bc

Agapito Jacobe (The Gwapitos Series 1)

book_age16+
845
FOLLOW
2.9K
READ
billionaire
family
CEO
heir/heiress
sweet
bxg
small town
slice of life
love at the first sight
passionate
like
intro-logo
Blurb

The Gwapitos Series #1

This story is written in Filipino.

Sa edad na bente otso ay wala pa ring matinong trabaho si Agapito. Kaya naman ay kasabay ng kanyang pagbabanda ay sinubukan niyang makahanap ng trabaho. Hanggang sa isang gabi ay nakilala niya si Stephanie Jane, ang panganay na anak at tagapagmana ng Savar Enterprises. Sa kagustuhang makatakas ni Stephanie sa kanyang pamilya ay hindi na niya nilubayan si Agapito at inalok itong maging 'personal assistant.'

Magawa kayang tagalan ni Aga ang 'black sheep' ng mga 'Savar'? O tuluyan na siyang mahulog sa babaeng langit ang agwat sa kanya?

.

© 2021 by Ameiry Savar

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Halos mabingi na ako sa malakas na sigawan ng mga taong halatang lango na sa alak. Naniningkit na rin ang mga mata ko habang pilit silang tinitingnan. Patuloy lamang ako sa paghampas sa drum na nasa aking harapan habang patuloy sa pagkanta si Lito sa gitna namin. Ilang sandali pa ay umakyat nang muli ang DJ sa disco house na aming tinutugtugan ngayon. “And give it up for the gwapitos!” sigaw nito habang may nakatutok na mic sa bibig. Napangiwi tuloy ako dahil nag-feedback ang boses nito sa speaker. Ang sakit sa tainga. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa wakas ay tapos na kaming tumugtog. Nagsigawan ang mga taong nasa ibaba lamang namin. Panay ang sabi ng mga ito ng ‘more!’ Eh letsugas! Ang sakit na ng mga kamay ko! Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan at tumabi sa mga kaibigan ko. Humarap kami sa mga tao at nag-bow. Pagkatapos ay lumakad na kami papunta sa backstage. “Grabe, p’re! Daming mga chikabebe,” pilyong sabi ni Yani habang naglalakad kami pababa ng stage, siya ang bass ng aming banda. Bayani talaga ang pangalan niya pero mas gusto niyang Yani ang itawag sa kanya. Para raw hindi mukhang karespe-respeto nang sobra. Totoo naman dahil mukha siyang matabang adik. Siya rin kasi ang pinaka mataba sa amin, tapos mukha pa siyang palaging high dahil sa mga mata niya. Natawa ako nang binatukan ni Ando si Yani. “Mang mamanyak ka lang na naman eh!” anito. Siya naman ang pianist namin. Si Hernando rin ang pinaka matalino sa amin. Siya ang gumagawa ng mga ng kanta at naga-arrange ng mga kakantahin namin. H’wag niyo na ako tanungin sa hitsura niya, basta meron siya no’n. Inayos nito ng kaunti ang salamin na bahagyang natanggal. Sarat kasi ilong kaya palagi natatanggal. “Sige na. Mas maganda kung mag-stay muna tayo rito,” ani Lito, ang pinaka gwapo sa amin, siya rin ang vocalist namin. Siya rin ang pinaka lapitin ng babae sa amin. Ganoon naman kapag bokalista, lapitin ng mga babae. Ako? Wala pa akong pakealam sa mga ganyan. Mas gusto kong magkulong sa bahay at doon magpraktis nang magpraktis sa pagda-drum. Hindi na ako nakigulo pa sa kanila at nauna nang maglakad. Wala akong oras para sa mga ganitong gawain. Sigurado kasi akong wala pang ulam sa bahay. “Ikaw, Aga? Uuwe ka ba agad?” tanong sa akin ni Ando. Nasa loob na kami ng kwartong pinahiram sa amin. Kinuha ko na ang bag ko na nakapatong sa isang upuan at ipinasok doon ang stick ko. Sandaling tumingin ako sa kanya at umiling. “Hindi na. Hintayin ko lang ang bayad sa atin at uuwe na rin ako.” “Sus! Ang kj mo naman palagi Aga! Dito muna tayo,” ani Yani. Panay ang suklay nito sa bangs niya gamit ang kamay. “Hindi pwede.” Napakislot ako nang biglang umakbay sa akin si Ando. “Hayaan niyo na. Alam niyo naman si Nanay Espe eh.” Napakamot na lang ako sa ulo dahil wala naman akong maitatago sa kanila. Kilalang-kilala nila si Nanay dahil pati sila ay nabubungangaan nito sa tuwing may gig kami o praktis. “Hayaan mo, p’re. Kapag yumaman tayo sa pagbabanda, hindi na ‘yan magi-ingay,” pampapalubag ng loob na sabi ni Lito. Natawa na lang ako. Imposible pero hindi naman malabo. Hindi ako nawawalan ng pag-asa sa larangang pinili namin. Siguro ay hindi pa namin oras. Ilang sandali pa ay may pumasok na babae sa kwarto. Isa-isa kaming inabutan ng puting sobre, pagtingin ko sa laman niyon ay may pera. Agad akong napangiti. “Aalis na ‘ko,” paalam ko sa kanila at naglakad papalabas ng silid. “Hinay-hinay sa mga babae ha!” paalala ko pa. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila dahil alam kong pipigilan lang nila ako. Bahala sila kung gusto nila magpakalango sa alak at babae. Wala talaga sa isipan ko ang mga babae. Kung alak, oo. Kaso kailangan ko na kasing umuwe dahil sigurado akong naghihintay na sila nanay. Dumaan muna ako sa banyo at nagbawas. Kanina pa kasi sumasakit ang pantog ko. Matapos ko ay tumingin muna ako sa salamin. Napaka pogi ko talaga. Bahagya kong pinunasan ang ulo kong kaunti lang ang buhok. Nasanay kasi ako sa gupit na semi-kalbo, bagay kasi sa akin iyon. Feeling ko eh ang gwapo-gwapo kapag ganoon ang gupit ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumakad na ako papalabas ng banyo. Napaka ingay na ng paligid dahil sa malakas na patugtog ng DJ. Paminsan-minsan kasi ay dito kami natugtog dito sa JL Disco House. May mga customer daw kasi na naghahanap ng live band. Eh hindi pa naman sikat ang disco house na ito kaya mga kagaya pa lang namin na mga nag-uumpisa pa lang din ang kinukuha nila. “OMG. Why did you bring us here?” Napatingin ako sa grupo ng babae na nakatayo sa may tapat ng disco house. Apat sila at halatang lango na sa alak. “We should go home,” ani ng isang nakasuot ng bestida. Halos nakabalot na ang buong katawan nito dahil mahaba rin ang manggas ng suot nitong bestida. “Let’s stay here pa. I still want to dance!” reklamo naman ng isa na halos makita na ang dalawang bundok sa dibdib. Nakaramdam ako ng kilabot kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Hindi ba sila nilalamig? Napailing ako at tumingin sa kalsada. Parang ang tagal namang dumating ng jeep ah. Alas otso na kasi base sa mumurahin kong relos. Huminga ako nang malalim. Narinig ko pang nagtatalo ang mga babae pero hindi ko na sila tiningnan pa ulit. Maya-maya pa ay may nakita na akong paparating na jeep. Hinanda ko na ang sarili ko at ikinaway ang aking mga kamay para makita n’on na sasakay ako. Pero noong papalapit na iyon ay biglang may humawak sa braso ko kaya hindi ako nakasakay agad. Syete naman, oo! Kunot noong nilingon ko at handa na sana magsabi ng mga masasakit na salita. Pero natigilan ako noong makita kong isang babae iyon. Nakatungo siya habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa braso ko. Teka, kasama siya nung mga babae kanina. Pagtingin ko sa entrance ng disco house ay wala na roon ang mga kasama niya. Bakit andito 'to? “Teka, Miss. Na saan na ang mga kasama mo? Huy!” Agad kong hinawakan ang mga braso niya noong muntikan na siyang matumba. Bahagya akong natigilan noong humawak siya sa balikat ko at sumandig sa dibdib ko. Para tuloy kaming mag-jowa na nagyayakapan sa gilid ng kalsada. Napangiwi ako noong maramdaman ko ang mga umbok niya. “T-Teka, Miss.” Sinubukan ko siyang itayo ng tuwid pero nakapikit na ito. Mukhang lango pa siya sa alak dahil amoy na amoy ko ang beer sa kanyang hininga. Ang ganda… Sandali akong natigilan nang matitigan ko ang mukha niya. Wala sa ayos ang maiksi niyang buhok na hanggang kalahati ng kanyang batok. Kaunti lang ang liwanag sa pwesto namin pero kita ko pa rin ang makinis at mamula-mula niyang pisngi. Foreigner? Hindi kasi pang pinoy ang mukha niya. Nahiya na nga ang ilong ko sa perkpektong tangos ng ilong niya. Matangos din naman ‘to pero sakto lang hindi kagaya sa kanya. Umiling ako at inayos ang pagkakahawak sa kanya. Nasa likod na niya ang mga kamay ko kaya parang magkayakap na talaga kami ngayon. Muli akong natigilan noong maamoy ko ang pabango niya. Napakabago! s**t, ano ka ba Aga? Focus! Nasaan na ba kasi ang mga kasama niya? “Sandali lang ha? Hahanapin ko ang mga kasama mo,” aniko kahit alam ko naman na hindi niya ako naririnig. Papaupuin ko sana siya sa gilid pero hindi niya ako binitawan. Mas lalo niya pa tuloy akong niyakap kaya ramdam na ramdam ko na ang init ng katawan niya. Diyos ko naman. Hindi ba niya na iisip na lalake ang kayakap niya? Behave ka lang, Junjun. “I want to go home,” mahinang sabi ng babae. Pabulong lang iyon at halos hindi ko na nga marinig. “Ha? Go home? Edi umuwe ka! Na saan na ba ang mga kasama mo?” tanong ko. Umiling-iling ang babae. “I don’t… know.” “Ha?!” Bahagya ko siyang inilayo sa akin at tiningnan sa mukha. Nakapikit na ang mga mata nito at bahagyang nakaikom ang bibig. Mukhang tulog na ata ang babae. Saan ko naman siya iuuwe? Kung iiwan ko siya rito ay sigurado akong mapapahamak siya. Sa ganya niyang ito at kinis ay sigurado akong mayroong magkaka-interes sa kanya. Bahala na nga! Kinarga ko na siya ng pangkasal at dinala siya sa may tabi ng disco house at inupo sa bench chair sa tabi. Gusto ko talaga magsalita ng mga masasakit na salita! Papaano? Halos mapugto na hininga ko habang buhat-buhat siya. Ano naman kasi ang payat kong katawan sa malaman niyang katawan? Pati nga hinaharap- Argh! Kaya ayaw ko sa mga babae e! Hingal na hingal ako noong maiupo ko na siya kaya nagpahinga pa muna ako ng ilang saglit. Tsk! Dapat nasa bahay na ako eh! Pagtingin ko sa pinto ng disco house ay sakto pang wala ang bounce. Paano na 'to? Muli akong napatingin sa babaeng bahagyang napakaawang na ang bibig at mahinang humihilik. Iinom inom siya hindi niya kayang dalhin ang sarili. Napailing na lang ako. Baka nasa loob lang din ang mga kasama niya, maige na rin dito ko siya iwanan para madaling makita ng mga ito. “Iinom inom hindi naman pala kakayanin,” inis kong sabi. Naglakad na ako papunta sa gilid ng kalsada at agad na pinara ang papalapit na jeep. Kaunti lang ang mga pasahero kaya sumakay na ako at na upo sa dulong parte ng jeep. Tama lang ang ginawa ko. Umiwas tayo sa mga babae. Huminga ako nang malalim at pinikit ang mga mata. Nakakapagod din ang isang oras na pag-upo at paghampas ng mga stick sa drum. Napailing ako dahil muli kong maalala ang babae. Napaupo ako nang maayos at sinilip ang babae. Medyo nakalayo na ang jeep pero natatanaw ko pa rin siya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong mayroong ng mga tumabing kalalakihan dito. Mukhang mali pa ata ang ginawa ko. Napakapit ako nang mahigpit sa bag ko at tinitigan sila. Tsk! Kasalanan naman niya ah? Muli akong sumandig. Iinom-inom tapos hindi kayang dalhin ang sarili? Kung siya ang magiging nobya ko ay siguradong hindi kami magkakasundo. Hayaan natin siya. Lumayo tayo sa gulo. Muli kong ipinikit ang aking mga mata. Haist! “Kuya, sandali! May nakalimutan ako!” sigaw ko. Nang pumara ang jeep ay patakbo akong lumapit sa pwesto ng babae. Hindi kaya ng konsensya ko na pabayaan siya. Kahit na ayaw ko sa gulo ay hindi ko naman gusto na may mapahamak. “Hoy! Layuan niyo ‘yan!” sigaw ko sa mga lalakeng hinahawakan na ang babae. Naglingunan ang mga ito sa akin. Sandali akong natigilan noong makita ko ang mga katawan. Tae, isang pitik lang nila ako siguradong taob na ako. Pero huminga ako nang malalim at pilit na pinatapang pa rin ang sarili. “Bakit? Sino ka ba?” maangas na tanong sa aking ng isa. Agad itong humarang noong papalapit na ako. Napalunok ako noong magsalita ang isa. Ang tangkad nito at halos hanggang baba lang ako. “Girlfriend ko ‘yan, boss. Iba na lang pagdiskitahan niyo.” Tumawa ang isang lalaki na naka-akbay na sa babaeng tulog pa rin. “Ikaw? Boyfriend nito?” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Baka alalay kamo!” “Sige na, boss. Ako na ang bahala sa kanya,” pakiusap ko pa. Sana lang talaga madala sa pakiusap. Pakiramdam ko kasi madadala ako agad sa ICU kapag sinuntok ako kahit ng lalakeng nasa harapan ko. “May problema ba rito?” Lahat kami napatingin nang may magsalita mula sa gilid namin. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ang bouncer ng disco house. Agad kong tinaas ang kamay ko at lumapit sa kanya. Mabuti na lang talaga at tropa na namin siya. Sa laki ng katawan ni Bruno ay sigurado akong isang suntok niya lang sa mga lalakeng ‘to. Pakiramdam ko ay nakakita ako ng kakampi. “Bruno! Pinag-iintrisan kasi nila ang girlfriend ko,” sumbong ko. Tumingin si Bruno sa babaeng nakaupo sa upuan. Agad namang umalis ang lalakeng nakaakbay sa kanya at tiningnan ako nang masama. “Umayos ka nga sa pinagsasabi mo!” singhal nito sa akin at naglakad na papasok ng disco house. “Girlfriend mo talaga ‘yan?” natatawang tanong ni Bruno. “Bakit?” Umiling-iling si Bruno at tumalikod sa akin. “Sige na. Suotan mo ng helmet ‘yang syota mo para hindi mauntog.” G4go! Napangiwi na lang ako at nilapitan na ang babae. May hitsura naman ako ah? Ano bang akala niya? Hindi ko na lamang inintindi ang sinabi niya at nilapitan ang babae. Hindi kaya ng konsensya ko kung iiwan ko siya rito. Bahala na. Iuuwe ko na lang siya sa bahay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook