ko namang sinagot. "Hello po. I'm Shanaia Spencer po. Kumusta na po, sina Mommy at Daddy? Magaling na po ba sila?" tanong ko naman, ngunit iba ang isinagot nito sa 'kin kaya nagtaka ako. "Ah… Ija, may alam ka bang puwede naming makausap sa mga malapit ninyong pamilya o kamag-anak?" muli niya akong tinanong. "Opo, si Tita Roxanne ko po ang palagi kong nakakausap kaya lang sa cellphone lang po, eh," tugon ko naman. "Puwede mo ba akong bigyan ng cellphone number niya upang makausap ko siya?" naguluhan man ay binigay ko naman at agad kong hinanap ang number ni tita sa cellphone ko. "Salamat, tatawa–" "Sandali lang po!" Pigil ko kay Doctor Santos nang akmang aalis na ito. "Nasaan na po sina Mommy at Daddy ko? Hindi niyo naman po ako sinagot sa tanong ko kanina, eh. Gusto ko na po silang makita, Doc." Hinila-hila ko pa ang lab gown nito sa pagpupumilit ko. "Doc. Please... Where are they? I want to see them." My tears started to come out and I was going to cry. 'Bakit ayaw nilang sabihin kung nasa'n ang mga parents ko?' Nakita kong naluluha na rin ang nurse na kasama ko kaya siya naman ang tinanong ko. "Ate, nasa'n na po sina Mommy ko? Sabi mo paghindi ako umiyak gagaling na sila, magiging okay na sila. Pero bakit ayaw niyo sila ipakita sa 'kin?" Tagaktak ang mga luha sa aking mga mata dahil gustong-gusto ko nang makita nag parents ko. "I'm sorry, Ija. Pero wala na sila, ginawa na namin ang lahat nang makakaya namin to save your parents but they dead on arrival. Malubha ang tinamo nila lalo na ang Daddy mo," paliwanag ni Doctor Santos. "Ano?! Bulalas ko. "Hindi! Hindi totoo 'yan!" Umiling-iling ako nang itanggi ko 'yon sa kanila, ayaw kong maniwala. "Nagsisinungaling kayo! Buhay ang Mommy at Daddy ko! Hindi nila ako iiwan Mommyyyyyy! Daddyyyyy!" Hindi ko na napigilang pumalahaw nang iyak. Hindi ko matanggap na iniwan na nila akong mag-isa. "Ate! Sabi mo sa 'kin kapag nagdasal ako kay Papa Jesus gagaling sila! Pero bakit sila namatay! Hindi naman pala totoo, eh. Paano na 'ko ngayon? Kinuha niya sina Mommy at Daddy ko. Wala na akong magulang. Kaming tatlo lang naman sa bahay, sino na mag-aalaga sa 'kin? Ibalik niyo silaaaaa!" Pagmamakaawa ko. Hanggang sa bigla na lamang akong inantok, at nawalan nang malay. ~End of Flashbacks~ Ang sakit-sakit sa dibdib nang mga oras na 'yon ay hiniling ko na sana ay sinama na lang nila ako. Na, namatay na rin sana ako dahil ayaw kong mag-isa. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay mag-isa. Pero nagpapasalamat ako dahil dumating si Tita Roxanne at magmula no'n ay siya na ang nag-alaga sa 'kin. Matapos nang libing ng aking mga magulang ay kinabukasan inuwi niya ako sa bahay nila nina Daddy no'ng binata pa ito. Bahay daw 'yon nina lolo at lola kung saan sila lumaki. Si tita ang naiwan at nangalaga nang mga naiwan nina lolo at lola kaya dito siya nakatira sa Marinduque.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rewrite The Stars

read
95.1K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
237.6K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

WHAT IF IT'S ME

read
66.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook